Hurt

11.9K 470 72
                                    

Chapter XXV

Nanatili akong naka upo sa sahig habang yakap-yakap ang mga tuhod ko. Sinubsob ko roon ang mukha ko at doon umiyak ng umiyak.

Sa buong buhay ko, hindi ko minsang naisip na mangyayari ito sa'kin, iyong tipong may taong hindi ko kilala pero may galit na pala sa'kin. Ang akala ko kasi noon ay basta mabait ka, magiging mabait na rin sa'yo ang mga taong nasa paligid mo. Ngayon ko nalaman na hindi pala gano'n ang tunay na nangyayari sa mundo.

Inangat ko ang ulo ko at napa hawak sa tiyan ko na medyo sumasakit pa rin. Na siko ito ng isang babae kanina kaya halos nahirapan akong huminga dahil para itong nanigas.

Gustung-gusto ko na talagang tumayo at puntahan sila Sylvester pero mukhang hindi iyon kakayanin ng mga tuhod ko na nanlalambot pa rin dahil sa takot na nadama ko kanina.

Ngayon alam ko na iyong pakiramdam ng mga taong na-bu-bully.

Nakakatakot pala, sobra. Iyong tipong parang ayaw mo ng lumabas sa pinag tataguan mo para hindi na maulit iyon.

Napa hikbi ako at itinukod ang mga kamay ko para subukang tumayo. May takot pa rin akong nararamdaman pero gusto ko na talagang alamin ang kalagayan nila Sylvester.

Humikbi ako at pilit inangat ang sarili. Kumapit ako sa pader kahit ramdam ko ang pag sakit din ng mga braso ko na natamaan din kanina dahil sa pag hihilahan namin.

Akmang hahakbang na ako nang biglang marahas na bumukas ang pinto ng washroom.

Sa gulat at takot ay pabagsak akong napa upo sa sahig.

"Chelidon!"

Napa angat ako ng tingin dahil sa tawag na iyon.

Nakita ko si Sylvester na nag mamadaling lumapit sa akin. Kitang-kita ko ang galit at awa sa mga mata niya habang naka tingin sa'kin.

Kanina, paulit-ulit kong sinabi sa isip ko na dapat hindi ako umiyak 'pag nakaharap ko si Sylvester pero 'di ko pa rin napigilan ngayon. Kumirot ang puso ko habang nakikita ang pag-aalala sa mukha n'ya.

Lumuhod siya sa harap ko at masuyo akong niyakap. Narinig ko ang malutong niyang pag mumura kasabay ng mas pag higpit ng yakap niya sa akin.

"S-Sylvester." wika ko sa basag na boses at napa kapit sa laylayan ng damit n'ya.

"Who did this to you?" galit niyang tanong.

Natigilan ako dahil sa mapanganib niyang boses na para bang pinipigilang sumabog sa galit.

Napa tigil ako sa pag-iyak at humiwalay sakan'ya para tignan ang mukha niya. Mabilis kong kinusot ang mga mata ko at hinawakan ang pisngi niya.

Akala ko mapakakalma ko siya 'pag ginawa ko iyon pero mas nakita kong dumilim ang mukha n'ya habang naka tingin sa'kin.

"Damn." aniya na halos hindi na marinig kasabay ng pag haplos ng hinlalaki niya sa ibabang labi ko.

Napa piksi ako doon at nang tignan ko ang daliri niya. Nakita ko ang bahid ng dugo doon.

"Sylvester." tawag ko sakaniya pero walang kahirap hirap niya akong binuhat. Inayos niya ang palda ko at mabilis akong inilabas sa washroom.

Nakita ko pa iyong babaeng naka salamin kanina na halata rin ang pag-aalala sa'kin.

Gusto ko sanang magpa salamat sakan'ya dahil tinulungan niya ako pero nakita ko agad na paparami na ng paparami ang mga kapwa namin estudyante ang nakikiusyoso.

Napa subsob ako sa dibdib ni Sylvester para maitago ang mukha ko.

"Get out of my fucking way! Dammit!" malakas niyang sigaw kaya napa hawak ako nang mahigpit sa uniform niya sa bandang dibdib.

I'm The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon