Sabaw updateeeeee.
Chapter XX
Napa kunot ang noo ko nang makapasok ako sa classroom at hindi makita si Sylvester sa upuan niya. Kahit naman kasi hindi talaga natupad ang deal namin ay maaga na rin siyang pumapasok.
Dumiretso ako sa upuan ko na nag tataka parin dahil wala pa s'ya. Palagi kasi siyang mas unang napasok kesa sa akin kaya nasanay na rin akong makita siya sa upuan niya pagkapasok ko pa lang sa classroom tuwing umaga.
"Lance." tawag ko sa atensyon ni Lance, naka harap kasi siya sa cellphone niya at halatang nag lalaro.
"Yes?" tanong niya at saglit akong tinignan.
"Wala pa ba talaga si Sylvester? Papasok ba siya ngayon?" tanong ko.
Nakita kong pinatay niya ang cellphone niya bago ako sinenyasang lumapit sakaniya.
Walang imik akong umupo sa tabi niya dahil wala parin si Daniel.
"Bakit?" nagtataka kong tanong.
Naka ngiti siyang humarap sa akin. "Alam mo bang may first love si Sylvester?"
"T-talaga?" nauutal kong tanong.
Tumango naman siya kaya mas lalo akong naguluhan sa nararamdaman ko.
Bahagya akong napa hawak sa dibdib ko dahil sa biglang pagkirot ng kanan kong dibdib. Ano 'to? Bakit ganoon? Bakit parang ang sakit?
"S-sino daw?" tanong ko ulit.
"Nakilala raw niya noong bata s'ya. Alam mo kasi, mag kaibigan na kami ni Sylvester mag mula noong Grade 1, saksi ako na mailap talaga siya sa mga babae maliban sa pamilya niya, tapos biglang noong maging Grade 10 na kami, bigla siyang may ikwinento sa aking babae, matagal na raw sa isip niya, hindi raw mawala."
Napa lunok ako. "Sino r-raw iyong babae?"
Sinenyasan akong mas lumapit ni Lance kaya itinapat ko ang tainga ko sa kaniya.
"Secret." natatawa niyang bulong.
Mabilis akong umayos ng upo at sinamaan siya ng tingin.
"Oppps, sorry, Cheyenne, it's not my story to tell, sakaniya mo itanong, nasa likod siya ng building doon sa tambayan niya, alam mo naman siguro iyon."
Dahil sa sinabi niya ay mabilis akong nag punta sa likod ng building kung saan may malaking puno at magandang paligid.
Lumapit ako sa puno ng mangga habang iniisip ang sinabi ni Lance. Hindi ako mapakali habang paulit-ulit iyong pumapasok sa isip ko, idagdag pa na hindi sinabi ni Lance kung sino ang babaeng tinutukoy niya.
Napa kunot ang noo ko nang makaamoy ng usok ng sigarilyo. Tinakpan ko ang ilong ko at tumingin sa likod ng puno.
Mabilis na napa tayo si Sylvester nang makita ako. Dumapo ang tingin ko sa sigarilyong hawak niya na bigla niyang inilaglag at inapakan para mamatay ang sindi.
Akmang lalapit siya sa akin pero mabilis akong umatras palayo.
Natigilan naman siya at nakita ko ang takot sa malamig niyang mata habang naka tingin sa akin, tumingin ako sa gilid ng mata niya at tinignan iyon ng maigi.
"B-bakit may pasa ka sa gilid ng mata mo?" tanong ko.
Umawang ang labi niya pero hindi agad naka sagot na para bang nag iisip pa ng tamang sasabihin.
Umayos ako ng tayo. "B-bakit ka rin nag sisigarilyo?" dagdag ko.
Bumuntong hininga siya. "It's just o-one stick."
Natigilan ako nang biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Lance na may first love si Sylvester. Mahal parin kaya n'ya ang babaeng iyon? Ano kayang nagustuhan niya sa first love niya?
Parang may asidong bumuhos sa lalamunan ko habang iniisip ang nga posibleng nangyari noon. Gusto ko sanang pigilan at sabihan si Sylvester na masama ang paninigarilyo pero pinigilan ko ang sarili ko, naisip ko kasi na wala naman akong karapatan sa buhay niya para pigilan siya sa mga gusto n'yang gawin.
Tumango ako. "Pwede mo namang gawin ang mga gusto mo, Sylvester, wala akong karapatang pigilan ka." halos pabulong kong sinabi bago siya tinalikuran.
Nakakailang hakbang pa lang ako nang mapigilan niya ako.
Pinihit niya ako paharap sakaniya kaya nakita ko ang frustration at pagod sa mga mata niya.
"May karapatan ka." bulong niya at pilit akong pina tingin sa mata niya. "Tell me, anong gusto mong baguhin ko?"
Malungkot ko siyang tinignan. "Hindi mo kailangang mag bago para sa ibang tao."
Nakita kong nag tagis ang panga niya. "Hindi ka ibang tao." mariin niyang wika. "Ano pang ayaw mo bukod sa paninigarilyo ko? Tell me, Chelidon."
Napa lunok ako at kahit anong pigil sa mga salita'y kusa itong lumabas sa bibig ko. "Ayokong nakikipag away ka."
Marahan siyang pumikit at tumango. "Okay, I'll try, It'll be hard but I'll do it for you."
"T-talaga?" tanong ko sa mahinang boses.
Mataman niya akong tinignan na parang malulunod na ako sa pagkakatitig niya. "Yes, anything for my baby."
Kumirot ang puso ko, paano iyong first love niya? Diba sabi nila mahirap kalimutan ang unang tao na minahal natin ng todo? Mahal pa kaya n'ya iyong babae? Kung mahal pa niya.. paano ako? Para saan itong mga ginagawa niya?
Sabay kaming dumiretso sa classroom nang mag bell na. Wala akong imik buong oras na kalapit ko s'ya.
Ramdam ko ang pag titig niya sa akin pero hindi ko siya binigyan ng pansin, kahit pa nga minsa'y sadya na siyang nagpapapansin para kunin ang atensyon ko.
Napa buntong hininga ako nang maramdamang umayos nanaman siya ng upo.
"Are you mad at me?" tanong niya at dumukwang palapit sa akin pagkalabas na pagkalabas ng teacher namin.
Umiling ako pero hindi nag salita.
Nakita ko siyang napa ayos ng upo at napa pikit ng mariin. "You're not mad? Really? Then why are you ignoring me?" tanong niya at nag mulat.
Halos maawa ako nang makita kong para na siyang nahihirapan sa akin pero nag iwas lang ako ng tingin.
Halos buong oras ko siyang hindi pinansin, ginawa parin namin ang nakasanayan naming pagkain ng sabay sa tanghali pero hindi parin ako umimik.
Hindi ko alam pero hindi kasi ako mapalagay habang iniisip parin ang sinabi ni Lance kanina. Hindi ko alam kung bakit parang big deal sa akin iyon pero hindi talaga ako mapakali.
"Ipagpatuloy mo lang ang hindi pagpansin kay Sylvester, hindi ko pa nakikitang umiyak 'yun e." natatawang bulong sa akin ni Lance nang madaanan ko siya sa bangko niya. Mag isa lang kasi ako ngayon kaya ang lakas ng loob niyang sabihin iyon, dumiretso kasi sa CR si Sylvester kaya hindi ko na siya inantay.
Kumunot ang noo ko at hindi pinansin ang sinabi niya. "Lance, sino ba talaga ang tinutukoy mong first love ni Sylvester?"
Nanlaki ang mga mata niya at biglang tumawa. "Iniisip mo parin hanggang ngayong hapon ang sinabi ko?"
Mariin kong pinag lapat ang mga labi ko habang naka tingin sakaniya na tawang tawa.
"Oh, ganoon naman talaga ang mga babae." dagdag niya at muling malakas na humalakhak, "Pero katulad ng sinabi ko, kay Sylvester kana mag tanong, Cheyenne."
"Nakakainis ka Lance." mariin kong tugon.
Ngumisi siya. "Yeah, I know, marami nang nakapagsabi niyan."
Bumalik ako sa upuan ko, gustong-gusto kong itanong kay Sylvester iyon pero natatakot at naiinis ako.
Gustung-gusto kong malaman ang totoo mula sakaniya pero malaki rin ang bahagi sa sarili ko na pumipigil sa akin sa pagtatanong dahil baka mas masaktan ako 'pag sakaniya na mismo nang galing ang sagot na hindi ko magugustuhan.
Naikuyom ko ang kamao ko. In love na ba talaga ako kaya nararamdaman ko ang mga ito?
BINABASA MO ANG
I'm The Bad Boy's Obsession
Teen FictionSa paglipat ni Chelidon Yenne 'Cheyenne' Bautista sa bago niyang school, may mga importante siyang bagay na dapat alalahanin at tandaan. Una, umiwas sa grupo ni Sylvester Rowan Mijares. Pangalawa, gawin ang lahat para maka iwas sa grupo nila Sylve...