First

18.1K 624 61
                                    

Sorry, sabaw ulit ang update.

Chapter XV

"Woah, tumatawa rin pala si Sylvester?" hindi makapaniwalang tanong ni Lance habang naka tingin sa akin. Kinunotan ko s'ya ng noo dahil sa tanong niya.

Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang bigla siyang matalim na tinignan ni Sylvester na kanina pa naka ngiti at tumatawa sa lahat ng mga sinasabi ko.

Hinawakan ko siya sa braso para ma pa harap siya sa akin.

Nakita kong tinapik ni Leandrei ang balikat ni Lance. "Pabaayan mo na sila, Lance. Can't you see? Sylvester is flirting for the very first time." mahina niyang bulong pero narinig ko parin.

"Bakit umiyak ka kanina?" tanong ni Sylvester sa akin.

Nawala ang atensyon ko sa pag uusap nila Leandrei at humarap sakaniya.

Seryoso ko siyang tinignan. "Hindi ko alam, basta ang sakit dito habang naririnig kitang nakikipag usap sa ibang babae," wika ko habang itinuturo ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. "May sakit na ba ako dito?" tanong ko.

Ang pagka seryoso niya ay nawala. Mahina nanaman siyang humalakhak sa tainga ko. Bahagya pa akong napa pikit dahil sa pag tama ng mainit niyang hininga sa balat ko.

"Silly. Wala kang sakit." natatawa niyang bulong.

Seryoso ko s'yang tinanguan. "E dito?" tanong ko habang itinuturo ang impis kong tiyan.

Kumunot ang noo niya at agad tumigil sa pag tawa. "Why? Anong meron?"

"Parang may mga tumutusok sa loob ng tiyan ko pag nakikita kita." seryoso kong sagot. "Pero imbis na masaktan ako para pa akong kinikiliti."

Nawala ang pagkakakunot ng noo ni Sylvester at unti-unting nag liwanag ang mukha.

"It means, you are mine."

"Huh?" naguguluhan kong tanong.

Ngumiti lang s'ya sa akin bago muling sumubsob sa leeg ko na naka gawian na niya.

Napa tingin ako sa buong cafeteria. Nakikita kong halos lahat ng mga kaschool mate namin ay naka tingin na sa aming dalawa.

"Bakit nanaman sila naka tingin?" bulong ko.

"Kasi PDA kayo ni Sylvester, ngayon ko lang nalamang napaka clingy ng lalaking 'yan." sagot ni Lance.

"Shut up, bastard!" asik ni Sylvester.

Bumaba ang tingin ko sakaniya at hinaplos ang buhok niya. Sinilip ko siya at agad kong nakitang naka pikit pala s'ya.

**

Nang mag announced na walang pasok ngayong hapon. Agad akong hinigit ni Sylvester papunta sa likod ng school kung saan nakita ko siyang natutulog sa ilalim ng puno dati.

Umupo siya sa saktong pwesto niya noon habang naka ngiti sa akin. Hindi na ako umangal nang hinila niya ako paupo sa tabi niya.

Mabilis na kumabog ang puso ko nang biglang pumasok sa isip ko ang pag halik sa akin ni Sylvester sa eksaktong pwesto na ito.

Nag init ang mga pisngi ko kaya agad akong napa kapit sa labi ko.

"Bakit nandito tayo, Sylvester? Diba dapat umuwi na 'ko kasi may meeting ang mga teachers at walang klase?"

Mabilis niya akong kinabig pasandal sa katawan niya kaya na gulat ako. "Let's stay here for awhile, I still want to be with you."

"Bakit?" naguguluhan kong tanong.

Pumikit siya pero hindi parin inaalis ang pagkakaakbay sa akin. "Because you always make me happy."

Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga?"

"Yes." aniya at tuluyang akong hinapit para ma pa sandal sa dibdib niya.

Agad akong natigilan nang marinig ko ang mabilis na pag tibok ng puso niya. Katulad ito ng sa akin.

Nagtataka nga ako dahil naka upo lang kami pero ganito na kalakas ang tibok. Gusto ko na sanang mag isip na may sakit talaga kami pero sinigurado nanaman ako ni Sylvester kanina na wala akong sakit kaya siguro ay wala rin siyang sakit.

Mas sumiksik ako sa dibdib niya para pakinggan ang pag tibok ng puso niya.

Yumuko si Sylvester para tignan ako kaya nginitian ko siya. Pero ang ngiti ko ay agad nag laho nang mas narinig kong kumabog ang puso niya.

"Sylvester, ang lakas ng tibok ng puso mo, parang drums." untag ko.

Mahina siyang tumawa at isinandal ang ulo sa puno.

Natigilan ako at napa titig sa mga labi niya.

Naramdaman niya atang naka tingin ako sakaniya kaya nag mulat siya ng mata.

"Why are you staring?" tanong n'ya.

Napa tingin ako sa bawat pag galaw ng labi niya dahil sa pagsasalita.

Napa kurap ako nang makaramdam ng hiya, bumalik ako sa pakikinig ng puso niya para maitago ang pamumula ng mga pisngi ko. "Na alala ko lang na hinalikan mo ako dito."

Naramdaman kong masuyong humaplos ang kamay niya sa buhok ko pero hindi siya sumagot.

Nag angat ulit ako ng tingin sakaniya. "Dito mo ba dinadala ang mga babaeng hinahalikan mo?"

Nakita ko siyang natigilan dahil sa tanong ko. "What?"

"Marami ka na bang babaeng na halikan dito?"

Nakita ko ang pag awang ng labi niya pero maya maya ay kumurba iyon dahil sa pag ngisi niya.

"No."

Napa labi ako. "Talaga?" 

Tumango siya. "Yes, ikaw lang ang babaeng dinala ko dito." masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko. "And you are my first kiss, Chelidon, so stop thinking about other girls, please." 

A/N: I'm sorry for changing the cover 3 times already, I'm having a trouble making a good cover with copyright free photos.

I'm The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon