Sabaw update. Unedited.
Chapter XIV
"Mas nakakatakot ang aura ni Sylvester ngayon, parang konti na lang manununtok na siya."
"Ngayon ko lang siya nakitang gano'n, para siyang galit pero walang mapag labasan ng galit."
"Oo nga, halatang galit siya tapos nakakapanibago kasi halata ring pinipigilan niya, diba pag badtrip si Sylvester maraming nakaka away 'yun?"
Nanatili akong tahimik habang naka upo sa takip ng toilet bowl at pinakikinggan ang tatlong babaeng nag uusap dito sa loob ng Girl's CR.
Pang ilan na sila sa mga narinig kong pinag uusapan ang mood ni Sylvester ngayon, hindi ko na iyon nakita dahil pagka ring ng bell na hudyat ng break time na ay mabilis akong lumabas ng classroom ng walang paalam at nag tago dito.
"Baka kasalanan nung babaeng lagi ni lang kasama nitong mga nakaraang araw?"
Nag pantig ang tainga ko dahil sa na rinig.
"Girlfriend niya ba 'yun? Ito ang unang beses na nakita ko siyang may kasamang babae dito sa school, mga kaibigan niya lang ang lagi niyang kasama dati diba?"
Nag patuloy parin sila sa pag-uusap hanggang sa maka labas ng banyo. Napa buntong hininga ako at lumabas na rin sa cubicle na kanina ko pa pinag tataguan.
Humarap ako sa malaking salamin at tinignan ang sarili ko. Medyo maputla ang mukha ko ngayon. Napa buntong hininga ulit ako.
Pinag masdan ko pa ng ilang saglit ang itsura ko habang sinusuklay ang mahaba at medyo kulot kong buhok gamit ang mga daliri ko.
Nang matapos ako ay lumabas na ako sa girl's CR. Hababg nag lalakad ay kitang-kita ko ang nag tatagal na titig sa akin ng mga nakaka salubong ko.
Nakaramdam ako ng pagka ilang kaya naka yuko na lang akong nag lakad hanggang sa makarating sa classroom. Akala ko pa nga ay mali ako ng napasukan dahil sobrang tahimik ng mga kaklase namin pero nang makita ko si Sylvester na naka upo sa proper seat namin sa dulo ay na siguro kong dito nga ang klase ko.
Akmang uupo ako sa inupuan kong bangko kanina nang sinenyasan ako ni Daniel at Lance.
Tinapat ni Lance ang hintuturo niya sa leeg niya at inaktong parang nag lalaslas. Si Daniel naman ay itinuro si Sylvester at mahinang sinasabi ang salitang 'badtrip.'
Hindi agad ako naka kilos. Medyo gulat dahil wala sila sa cafeteria ngayon o di kaya'y nag cutting.
Dumiretso na lang ako sa tunay kong upuan. Tahamik ako at hindi gumawa ng ingay habang pinag mamasdan si Sylvester na naka pikit habang naka hawak sa sintido niya.
Marahan akong umupo sa tabi niya habang hindi inaalis ang tingin sakaniya.
Napa balikwas lang ako nang biglang tumunog ang cellphone niya na siyang naka bulabog sa buong classroom.
Miski ang iba naming kaklase ay nakita kong na gulat din. Halatang nakikiramdam din kasi sila sa nangyayari ngayon kay Sylvester.
Nakita kong marahas na umayos ng upo ang katabi ko at inis na tinignan ang cellphone.
Pero ang inis sa mukha niya ay na wala at biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.
Tumikhim siya bago sinagot ang tawag. "Hello."
Nakagat ko ang pang ibabang labi ko, bakit ang lambing ng boses niya?
"Of course." aniya at mahinang tumawa.
Napa ayos ako ng upo.
Dahil sa ginawa ko ay tinignan niya ako sa gilid ng mata niya at na huli akong naka tingin sa bawat galaw niya.
"Yes, Madison." aniya at ngumiti.
Parang may sumaksak sa puso ko. Babae ang kausap niya? Ka ano ano niya 'yun? Bakit tumatawa at ngumingiti siya habang kausap niya iyon?
Mas lalo akong hindi napakali dahil sa mga iniisip ko.
"Yes, see you later, Madison." aniya bago naka ngiting ibinaba ang cellphone.
Patuloy ko siyang pinag masdan kaya nahuli nanaman niya akong tinititigan siya.
Umiwas ako ng tingin at hindi napigilang ma pa labi.
"You're avoiding me but you looked so jealous, baby." bulong niya sa tainga ko.
Napa kislot ako dahil doon. Akmang lilingunin ko sana ulit siya nang bigla kong naramdaman ang pag patong ng mainit niyang kamay sa kamay kong naka kuyom na pala sa ibabaw ng arm chair ko.
Pilit niyang ibinuka iyon at isa isang pinag salikop ang mga daliri namin.
"I'm just talking to, Madison." wika niya sa mahinang boses na kaming dalawa ang makakarinig.
Hindi ko na iwasang mag init ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko 'to, kung bakit sumisikip ang dibdib ko habang nakikitang masaya siyang nakikipag usap sa ibang babae.
"Oo nga." bulong ko pa balik bago nag baba ng tingin para hindi niya makita ang nag babadyang luha sa mga mata ko.
Naramdaman kong mas humigpit ang kapit niya sa kamay ko. Sinubukan niya akong patinginin sa mata niya pero patuloy akong umiiwas.
"Goddammit." mahina siyang humalakhak sa tainga ko.
Nainis ako dahil mukhang pinag tatawanan niya ako kaya umisod ako palayo. Pero sadyang maagap si Sylvester dahil mabilis niya akong nahila pa balik.
Na tawa ulit siya dahil sinusubukan kong pumiglas.
Dahil sa medyo may kalakasan na ang tawa niya ay napa lingon na sa amin ang iba naming mga kaklase.
Nakaramdam ako ng hiya kaya tumigil na lang ako.
Kinuha iyong tsansa ni Sylvester para lumapit ulit sa akin at bumulong.
"Madison is my little sister." aniya at mahina ulit tumawa.
Hindi ko na napigilang pumatak ang luha ko dahil sa inis. Gusto kong naririnig ang tawa niya pero ayokong pag tawanan niya ako ngayon.
"Hindi mo k-kpatid si Madison." na basag ang boses ko at ni lingon siya.
Nakita kong natigilan siya at halatang na gulat nang nakita ang pag patak ng luha ko.
"Sylvera at Sylvia ang pangalan ng mga kapatid mong babae." lumabi ako at nag iwas ng tingin nang nakitang namungay ang mga mata niya.
Naramdaman kong mas lumapit siya sa akin.
"Sylvia Madison Mijares ang buong pangalan ng isa kong kapatid." bulong niya sa akin.
Napa lingon ako sakaniya para makita kung nag sasabi siya ng totoo.
Nakita kong na wala na ang pilyong ngisi niya kanina at napalitan ng ka seryosohan ang mukha habang pinupunasan ang luha ko.
"I want you jealous but I don't want you upset." bulong niya bago ako marahang hinalikan sa ulo.
BINABASA MO ANG
I'm The Bad Boy's Obsession
Teen FictionSa paglipat ni Chelidon Yenne 'Cheyenne' Bautista sa bago niyang school, may mga importante siyang bagay na dapat alalahanin at tandaan. Una, umiwas sa grupo ni Sylvester Rowan Mijares. Pangalawa, gawin ang lahat para maka iwas sa grupo nila Sylve...