Church

18.1K 589 49
                                    

Chapter XII

Maaga kaming gumising nila Tita nang dumating ang araw ng Linggo. Mag sisimba kasi ulit kami na matagal na naming hindi nagagawa dahil masyadong naging busy si Tita sa pinaplano niyang pag bubukas ng parlor.

"Diba isa ka sa choir sa simbahan, Cheyenne? Bilisan mo na ang kilos."

Napa angat ako ng tingin. "Pero, Tita, baka na tanggal na po ako doon, matagal na po tayong hindi nakakapag simba diba?" mahina kong tanong.

"Ah, nako. Umakyat ka parin doon sa taas ng simbahan, sayang ang ganda ng boses mo."

Napa tango na lang ako habang patuloy na kumakain.

"Nasaan na ba ang mga pinsan mo? Anong pang ginagawa ng mga 'yon at hindi pa na labas ng mga kwarto nila?"

"Hindi ko po alam, Tita, sabi nila palabas na sila."

Tumayo si Tita at pumunta sa kwarto. Nag patuloy ako sa pagkain pero natigilan din nang marinig ang sigaw ni Tita.

"Mga yawa kayo! Kanina pa kami antay nang antay tapos mga naka hilata pa kayo! Pag cellphone ang inaatupag ang bibilis niyo bumangon!"

Naka rinig ako ng kasunod na tilian kaya alam ko ng nag hahabulan na sila sa loob ng kwarto.

Napa ayos ako ng upo at inantay kung sino ang unang lalabas sakanila.

Unang lumabas si Ate Saylor na hinihingal at gulo gulo ang buhok habang natataranta. Sumunod naman sakaniya si Ophelia na naka ngiwi at naka hawak sa baywang niyang halatang kinurot nanaman ni Tita.

"Ang tatamad niyo talaga! Pero pag sa kalandian ang gagaling niyo!"

Hindi na matigil tigil ang pag sasalita ni Tita habang nag aayos kami. Hanggang sa matapos at paalis na ay hindi parin siya tumigil sa pag sasalita, minsan na iisip ko, sana naging teacher na lang si Tita.

Sumakay kami ng tricycle papunta sa simbahan.

Tahimik lang akong tumitingin sa paligid nang biglang pumasok sa isip ko si Sylvester. Noong biyernes ay sinabi niyang mag kikita parin kami kahit walang pasok, pero hindi ko naman siya nakita kahapon.

Napa iling ako sa isip ko. Bakit ko ba iniisip 'yun? Ano naman kung hindi ko siya makita? Mag kaklase lang naman kami diba?

Ang tahimik kong pag-iisip kanina ay lalong gumulo. Ba't ba kasi bigla biglang pumapasok sa isip ko si Sylvester?

"Ate Cheyenne, tumayo ka na, baka saan ka pa madala ng tricycle driver pag 'di ka bumaba diyan."

Na balik ako sa wisyo dahil sa boses ni Ophelia. Na abutan ko silang tatlo nila Tita Claudia at Ate Saylor na nag tatakang naka tingin sa akin dahil hindi parin ako bumababa sa tricycle na tumigil na sa harap ng simbahan.

Nag mamadali akong kumilos dahil sa pagka pahiya.

"Sabi ko sa'yo in love na 'yan si Ate Cheyenne e." rinig kong untag ni Ophelia kay Ate Saylor habang nag lalakad na kami papasok sa simbahan. Pa bulong iyon pero dahil walang talent si Ophelia sa pahinaan ng boses, na rinig ko parin.

"Paano mo naman na sabi 'yun?" tanong ni Ate Saylor.

"Syempre! Minsan nahuhuli ko si Ate Cheyenne na naka ngiti mag isa."

"Iyon lang?"

"Sign iyon na in love siya! Hindi naman pala ngiti si Ate Cheyenne ah! Hindi rin siya mahilig tumingin lagi sa salamin pero kahapon ko pa siya nahuhuling halos hindi na umalis sa harap ng salamin, pati diba, okay lang din sakaniya ang simpleng ayos ng buhok noon? pero ngayon tignan mo, naka hair clip na siya! Nag papatugtog din siya ng love songs na dati hindi naman niya ginagawa!"

Naramdaman kong nag init ang pisngi ko dahil sa sinabi ng pinsan ko. Mabuti na lang at tuluyan na kaming naka pasok sa simabahan kaya tumahimik si Ophelia.

"A-ah." nahihiya akong tumingin sakanila. "Aakyat lang po ako." paalam ko habang itinuturo ang taas ng simbahan kung saan naka pwesto ang mga choir.

Ngumiti si Tita at tumango habang mapanuksong ngiti ang iginawad sa akin ng mga pinsan ko.

Nagmamadali akong umakyat sa hagdanan paakyat habang nag dadalawang isip kung tatanggalin ko ba ang hair clip sa buhok ko.

Akmang tatanggalin ko na iyon nang may biglang sumalubong ng yakap sa akin.

"Cheyenne!" tili ni Aylin.

Napa ngiti ako at niyakap ang kaibigan ko pa balik. Lumapit din sa amin ang iba pa naming kasamahan at binati ako.

"Miss na miss kita! Kamusta ka na?" tanong niya.

Naka ngiti lang ako habang sinasagot ang mga tanong niya. Miss ko na rin siya, siya talaga iyong pinaka close ko sa dati kong school kasi maingay siya at mabait.

"Buti nag simba kayo ng mga Tita mo! 'di ka na kasi masyadong na punta sa plaza, 'di tuloy tayo nagkikita." nag tatampo niyang wika.

"Masyado kasing busy sa school, nag aadjust pa 'ko." sagot ko.

Tumili ulit siya. "Ano na? Nakita mo ba 'yung crush ko? Gwapo ba sa malapitan?" kinikilig niyang tanong.

"Sinong crush?" nagtataka kong tanong. Ang alam kong crush niya ay si Christopher, iyong dati naming kaklase.

Mahina niya akong pinalo sa braso kasabay ng mahing tawa. "Si Sylvester! Jusko! crush na crush ko 'yun, napaka gwapo kasi! Alam mo 'yun, napaka suplado tapos ang tahimik." tugon niya na parang nag de-daydream.

Hindi na ako naka sagot at nanatili na lang na nakikinig sakaniya. Patuloy ang pag kwekwento niya tungkol kay Sylvester hanggang sa dumating na ang oras ng misa.

Pakiramdam ko na walan na ako ng gana kumanta pero ayokong mag inarte. Pilit ko na lang nginingitian si Aylin kahit parang gusto ko na lang umalis at mag mukmok mag isa. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, pakiramdam ko kumikirot ang puso ko habang naririnig si Aylin na binabanggit ng paulit ulit ang pangalan ni Sylvester.

Tumingin ako sa baba at hinanap sila Tita pero imbis na sila ang makita ko, ang pinaka hindi ko inaasahang tao na pupunta dito sa simbahan ang nakita ko. Kahit naka talikod siya ay alam na alam kong siya nga iyon.

Nakita ko si Sylvester na sumusunod sa isang matangkad na lalaki na naka akbay sa isang medyo matangkad na babae. Sa tabi ni Sylvester ay may kalapit siyang dalawang babae na parehas naka dress at sa likod nila ay magkakasing tangkad na tatlong batang lalaki.

Na sapo ko ang labi ko. Pamilya ba iyon ni Sylvester?

Para akong lutang nang mag simula ang misa. Na babalik lang ako sa wisyo pag kailangan ng kumanta.

Hindi parin talaga talaga ako makapaniwala na makikita ko si Sylvester dito. Ang iba kasi na kaedaran namin ay tamad pumunta sa simbahan tuwing linggo, mas pinipili ng ibang mag punta sa mga mall imbis na mag simba.

Napa mulagat ako ng yakapin ako ni Aylin. "Peace." naka ngiti niyang wika.

Nakita ko ang paligid na nag yayakapan na at nag sasabihan ng 'Peace.'

Akmang gagawin ko na rin iyon nang bigla kong nakita ang pag lingon ni Sylvester at pag tingin niya sa pwesto ko.

Nahigit ko ang hininga ko nang mabilis na nag tama ang mga mata namin.

Agad na may gumuhit na pilyong ngisi sa labi niya habang titig na titig sa akin bago siya nag salita na kahit hindi ko na rinig, naintindihan ko.

"Peace be with you, Mine."

-

A/N: Sabaw update, ayoko na sana mag update pero hindi ko pa rin na pigilan. Haha.

I'm The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon