Crush

12.4K 492 60
                                    

Chapter XXIII

Maaga akong pumasok kinabukasan, hindi katulad kahapon na halos ayaw ko nang pumasok dahil sa labis na pag-aalala kay Sylvester.

Kababa ko lang sa sinakyan kong jeep nang mahagip ng paningin ko ang lalaking iniisip ko ngayon. Nakapamulsa siya sa harap ng gate habang naka tingin sa malayo.

Napangiti ako at inayos ang bag ko bago mabilis na lumapit sakan'ya.

"Sylvester." tawag ko.

Mabilis siyang napa lingon sa'kin at awtomatikong ngumiti. Ngumiti ako pabalik kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Siya na mismo ang mas lumapit at bigla akong hinalikan sa sintido bago kinuha ang bag ko.

"A-anong gagawin mo d'yan?" nagtataka kong tanong at akmang babawiin iyon.

Ngumisi lang siya at isinukbit ang bag ko sa kaliwa niyang braso bago pinag daop ang mga palad namin.

Kahit puro parin pasa ang mukha niya ay mas maaliwalas na iyong tignan, hindi katulad dati nang una ko siyang makilala na para bang lagi s'yang galit sa mundo.

Sabay kaming nag lakad papasok sa school. Pansin ko ang pag lingon sa amin nang mga ka-schoolmate namin pero mukhang wala namang pakialam si Sylvester.

Ako na lang ang nakaramdam ng hiya dahil mukha talaga akong hindi bagay sa tabi n'ya.

Marahan kong ginalaw ang mga kamay naming magkadaop kaya napalingon sa'kin si Sylvester.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at unti-unting hinigit ang kamay ko palayo sakan'ya. Kumunot ang noo niya nang mapansin iyon. Bumaba ang tingin niya doon at muling inayos para mas humigpit ang kapit n'ya sa'kin.

"What's the problem?" may bahid ng pag-aalala ang tono niya nang mag-angat siya ulit ng tingin.

Mabilis akong tumingin sa mga taong nakatingin saamin bago muling tumingin sakaniya.

"Hindi ka ba nahihiya na ka-holding hands mo 'ko?" mahina kong tanong.

Mas lalong nag salubong ang mga kilay niya. "Ba't ako mahihiya?" suplado niyang tanong.

Napa labi ako at hindi na naka sagot. Narinig ko siyang bumuntong hininga kaya nag angat ulit ako ng tingin sakaniya.

"Kung mahihiya man ako na hinawakan ko ang kamay mo, that's because this is like a sin, a demon holding an angel's hand." bumagsak ang tingin niya sa mga kamay namin. "It's a taboo for a demon like me to be attracted with a lovely angel like you."

"Pero 'di ka naman d-demonyo." angal ko.

"I've done so many bad things, I'm no angel." seryoso niyang sagot. "That's why I thank God because He still gave you to me, my guardian angel."

Hindi na ako naka sagot. Nginitian ako ni Sylvester bago tuluyang hinila para makarating na kami sa classroom.

Napa hawak ako sa bandang dibdib ko dahil sa malakas na pagkabog doon. Bumuga ako ng hangin habang iniisip na sa buong buhay ko, ngayon ko lang talaga naranasang bumibilis na lang ito bigla kahir wala naman ako masyadong ginagawa.

Nang makarating kami sa room ay bahagya pa akong nagulat nang makitang nandoon na rin ang mga kaibigan ni Sylvester. Palagi kasi silang late kaya nakakagulat na mas nauna pa sila sa'kin.

"Daniel! Tignan mo!" tuwang tuwang sigaw ni Lance at hinampas pa sa dibdib ang kaibigan.

Nakita ko ang seryoso at masamang tingin ni Daniel nang mag angat s'ya ng tingin. "Kailangang mang hampas?" tanong niya at hinampas din ng malakas si Lance sa dibdib.

I'm The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon