Remember

20.3K 661 42
                                    

Chapter V

Dahil sa nangyari. Tuluyan na akong umiwas kay Sylvester at sa grupo niya. Pag makakasalubong ko sila sa hallway o sa ibang parte ng school ay mabilis akong nalihis ng daan. Hindi ko na ring tinangka na muling titigan ang mata niya dahil sa takot.

Isang linggo na rin ang lumipas matapos nang ginawa nilang pangbubugbog kay Maddox. Hanggang ngayon hindi parin siya nakakapasok, nag aalala ako at gusto ko siyang puntahan pero hindi ko naman alam kung paano at saan siya bibisitahin. Lagi ko na lang ipinagdadasal sa Diyos na sana gumaling na siya para tuluyan na siyang makabalik sa pag-aaral.

Napa ayos ako ng upo nang makitang pumasok si Sylvester sa room. Mag isa lang siya ngayon.

Nakita kong napa tigil siya nang makitang wala ako sa proper seat ko.

Napa yuko ako sa pinag pwestuhan kong upuan malayo sakaniya. Naka upo ako ngayon sa upuan ni Maddox kaya walang nagtangkang mag paalis sa akin.

Kinabahan ako nang makitang nilibot ni Sylvester ang paningin niya sa classroom. Iiwas na sana ako ng tingin pero nahuli na niya ako.

Nakita kong mariing nag lapat ang mga labi niya bago siya tumuloy at umupo sa upuan niya.

Nitong mga nakaraang linggo, hindi ko alam pero parang napapansin ko ang ibang pagtrato sa akin ni Sylvester. Harsh din siya sa akin pero madalas niya akong pagbigyang pansin. Natatakot akong isipin na ako ang nakita niyang bagong laruan kaya pakiramdam ko binabantayan niya ang mga kilos ko.

Naka hinga ako ng maluwag nang pumasok na si Ma'am Sabrina.

Nagpatuloy ang klase buong maghapon. Lumipas nanaman ang oras na mag isa ako at walang pumapansin. Wala akong kasabay lagi sa tanghali dahil nag babaon ako ng ulam at kanin samantalang ang mga kaklase ko ay nalabas pa ng school upang kumain sa mamahaling restaurant. Tuwing hapon naman ay nag aantay ako ng dadaang jeep o bus para masakyan pauwi.

Minsan pakiramdam ko napaka lungkot ko, hindi naman kasi ito nangyayari sa akin noon sa dati kong school, oo may mga nang aaway din sa akin pero meron parin akong nagiging kaibigan. Dito kasi lagi lang akong nakakatanggap ng mariing titig at irap sa mga ka schoolmate kong babae. Mas mabait sa akin ang mga lalaki pero ayoko namang mapabarkada sakanila.

Napa tigil ako sa paglalakad papunta sa gate ng school nang makita ko si Sylvester na nag iisang naka upo sa bench na inupuan namin noon ni Maddox. Naka yuko siya at hindi nagalaw.

Napa tingin ako sa paligid. 5:30 na ng hapon kaya wala ng masyadong tao sa school. Pakonti konti na lang ang mga estudyante dahil nag aagaw na rin ang dilim at liwanang sa kalangitan.

Akmang hindi ko na papansinin ang lalaki nang mapatigil ako. Paano kung tulog siya? Nakakaawa naman kung aabutan siya ng gabi dito.

Nagtalo pa ang isip ko kung lalapitan ko siya pero nanaig parin iyong kagustuhan kong gisingin siya. May mga security guards naman ang school na mamaya ay mag lilibot sa school pero sa tingin ko medyo pagabi na nila ginagawa iyon.

Napa buga ako ng hangin nang matapat na ako kay Sylvester. Alam kong dapat iniiwasan ko siya dahil mapanganib siya pero ewan ko kung anong nagtutulak sa akin na lapitan siya.

Marahan kong hinaplos ang buhok niya pero agad akong nagulat nang hulihin niya ang kamay ko at mariing pisilin na halos mababali na ang buto ko.

"A-aray." impit kong hiyaw.

Nag angat ang ulo niya at medyo naniningkit pa ang mga mata. Nang makita ako ay agad niya akong mabilis na binitawan. "What the fuck are you doing here?" galit niyang tanong.

Hindi agad ako nakasagot dahil sa pag inda ng kamay ko. Ngumingiwing pilit kong ginagalaw iyon dahil para ng nanigas.

Narinig ko ang pag buga ng hangin ni Sylvester kaya agad akong napa angat ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko nang may nakitang sugat ang gilid ng labi niya.

"Aray!" hiyaw ko ulit nang hilahin ni Sylvester isa isa ang daliri ko. Pinalagutok niya iyon kaya natahimik ako. Medyo nawala na kasi ang sakit.

Nang bitawan niya ako, mabilis ko namang hinalughog ang bag ko para hanapin ang band aid ko.

"Ah." nahihiya ko iyong ibinigay sakaniya dahil lukot lukot na ang papel ng band aid.

Nakita kong tumaas ang kilay ni Sylvester habang naka tingin sa ibinibigay ko.

"May sugat ka dito." untag ko at itinuro ang gilid ng labi ko.

Tumingin sa akin si Sylvester at tinignan ang labi ko. Kumunot ang noo ko nang hindi sa gilid ng labi ko siya nakatingin, sa labi ko mismo.

"Sylvester, dito." turo ko ulit sa gilid ng labi ko.

Nagtama ang mga mata namin. "You're really unpredictable. Aren't you scared of me?" malamig niyang tanong.

Napa atras ako sa sinabi niya at parang nabalik sa tamang wisyo.

Siya nga pala ang lalaking bumugbog kay Maddox!

Naalala ko ang mukha ng kaibigan ko at ang mga dugo sa mukha niya kaya mas lalo akong napa atras.

Nanlamig ang katawan ko sa takot.

Maling-mali ang ginawa kong paglapit kay Sylvester! Bakit ba ako lumapit!

Akmang tatakbo na ako palayo pero naging maagap si Sylvester. Agad niyang nahawakan ang bag ko at hinila ako pabalik sakaniya.

"Why are you always bothering me?" tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napa iling. "Hala! Hindi ko alam! Wala akong alam! please!"pinag daop ko ang mga palad ko at mariing pumikit.

Unti-unti akong napa mulat nang marinig ko siyang mahinang tumawa. "You're so damn cute, don't you remember me?"

Napa kunot ang noo ko. "Huh?"

Hindi siya sumagot at inilingan lang ako bago marahas na binitawan ang bag ko.

Tumama iyon sa likod ko kaya napa ngiwi ako. "Aww."






A/N: Kahit ayoko pang mag update dahil inaantay kong marami pang maka basa, hindi ko pa rin na pigilang mag update. Halos tatlo ang kailangan kong tapusin na story ngayon kaya medyo nag mamadali ako, pero mukhang hindi mabilis matatapos ang istoryang ito. Hindi pa kasi nag sisimula sa pinakang start ng plot, marami pang mangyayari.

I'm The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon