Bad Boy

24.9K 707 61
                                    

CHAPTER II

"Kamusta sa bago mong school?" tanong ni Tita Claudia habang nilalagay na ang ulam namin sa lamesa.

Kumuha ako ng mga plato at kutsara at inayos na rin iyon. "Okay lang po." sagot ko.

Kapatid ni Tita Claudia si Mama. Simula noong mag ten years old ako, si Tita Claudia na ang nag alaga sa akin dahil parehas nag trabaho si Mama at Papa sa ibang bansa. Engineer si Papa habang si Mama naman ang Architect. Dahil din doon ay mas pinagpupursigihan ko ang pag aaral para maging isang architect din ako katulad ni Mama.

Seryoso akong tinignan ni Tita nang maka upo na siya sa kaharap kong bangko. "Ikaw ha, Cheyenne, umiwas iwas ka sa gulo diyan sa bago mong school. Marami pa namang mayayaman doon! Pati huwag kang mag bo-boyfriend agad, huwag mong gayahin iyang pinsan mo na puro paglalandi ang iniintindi." pagpaparinig ni Tita kay Ate Saylor na kararating lang.

"Hindi naman ako nag lalandi, Mommy. Inspiration ko nga si Jonnard." ani Ate Saylor at pumasok sa kwarto niya para ata mag bihis ng unipormeng suot.

Nakita ko ang pag irap ni Tita kaya mahina na lang akong napatawa. Lagi kasing hindi nagkakasundo ang dalawa.

"Oh basta Cheyenne. Ang paalala ko sa'yo lagi mong tandaan, umiwas iwas ka sa mga kapwa mo estudyante na mukhang walang gagawing mabuti." masungit na pangaral ni Tita.

Hindi na ako nag salita at nag simula na lang kumain. Bigla kasing pumasok sa isip ko ang grupo nila Sylvester. Kaninang first period ay nasa klase silang lahat pero pagkatapos noon ay hindi na sila muling nagpakita buong araw. Rinig na rinig ko ang panghihinayang ng mga kaklase kong babae habang tahimik lang ako at hindi na muli sinubukang makipag usap sakanila. Sa klase kasi ng tingin na ibinigay nila sa akin nang umupo ako sa tabi ni Sylvester kanina, alam ko ng hinding hindi nila ako gugustuhing kaibiganin.

Noong una ay nag tataka nga ako kung paano nakakapasa ang limang lalaking iyon kung puro laging cutting lang ang ginagawa nila. Nalinawan lang ako noong maisip na mayaman sila at magagawa nila lahat. Narinig ko rin na matalino ang limang lalaki na iyon.

"Tulaley!" binatukan ako ni Ophelia kaya napa balik ako sa realidad. Napa lingon ako sakaniya. Siya ang bunsong anak nila Tita Claudia at Tito Remington. Grade six pa lang siya pero pasaway na.

"Hoy ikaw bata ka! Bastos ka ah! Mas nakakatanda sa'yo ang Ate Cheyenne mo pero kung batukan mo parang kaklase mo lang ah!" sita ni Tita at binatukan din si Ophelia.

"Aray! Ouch! It hurts!" maarte niyang tugon.

Lumabas si Ate Saylor at naabutan ang pag iinarte ni Ophelia. Piningot niya ito at pina upo na sa katabing upuan ni Tita.

"Saan ka nanaman nanggaling ha?" tanong ni Ate Saylor kay Ophelia na iirap irap dahil sa nangyari.

"Kanila Anthony my loves so sweet! Duh!"

"Aba't! Mommy oh! Ang landi landi ng bunsong anak mo oh!" sumbong ni Ate Saylor.

Umismid si Tita at pinagkukurot sa tagiliran ang dalawa. "Parehas lang kayong malalandi."

Napa tawa na lang ako habang nakain at pinapanood ang pagkukulitan nilang tatlo.

"Ate! Kamusta sa bago mong school? Mas gwapo ba talaga sa personal si Sylvester?" biglang tanong ni Ophelia.

Nagulat ako sa tanong niya kaya hindi agad ako nakasagot. Pati paano niyq nakilala si Sylvester?

"Ate?" untag niya habang mukhang atat na ata sa isasagot ko.

Napa ayos ako ng upo at nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang tatlo. Miski kasi si Ate Saylor na nag cecellphone na ay napa tigil parang alamin ang sagot ko, si Tita naman ay napa tigil sa pag subo.

Napa lunok ako at tuluyan ng kumuha ng tubig mula sa pitsel. Nag aalangan akong sumagot ng 'Oo' dahil baka kung anong isipin ni Tita.

"Huwag mo ngang idamay ang pinsan mo sa kalandian mong bata ka!" sinapok ni Tita si Ophelia kaya hindi sinasadyang natamaan nito ang plato at nalaglag ang ulam na hotdog ni Ophelia sa sahig.

"Mommy!"

Maaga akong gumising kinabukasan kaya maaga rin akong nakarating sa school.

Napa ngiti ako habang mag isang nag lalakad sa hallway ng building papunta sa classroom namin. Gusto ko laging maaga pumasok dahil konti pa lang ang mga kapwa ko estudyante sa school at nakakapag lakad ako ng maayos mag isa. Pag kasi medyo marami na akong nakikita na naka tambay sa hallway o marami akong kasabay na nag lalakad, nakakaramdam ako ng takot at sobrang kaba.

Nang makarating ako sa classroom, pumasok na ako agad sa loob. Mabilis akong umupo sa upuan ko pero nang akmang kukuha na ako ng libro sa bag para mag basa ay may nahagip ang mata ko sa labas ng bintana.

Nakaramdam ako ng takot sa nakita ko sa labas kaya agad akong napa hawak sa dibdib ko.

May isang lalaki na naka tali sa flag pole na puro dugo at pasa sa katawan. At imbis na tulungan siya, nakita ko pa ang mga kapwa namin estudyante na pinipicturan ang lalaki.

Tatayo na sana ako pero nagulat ako nang biglang mag datingan ang limang lalaki na nakita ko kahapon. Una muling pumasok ang chinitong lalaki na may kakaibang ngisi.

Dumagdag sa takot na nararamdaman ko ang biglang pag tama ng mga mata namin ni Sylvester. May nakita akong pasa sa gilid ng labi niya habang seryoso siyang nag lalakad papunta sa direksyon ko.

Napa iwas ako ng tingin at muling bumaling sa labas ng bintana. Halos kilabutan ako nang makitang tinatanggal na doon ang lalaki pero para itong walang malay.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya mas lalo akong nanlamig.

Halos hindi ako makahinga dahil sa pag-iisip na baka ang katabi ko ang bumugbog sa lalaki.

"Hey, dumb."

Nabalik ako sa kasalukuyan nang may marahas na tumapik sa kamay ko.

Napa pitlag ako at napa angat ng tingin sa babaeng nasa harap ko. Masama ang tingin niya sa akin at halatang naiinis na.

"Are you deaf? Umalis ka nga muna sa upuan mo! uupo ako!" mataray niyang utos.

"A-ah, okay." nag mamadali kong inayos ang gamit ko sa arm chair at tumayo. Per bago pa ako makahakbang ay may pumigil na sa kamay ko. Pakiramdam ko nakuryente ako sa pag hawak sa akin ni Sylvester kaya napa pitlag ako.

"Bakit hindi ikaw ang umalis?" malamig niyang tanong sa babaeng pinapaalis ako.

Nakita kong namutla ang babae. "G-gusto lang sana kitang maka usap--"

"And what makes you think that I want to talk to you?"

Nakita kong mas namutla ang babae at hindi na tuluyang naka sagot. Miski ako ay kinakabahan dahil sa nakakatakot na aura ni Sylvester. Parang konting konti na lang ay magwawala na siya.

"I haven't hit a girl before, but if you still stay for just two more minutes in front of us, you'll be the first."

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot sa sinabi niya. Napa lingon ako sa babae nang tumakbo ito agad palayo. Akmang aalis din ako pero mas hinigpitan ni Sylvester ang hawak sa akin.

"Where the hell are you going? Sit down!"

Siya na mismo ang humila sa akin paupo nang hindi ako kumilos. Napa kurap ako at napa lingon sakaniya pero na abutan ko lang siyang naka pikit na habang naka hawak sa sintido niya.

I'm The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon