Washroom

11.4K 390 43
                                    

Chapter XXIV

Walang imikang bumalik kami sa classroom ni Sylvester. Simula kanina hindi na siya nag salita, gusto ko mang sabihin sakaniya na siya talaga ang gusto ko, nahihiya naman akong biglang umamin.

Iyong tipong akala mo lang 'pag naiisip mo madali pero kapag gagawin mo na pala talagang mahirap.

Hindi na nga kami naka punta sa clinic para ipagamot ang sugat niyang nakuha niya pala sa pag suntok sa puno.

Pinauna niya akong pumasok pero agad ding akong natigilan nang makita ang teacher namin sa unahan. Natigil din sa paglalakad si Sylvester at nanatili sa likod ko.

"Ms. Bautista and Mr. Mijares, kailangan niyong pumunta sa detention office." ani Sir Bonnson.

Nanginig ang kamay ko dahil sa narinig. Biglang pumasok sa isip ko kung anong mangyayari kapag tinanggalan ako ng scholarship dahil sa nangyari kanina.

"I'll go, but Chelidon will stay." mariing sagot ni Sylvester at hinawakan ako sa likod ko.

Napalingon ako sakan'ya at bahagyang umiling. Kasama pa rin ako sa gulo kanina kaya kailangan kong sumama papunta sa office. Tumingin ako sa pinakang dulo ng classroom at agad nakitang wala rin sila Daniel sa mga upuan nila.

"But Mr. Mijares--"

"Ako ang nag simula ng gulo! Ako lang ang pupunta!" sigaw ni Sylvester.

Napa pitlag ako at napa hawak sa braso niya. "Sasama ako."

"No." mabilis niya akong hinila papunta sa bangkuan namin. "Stay here." matigas niyang utos at mabilis na lumabas.

Wala ring nagawa ang teacher namin at nag patuloy na lang sa klase kahit halatang tensyonado.

Nanlambot ang mga tuhod ko at napa upo sa bangko ko.

"Ayan, ang landi kasi."

Napa lingon ako sa babaeng bumulong niyon. Nakita kong hinampas siya ng katabi niya at pilit pinatahimik.

Lumingon sa akin ang babae at agad natigilan nang makitang naka tingin ako sakan'ya. Mabilis silang nag-iwas ng tingin at tumingin sa unahan.

Nagpatuloy ang klase na hindi pa rin dumadating ang grupo nila Sylvester. Mabilis akong tumayo sa bangkuan ko nang mag break time para puntahan sila.

Hindi ko natunton ang detention office dahil hindi ko alam kung saan iyon. Sinubukan kong mag tanong sa mga nadaraanan kong kapwa estudyante pero mabilis silang umiiwas sa'kin na para bang may nakakahawa akong sakit.

Bumuga ako ng hangin, bakit ba kasi dati ay hindi ko inalam kung saan iyon?

Napa hawak ako sa sintido ko nang maisip ang dahilan, hindi ko rin kasi inakala na kakailanganin ko pa lang pumunta rin doon balang araw. 

May nadaanan akong washroom kaya mabilis akong pumasok doon. Napansin ko ang gulo-gulo kong buhok kaya pinusod ko iyon bago humawak sa sink at nag isip kung saan pang parte ng malawak na school na ito ang hindi ko napupuntahan.

Nang makapag-isip ng malalim ay akmang aalis na ako nang biglang may pumasok sa loob.

Anim silang babae at halatang nagulat din ng makita ako.

Ipagpapatuloy ko na sana ang pag-alis pero bigla akong itinulak ng nasa harap na babae kaya tumama ang likod ko sa sink.

Nahigit ko ang hininga ko sa sobrang gulat at sa biglang naramdaman na takot.

"Oh my gosh, Aubrianna, baka mag sumbong iyan!" narinig kong wika ng isang babae sa likod n'ya at suminghap din.

Nakita ko ang matalim na tinging ipinukol sa akin ng babaeng nag ngangalang Aubrianna. "Hindi naman makakapag sumbong kung tatakutin diba?"

Napa atras ako ng lumapit siya sa'kin pero wala na talaga akong ma atrasan. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa halo-halong takot at kaba.

"Ano bang ginawa mo huh? Bakit mukhang patay na patay sa'yo si Sylvester? Ginayuma mo ba?" tanong niya at biglang hinila ang buhok ko.

Napa awang ang labi ko sa sakit at napa hawak sa kamay niyang naka hawak sa buhok ko.

"W-wala akong ginagawa." tugon ko at pilit tinanggal ang kamay n'ya pero mas humihigpit iyon at hinila ang buhok ko. Napa ngiwi ako at bahagyang tinagilid ang ulo ko para hindi masyadong masaktan sa kahihigit n'ya.

"Wala? E ba't napansin ka ni Sylvester? Hindi ka naman kagandahan!" sigaw n'ya.

Nakita kong naging mas tensyonado ang mga babae sa likod niya. Pilit siyang pinipigilan pero inis niyang tinatabig ang mga iyon.

"Hindi maganda? E diba sabi mo naiingit ka sakan'ya?"

Pare-parehas kaming napa lingon sa babaeng nag salita sa likod. Napansin kong naka salamin siya at halatang naaawa sa kalagayan ko.

"Fuck! Stupid, girl! Sino bang nag sama sa nerd na 'yan dito?" binitawan ako ni Aubrianna at nilingon iyong babae.

"Mamaya ka sa'kin." mariin niyang banta bago humarap sa'kin at malakas akong sinampal. "Para 'yan sa pang lalandi mo kay Sylvester! Subukan mo ring mag sumbong sakan'ya lagot ka sa'kin!"

Nasapo ko ang kanan kong pisngi at napa tagilid ang ulo sa sobrang lakas niyon. Gulat na gulat ako dahil hindi ko 'yon inaasahan.

Hinila niya ulit ang buhok ko kaya napa daing ako at napa harap sakan'ya. Sinubukan ko siyang itulak pero mas lalo niyang hinihigit ang buhok ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas ng ganito kaya 'di ko alam kung anong gagawin, gusto ko ng makaalis pero kada gagawin ko iyon ay mas sinasaktan niya ako.

"Tama na!" sigaw ko at itinulak siya.

Napa atras siya at mas lalo kong nakita ang galit sa mukha n'ya.

Nakaramdam ako ng takot nang akmang sasampalin niya ako kaya agad kong ipinangharang ang mga braso ko pero hindi ko naramdaman ang kamay n'ya.

"Ang sama sama mo, Aubrianna! Isusumbong ko kayo kay Sylvester!"

Tinignan ko ang nangyayari at agad na abutang sinasabunutan nung babaeng naka salamin ang babaeng nananakit sa'kin pero pinag tulungan din siya agad ng limang babae na kaibigan ni Aubrianna.

Nanlaki ang mga mata ko bago mabilis na lumapit at hinila ang mga babaeng nananakit sakan'ya.

"Tama na! Tama na!" paulit-ulit kong sigaw kahit nagkakasakitan na kami dahil sa hilahan.

Nakatakas iyong babaeng naka salamin at patakbong lumabas.

Na alarma ang limang babae at nag takbuhan na rin palabas. Naiwan akong umiiyak at napa upo sa malamig na sahig.

Ramdam na ramdam ko ang pananakit ng ulo, braso at ng pisngi ko dahil sa nangyari.

-

Sayranii's Note: Hindi ko pa 'to tapos pero may balak nanaman akong isulat 😭, isa siya sa mga characters na ipapakilala pa lang sa susunod na mga chapters dito. (For now, I'll just publish the cover. Bad boy talaga siya, as in may bad boy pa kay Sylvester. This new bad boy has an ash gray colored hair, cold eyes and a very difficult personality, there's only one person who can tame him...)

I'm The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon