Love

21.4K 697 39
                                    

Chapter VII

Hindi ko alam kung ilang oras akong natulala dahil sa nangyari.

Bakit ako hinalikan ni Sylvester?

Nag panic ako nang ma isip na first kiss ko iyon. Paano na 'yan? Paano na 'yan kung tanungin ako ng magiging nobyo ko kung sino ang first kiss ko tapos sabihin kong si Sylvester na kaklase ko lang at hindi ko naman masyadong kilala? Anong iisipin niya tungkol sa akin?

Napa pikit ako ng mariin pero dapat hindi ko na lang pala ginawa dahil bumilis nanaman ang tibok ng puso ko nang maalala ang naka pikit na mata ni Sylvester habang mag kalapat ang mga labi namin.

Na alala ko rin iyong namumula niyang mukha noong humiwalay siya. Natural ba iyon? Bakit sa mga drama na napapanood ko hindi naman namumula ang mga mukha ng mga lalaki?

Napa hawak ako sa pisngi ko.

Ako rin pala namula!

Sunod sunod akong napa iling nang magpa ulit ulit sa isip ko ang eksenang paghalik sa akin ni Sylvester. Para bang sa pag iling ko ay mawawala sa isip ko ang nangyari kanina. Arrgh!

Anong sasabihin nila Mama at Papa pag na laman nila 'to? Napaka konserbatibo pa naman ng mga magulang ko, pati pinaalalahanan din ako ni Tita Claudia na lumayo sa gulo.

E diba malaking gulo si Sylvester?

Napa hawak ako sa labi ko. Nag init nanaman ang mga pisngi ko.

Diba sa mga drama na napapanood ko sinasampal ng babae ang lalaki pag basta na lang siyang hinalikan? Dapat gano'n ang ginawa ko!

Napa hinga ako ng malalim at pilit kinakalma ang sarili. Dapat hindi ganto, dapat hindi ako apektado, ako ang hinalikan ng walang pahintuloy kaya may karapatan akong magalit.

Tama! Kokomprontahin ko s'ya! Sasabihin kong hindi tama ang ginawa niya! Dapat hindi s'ya basta basta nag nanakaw ng halik!

Ilang minuto pa ang tinagal ko dun habang pinapalakas ang loob ko.

Napa tayo lang ako nang biglang tumunog ang bell na rinig sa buong school. Iyong ang nag dedeklara kung may klase na o kung tapos na ang klase.

Dali dali akong tumakbo papunta sa building namin.

Hindi agad ako naka sakay sa elevator dahil punuan agad.

Nang bumukas naman ito ay dali dali na akong pumasok sa loob.

Napa tingin ako sa kaliwa ko nang may naramdamang naka titig sa akin.

Nag tama ang mga mata namin ng isang lalaking maputi. Hindi siya nahiya dahil sa pagkakahuli ko at bagkus ay nginitian pa ako.

Medyo nailang ako kaya napa iwas ako ng tingin.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na lumapit ito sa akin. Pero bago pa siya makapag salita ay bumukas na ang elevator. Mabilis akong tumakbo palabas.

Tinakbo ko ang hallway at hihingal na tumigil sa harap ng pinto ng classroom.

Marahan kong binuksan ang pinto at naka hinga ng maluwag dahil wala pa ang teacher namin.

Sapo ko ang dibdib ko habang nag lalakad papunta sa direksyon ng bangko ko.

Hindi rin ako maka tingin masyado sa paligid dahil kahit wala naman akong ginagawa ay nahalata ko ang disgusto sa mga mukha ng mga babae kong kaklase nang makita ako.

Umayos ako ng tayo. Bakit ba sila mukhang galit sa akin?

Napa buntong hininga ako.

Mahirap mag isip ng dahilan lalo na kung alam mong wala ka namang ginagawang masama.

I'm The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon