"You just killed him, two times." Wika ni Ate Saylor habang naiiling.
Hindi naman ako nakapag salita habang naka tingin sa cellphone ko, bakit namatay nanaman ang tawag?
Anong nangayayari kay Sylvester?
"Ate, anong gagawin ko?" Nag-aalala kong tanong. "Hindi siya sumagot at pinatayan na lang ako ng tawag."
"Ang maigi pa, matulog ka." Pagtataboy niya sa akin kaya wala na akong nagawa kung hindi ang bumalik sa kuwarto ko.
Hindi ako mapakali kahit na dapat ay matulog na ako, nakapatay na ang ilaw at tanging konting ilaw mula sa inisod kong kurtina ng bintana ang nagbibigay ng konting liwanag sa kuwarto ko.
Mabilis akong napa upo nang makarinig ako ng katok mula sa bintana, nasa uluhan ko ito kaya rinig na rinig ko ang pagkatok.
Napahawak ako sa unan ko sa sobrang kaba, ramdam na ramdam ko rin ang mabilis na pag tibok ng puso ko.
"Chelidon."
Napa bitaw ako sa unan ko at mabilis na gumapang palapit sa kama at hinawi ang kurtina.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong si Sylvester iyon.
"Sylvester." Mahina kong tawag nang mabuksan ko ang sliding window.
Inilabas ko ang kanang kamay ko mula sa bakal na harang ng bintana at pilit siyang inabot.
Mabilis naman niyang kinuha ang kamay ko at dinala sa labi niya upang halikan ang likod ng palad ko.
Napa ngiti ako nang dalhin niya rin ang kamay ko sa pisngi niya at hinaplos doon habang naka pikit.
Masyadong madilim at hindi ko masyadong makita ang ekspresyon niya dahil nasa likod niya ang light street pero alam masaya s'ya.
"I'm your boyfriend now huh?" Tanong niya.
Tumango ako at nag-aalalang tumitig sakaniya. "Bakit ka pa nag punta rito? Gabi na."
"I want to see you." Simple niyang sagot at muling hinalikan ang kamay ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon na halos mahilo na ako at hindi makahinga nang maayos dahil sa mabilis na pag tibok ng puso ko.
Ilag sandaling katahimikan ang namayani sa amin hanggang sa basagin niya ito.
"Mahal kita." Bulong n'ya.
Mabilis akong tumango sakaniya at ngumiti. "Salamat."
Natigilan siya bago mahinang tumawa.
Namula ang pisngi ko at napa labi. "Mahal din kita."
Dahil bawal din naman kaming magtagal sa ganoong posisyon, napilitan ding umuwi si Sylvester.
Tahimik akong nakatingin sakaniya habang pinagmamasdan siya palayo. Malapit na siyang mawala sa paningin ko nang bigla siyang lumingon at kumaway sa akin, itinaas niya ang cellphone niya bago muling nag lakad palayo kahit na kita ko ang pag-aalinlangan niyang umalis.
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at ilang segundo lang ay tumawag na siya.
Nag-usap kami habang papauwi siya at hanggang sa makarating s'ya sakanila.
Ilang oras din ang lumipas nang mapansin kong alas onse na ng gabi.
Mabilis akong napa hawak sa labi ko, sa sobrang miss ko sakaniya'y hindi ko na napigilan ang mag kwento nang mag kwento.
Napansin ni Sylvester ang pananahimik ko at mabilis siyang nag tanong. "What happened?"
"Sorry, inaantok ka na ba Sylvester?" O na bo-boring ka na ba sa mga sinasabi ko? Hindi ko maisantinig na tanong.
"Why? Are you sleepy?"
"Medyo." Malungkot kong wika. "Ikaw inaantok ka na ba? Hindi ka kasi nag sasalita masyado, Sylvester, kung hindi ko lang naririnig ang pag hinga at tawa mo, aakalain kong wala na akong kausap." Bumagsak ang tingin ko sa kamay kong pinaglalaruan ang kumot habang iniintay ang sagot n'ya.
"I'm sorry." Mabilis niyang sagot. "Please, don't be upset, I just really love listening to you talk."
Hindi agad ako naka sagot pero mabilis na nagka reaksyon ang puso kong sobrang bilis nanaman ng tibok.
Ilang saglit akong natahimik habang nag-iinit ang mga pisngi kahit na may kalamigan ang temperatura ngayong gabi.
"Pero gusto rin kitang marinig magsalita!" May bahid ng pagtatampo kong wika pero hindi ko pa rin na pigilan ang ngiti ko sa huli.
"I'm sorry, baby, don't be upset, I'll try to talk more tomorrow." Wika niya sa malambing na tono. "I'm sorry for making you stay up late, you should sleep now, babies should sleep early."
BINABASA MO ANG
I'm The Bad Boy's Obsession
Teen FictionSa paglipat ni Chelidon Yenne 'Cheyenne' Bautista sa bago niyang school, may mga importante siyang bagay na dapat alalahanin at tandaan. Una, umiwas sa grupo ni Sylvester Rowan Mijares. Pangalawa, gawin ang lahat para maka iwas sa grupo nila Sylve...