Need

20.3K 591 56
                                    

Chapter III

"Hi."

Napa angat ako ng tingin kay Maddox nang lumapit siya sakin sa inuupuan kong bench dito sa soccer field.

"Hello." tugon ko ng tumabi siya sa akin. "Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Bakit? Ayaw mo ba akong nandito?" nahihiya niyang tanong.

Mabilis akong napa iling ng sunod-sunod. "Hindi! Nagtataka lang ako kasi hindi ka kasama ng mga kaibigan mo."

Napa ngiti siya. "Gusto muna kitang samahan kasi kanina ka pa mag isa."

Napa tango at napa ngiti rin. "Salamat ha."

"Bakit naman?" nagtataka niyang tanong.

"Ikaw lang kasi iyong maayos na kumakausap sa akin dito. Iyong mga babae kasi parang lagi silang galit sa akin." pati si Sylvester na hindi ko rin maintindihan.

Mahina niyang ginulo ang buhok ko. "Naiingit lang 'yun sila sa'yo."

"Huh?" ako naman ang nag taka.

"Maganda ka k-kasi."

Napa kunot ang noo ko nang mamula nanaman ang mukha niya. Diba dapat ako ang mag blush?

"Hindi naman. Marami ngang maganda dito e." tugon ko.

Umiling siya. "Basta, maganda ka." hindi makatingin niyang untag.

Napa tango na lang ako habang naka ngiti. Masaya akong may pumapansin sa akin kahit si Maddox lang. Pakiramdam ko hindi na ako nag iisa.

"May ibang lahi ka ba?" tanong niya.

Napa lingon ako sakaniya. "Ah, half American Mama ko."

"Kaya pala."

"Bakit?" tanong ko.

"Halata kasing hindi ka pure Pilipino, kulay green ang mga mata mo. Totoo ba 'yan o contact lens lang?"  

"Ah." napa hawak ako sa talukap ng mata ko. "Green talaga 'to." nahihiya akong ngumiti. "Ikaw? May ibang lahi ka ba?"

Tumango rin siya. "Half Korean." sagot niya habang titig na titig sa mga mata ko.

"Wow. Kaya pala."

"Kaya pala?"

"Kaya pala singkit ka."

Naka ngiti siyang tumango. Napa tigil lang kami nang makitang nag pulasan ang mga kapwa namin estudyante sa kalapit naming bench na may lamesa dahil biglang dumating ang grupo nila Sylvester.

Nakita kong namutla ang mukha ni Maddox. "Punta na lang tayo sa classroom?"

Mabilis akong tumango dahil ramdam na ramdam ko ang kaba niya. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila patayo.

Napa lingon ako kanila Sylvester at agad akong kinabahan nang makitang naka tingin siya sa akin. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong hawak ni Maddox. Umigting ang panga niya bago tumingin sa kaliwang bahagi ng soccer field.

Para namang may kung anong nag tulak sa akin para bawiin ang kamay ko kay Maddox. Napa lingon sa akin ang huli na may pagtataka sa mukha.

"Pasensya na. Hindi a-ako sanay e."

Tumango sa akin si Maddox at hindi na ako muling sinubukang hawakan.

Nang makarating kami sa classroom. Narinig kong huminga ng malalim si Maddox. "Hindi ko alam kung bakit lagi na silang pumapasok ngayon. Dati naman halos hindi na." bulong niya.

"Ano?" tanong ko.

Lumingon siya sa akin. "Iyong limang lalaki na umupo sa katabi nating bench."

"S-sino ba sila?"

"Mga kinatatakutan 'yan sila dito. Huwag mo na lang silang papakielaman para maging maayos ka dito sa School. Kalapit mo pa naman si Sylvester sa upuan."

Napa tango ako pero agad ding napa lingon sa labas ng room nang may nakita akong babae na umiiyak. Ang gulo ng buhok niya at basang-basa siya.

Agad nagpanic iyong mga nakakita sakaniya.

"Sinong may gawa niyan?" narinig kong tanong ng isang matangkad na babae.

"Si Lance!" humahagulgol na sagot ng babae.

Agad akong nanlamig nang pumasok sa isip ko ang singkit na lalaking kasama sa grupo ni Sylvester. Hindi siya kasama ng apat kanina doon sa bench.

Napa tingin ako sa paligid. May ibang nakikichismis sa nangyari pero meron ding iba na parang walang pakialam, parang normal na sakanila ang nangyayari.

"Hindi ba sila nag susumbong sa may ari ng school?" tanong ko kay Maddox.

Nagkibit balikat siya. "Wala parin iyong magagawa. Malakas ang kapit ng lima dito. Lalo na si Sylvester."

Napa lunok ako habang naka tingin sa babaeng umiiyak at itinatahan ang sarili. Mas lalo kong na isip na dapat ay lumayo talaga ako sa limang lalaking iyon, lalo na kay Sylvester.

I'm The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon