Number

16K 545 25
                                    

Chapter XIX

Kanina pa ako hindi mapakali, mag mula kasi nang pumasok kami ni Sylvester sa mall ay pinag tinginan na siya. Alam kong normal na ito pero nakakailang talagang napapa tingin din sa akin ang mga tao at mag bubulungan.

Bahagya akong napa yuko at dumistansya kay Sylvester.

Napa lingon siya sa akin. Kitang-kita ko ang pagkakakunot ng noo niya na para bang hindi na gustuhan ang ginawa ko. Inisang hakbang niya ang pagitan namin at mabilis na pinag salikop ang mga kamay namin.

"What's wrong?" masuyo niyang tanong.

Natigilan ako. Halos lahat ng tao nasa kanya ang atensyon pero siya naman ay sa akin lang naka tingin. Bumilis ang tibok ng puso ko, nahigit ko pa ang hininga ko dahil doon.

Hindi ko na nasagot si Sylvester nang may na hagip akong grupo ng mga babae sa may 'di kalayuan na lantaran ang pagkakilig habang naka tingin sakaniya.

Napa simangot ako at hindi na gustuhan iyon, masyadong nakaka kuha ng atensyon si Sylvester kahit hindi naman siya nag eefort na gawin iyon.

Nag angat ako ng tingin sa kalapit ko nang maramdamang binitawan niya ang kamay ko at tuluyan ng hinapit ang baywang ko palapit sakan'ya. Naka tingin s'ya sa gilid ko at base sa ekspresyon niya ay hindi siya natutuwa at parang may gusto ng sugurin.

Kuryoso 'kong nilingon iyon at agad nakita ang tatlong lalaki na naka tingin sa direksyon namin. Mabilis ko lang din silang natignan dahil marahang isinubsob ni Sylvester ang ulo ko sa dibdib niya.

Narinig ko siyang malutong na nag mura at ramdam ko na ring tensyonado ang katawan n'ya.

"Damn assholes! they're looking at you since we got here, it really makes me want to take off their fucking eyeballs!"

Napa singhap ako dahil sa sinabi niya. "A-ano?" gulantang kong tanong. Hindi siya sumagot at hinila na lang ako paalis doon. Kita kong hindi parin siya okay dahil wala paring tigil ang pag tatagis ng panga niya.

Napa buntong hininga ako at napa tingin sa paligid. Dito kami dumiretsong dalawa nang makita ko siya kanina. Hindi ko alam kung bakit pero hindi na rin ako nag tanong.

Hindi na muling kumibo si Sylvester. Kita ko na ang bahagyang pag busangot niya at pag simangot na para bang na walan na ng gana. Kanina pa naman ay mas excited pa siya sa akin pumunta dito.

Hinawakan ko ang braso niyang naka pulupot sa akin kaya napa tingin siya sa akin. Masuyo ko siyang nginitian.

Pumungay ang mga mata niya.

"Where do you wanna eat?" tanong niya.

Ayoko sanang mag turo dahil alam kong siya nanaman ang gagastos pero na isip ko rin na hindi pa siya kumakain kaya hindi na dapat ako mag inarte.

Itinuro ko ang isang sikat na fast food. Nakita ko ang pag aalinlangan niya kaya natigilan din ako.

"Bakit?" tanong ko.

Nakita kong napa kagat siya sa labi niya. "I don't eat in fast food."

Natigilan ako. Bahagyang nahiya, siguro dahil mayaman siya ay mas laging pinipili ng pamilya nilang sa mamahaling kainan pumunta.

"But don't worry, it's okay, let's go." na wala ang pag aalinlangan n'ya nang nakita ang ekspresyon ko. Siya na rin ang humila sa akin papasok sa loob.

Habang nandoon, pansin ko talaga na hindi siya sanay. Ako nga ay minsan lang din kumain dito katulad sa mga restaurant, kung may okasyon pa iyon o may padala ang mga magulang ko.

I'm The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon