Chelidon

20.6K 628 58
                                    

Chapter VIII

Sa sobrang gulat at pag wawala ng puso ko. Hindi ko na muling ni lingon si Sylvester kahit kita ko sa gilid ng mga mata ko na naka titig siya sa akin.

Naiilang ako pero pinanindigan ko ang pagpatay malisya ko.

Mabilis akong tumayo nang tumunog ulit ang bell na hudyat na break time na.

Balak kong kumain sa cafeteria ngayon, nag ipon talaga ako para maka bili doon. Kahit naman malaki ang sweldo nila Mama at Papa sa ibang bansa, hindi naman nila ako pinalaking maluho, kuntento na ako sa mga simpleng bagay, hindi ako mahilig gumastos at mag waldas ng pera dahil alam ko ang pakiramdam ng walang ma kain.

Nang makarating ako sa cafeteria ay agad ding akong naka bili dahil wala pang masyadong tao.

Pinili ko na lang maupo sa isang bakanteng lamesa imbis na makisama sa magkaka grupong babae, baka katulad ng iba ay ayaw din nila sa akin.

Nakaramdam ako ng lungkot pero inalis ko agad iyon sa isip ko. Unti-unti na rin naman akong na sasanay na mag isa at walang pumapansin. Daig ko pa nga ang may sakit kung iwasan nila.

Napa angat ako ng tingin nang may nagbaba ng tray sa lamesa ko.

Naka hinga ako ng maluwag nang makitang hindi si Sylvester iyon pero agad ding na tigilan nang mapansing siya iyong lalaki na naka titig sa akin sa elevator kanina.

Hindi ko tuloy alam kung magpapasalamat pa ba ako na hindi  si Sylvester ang nasa harap ko.

Ngumiti s'ya sa akin nang makitang naka tulala ako sakaniya.

"Pwedeng maki upo?" tanong niya.

Tumango na lang ako at bumalik sa pagkain.

Naramdaman ko ang paninitig niya kaya nag angat ulit ako ng tingin.

"I'm Luke Pablo Sanchez." aniya at inabot pa ang kamay sa akin.

Nagulat ako dahil doon. Grabe grabe ang tuwang bigla kong naramdaman. Nawala ang pagkailang ko sakaniya kanina, ang tanging pumasok sa isip ko ay sa pangalawang pagkakataon ay may gustong makipag kilala sa akin.

Lumambot ang puso ko at para akong maiiyak. Ngayon ko lang tuluyang naramdaman kung gaano nakaka lungkot mag isa.

"I'm Cheyenne." wika ko at mabilis na tinanggap ang kamay niya.

Mas lumaki ang ngiti niya at tumango pa sa akin.

"Mabuti na lang wala na si Maddox." untag niya.

Natigilan ako sa dahil sa sinabi niya. Inisip ko pa kung nagkamali ako ng dinig pero rinig na rinig kong iyon talaga ang sinabi niya.

Parang napapasong binawi ko ang kamay ko at nawala ang ngiti ko.

"A-ano?" hindi ko makapaniwalang tanong.

Nag panic siya nang makita ang reaksyon ko.

"Ewan p-pero mukhang wala ka parin kasing alam tungkol sa totoong nangyari." aniya.

Naguguluhan ko siyang tinignan. "Walang alam sa ano?" tanong ko.

Bumuntong hininga siya. "Si Maddox Kim kasi, sikat siyang playboy na rapist din."

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis ko siyang inilingan. Hindi ganoon si Maddox!

Ayoko na sanang makinig sakaniya pero patuloy siyang nag salita.

"Kilala siyang mahilig sa mga inosenteng babae, lalo na sa transfree dahil wala pa kayong alam tungkol sa totoong ugali niya, halatang transferee ka kasi ngayon lang kita nakita tapos ikaw ang naging biktima niya ngayon, ang sa pagkakaalam kong ginagawa niya, kakaibiganin niya muna ang babae para mag tiwala sakaniya, pag naging palagay na ang loob ng babae, doon na niya gagawin ang plano niya, ang sa pagkakaalam ko, minsan mag kukunwari siyang may sakit para puntahan siya ng mga na kumbinseng babae doon sa condo unit niya at doon gagawan ng masama, mabuti na nga lang naki alam na ang grupo nila Sylvester, dati kasi ay wala silang pakialam kahit marami ng na biktima si Maddox Kim, mukhang ginalit niya si Sylvester kaya ayon ang nangyari." mahaba niyang paliwanag.

Napigil ko ang hininga ko at unti-unting pinroseso sa utak ko ang mga sinabi niya.

Inalala ko ang unang pagkikita namin ni Maddox.

Na bangga niya ako sa likod dahil na talisod daw siya, ngayon ko lang napagtantong malawak ang nilalakaran namin para mag lakad siya sa likod ko na sobrang tagal mag lakad. Napagtanto ko ring sa sobrang saya ko noon na mag kaklase kami ay hindi ko na masyadong inisip ang nangyari.

Parang may kumirot sa puso ko. Akala ko kahit papaano ay naging kaibigan ko siya, pero gagawan niya lang pala ako ng masama.

"Pero isa lang siya sa mga ganoon dito, ang mas dapat mong iwasan ay iyong grupo nila Sylvester, mas malala iyon sila pag na galit sa'yo." pangaral niya.

Hindi ako naka sagot at nahulog ulit sa malalim na pag iisip.

"Alam mo, lagi kitang nakikitang mag-isa, gusto mo ba samahan kita pag parehas nating vacant?" bigla niyang tanong.

Napa angat ako ng tingin sakaniya at alanganing napa ngiti. Ngayon na nalaman ko ang naging plano ni Maddox noon, sa tingin ko ay hindi na ako masyadong mag titiwala ngayon.

Akmang sasagot na ako nang biglang may marahas na nag lapag ng tray sa table namin. Parehas kaming napa pitlag ni Luke sa gulat.

Nag angat ako ng tingin at agad napa singhap ng makitang si Sylvester iyon habang masama ang binibigay na tingin kay Luke.

"Back off." aniya at iritadong pinasadahan ng kamay ang buhok bago ako itinuro. "She's mine." pagka sabi niya nun ay itinuro pa niya ang sarili niya na para bang mas ipinapaliwanag ang ibig sabihin.

Napa awang ang labi ko dahil sa sinabi niya. P-paanong!?

"A-ah, sige." nagmamadaling tumayo si Luke at tumingin sa akin. "Pag ano mag kita na lang tayo--"

Napa tigil siya sa pagsasalita ng bigla siyang marahas na kwelyuhan ni Sylvester. "Walang nextime."

Napa kurap si Luke at namutla. Halatang takot na takot siya.

Tumayo ako at agad lumapit kay Sylvester. Pilit kong tinanggal ang kamay niyang mahigpit na naka kapit sa kwelyo ni Luke.

"T-tama na." pag awat ko.

Marahas na itinulak ni Sylvester ang huli bago ako hinila pabalik sa upuan. Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon mag salita dahil umupo na rin s'ya sa harap kong bangko.

Nag aalala akong tumingin kay Luke pero hinarangan ni Sylvester ng katawan niya ang pwesto niyon para hindi ko makita.

"Ang sama mo." wika ko.

"I could do worst." aniya habang nag tatagis ang panga.

Hindi na ako sumagot at nagulat na lang nang ilagay niya ang mga pagkaing nasa tray niya sa harap ko.

"A-anong?" naguguluhan kong tanong.

"Eat more, Chelidon."

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa itinawag niya sa akin. Hindi na ako masyadong sanay na tinatawag na ganoon kaya ngayon ko lang napagtantong mas masarap pala iyon pakinggan sa tainga, ang mga magulang ko kasi o sila Tita ay sa palayaw lang ako tinatawag, Cheyenne rin ang pakilala ko sa ibang tao kaya iyon din ang itinatawag nila sa akin.

Natulala ako at napa tingin sa maraming pagkain na inilagay niya sa harap ko.

I'm The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon