Chapter XVIII
Excited na mukha ni Tita ang bumungad sa akin nang maka uwi ako sa bahay.
Mabilis niyang ibinigay sa 'kin ang isang cellphone na naka lagay pa sa box nang tuluyan akong maka pasok sa loob. "Ayan na 'yung cellphone na ibinibigay sa'yo ng Mama mo." tuwang tuwa niyang bungad.
Bumagsak ang tingin ko sa hawak kong mamahaling cellphone. Hindi naman ako humiling kanila Mama at Papa ng ganito ka mahal na cellphone, basta nagagamit ko pang communicate sakanila ay okay na, iyong una ko kasing cellphone dati ay nawala lang, hindi ko alam kung saan ko nailagay pero baka sa school ko naiwala.
"Oh? Bakit mukha kang hindi masaya?" tanong ni Tita.
Umupo ako sa sofa. "Masaya naman po ako, Tita, pero mas gusto ko po sana ng mura na lang na cellphone o kaya... art materials na lang po."
Lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Tita. "Iyon lang ba? Sige at bibilhin kita! Ubos na ba ang sketch pad mo?"
Napa tango ako. Lumapit si Tita Claudia sa akin at hinaplos ang buhok ko. "Huwag kang mag babago ha!" aniya.
Ngumiti ako at tumango. Pagkatapos noon ay tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagpaalam na ring papasok na sa kwarto ko.
Tumango si Tita kaya mabilis akong pumasok sa kwarto.
Inaayos ko na ang bag ko sa study table ko nang may nahagip ang mata ko sa labas ng bintana.
Katapat lang kasi ng study table ko ang bintana kaya kitang kita ko ang labas sa pwesto ko.
Mabilis akong nag ayos ng gamit at tumakbo palabas ng kwarto.
"Saan ka pupunta, Cheyenne? Pa gabi na!" narinig kong wika ni Tita nang makita ako binubuksan ang pinto ng bahay.
"May bibilihin lang po." sagot ko.
Napa kagat ako sa labi ko dahil sa pag sisinungaling pero mabilis parin akong lumabas sa bahay.
Naabutan ko si Sylvester na pa sakay pa lang sa isang magarang sasakyan na medyo may kalayuan sa bahay namin.
Anong ginagawa niya rito?
Akmang papasok na siya ng bigla siyang natigilan at napa tingin sa direksyon ko.
Nanatili akong naka tingin sakaniya at hindi nagalaw.
Umayos naman siya ng tayo at hindi na tuluyang pumasok sa sasakyan. Isinara niya ang pinto ng kotse bago naka pamulsang nag lakad palapit sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko nang tuluyan siyang maka lapit sa akin.
Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko kaya napa pikit ako.
"Sinundan ka."
Napa mulat ako. "Sinundan?" hindi ko makapaniwalang tanong.
"Yes."
Napa lunok ako. "Ikaw ba iyong minsang nararamdaman ko na parang na sunod sa akin pag pauwi?"
Tumango siya ulit. "Lumalamig na." aniya at marahan ulit hinaplos ang pisngi ko. "Pumasok ka na."
Napa tango ako pero nanatili lang naka tingin sakaniya.
Ngumisi siya na parang natatawa habang pinagmamasdan din ako.
Doon ako na tauhan kaya nag simula na akong umatras habang hindi parin inaalis ang tingin sa kanya.
"Bye." untag ko at bahagyang kumaway.
Umayos siya ng tayo at pinilig ang ulo. Nakita ko pa ang pagkagat niya sa labi niya na para talagang pinipigilan ang pag tawa.
Napa nguso ako at marahang pumasok sa loob ng gate.
"Get inside, baby," aniya.
Namula ang pisngi ko. Dali dali kong sinara ang gate at tumakbo na papasok sa loob ng bahay.
Napa hawak ako sa dibdib ko nang maisara ko ang pinto, lagi na lang ganito kabilis ang tibok ng puso ko pag nakikita ko si Sylvester, minsan napapaisip ako kung mawawala pa ba ito at babalik sa normal.
"Oh, nasaan ang binili mo?" bungad na tanong ni Tita Claudia.
Gulat akong nag angat ng tingin. "W-wala na raw po e." sagot ko at mabilis na nag lakad papunta sa kwarto ko para maka iwas kung may idadagdag pang tanong si Tita Claudia.
***
"Hindi raw ba papasok si Sylvester?" tanong ko kay Daniel nang pangalawang subject na namin ay wala pa si Sylvester.
Napa tingin siya kay Leandrei at Leandro. Umiling si Leandrei kaya humarap ulit si Daniel sa akin.
"Hindi ata."
Napa pitlag ako nang sundutin ni Lance ang tagiliran ko. Kanina ay seryoso itong nag babasa kaya kay Daniel na lang ako nag tanong.
"Na mimiss mo 'no?" naka ngisi niyang tanong at nag 'ayieee' pa.
Napa iwas ako ng tingin. "H-hindi ah." sagot ko.
Pero nagtataka talaga ako kung bakit hindi siya pumasok ngayong araw. Gusto kong malaman pero mukha namang hindi rin alam ng mga kaibigan niya kung bakit.
Napa tingin ako sa gilid ko nang tumabi sa akin si Lance. Bale naka upo siya sa proper seat ko at ako naman ang naka upo sa bangko ni Sylvester.
"Aminin mo na, Cheyenne, ako lang ang makakaalam na namimiss mo siya, ayieee." patuloy niyang pang aasar.
"Hoy, Lance! Tigilan mo nga 'yan! Mamaya biglang dumating si Sylvester, patay ka dun!" ani Leandrei.
Ngumuso ang katabi ko at tumingin sa akin. "Saan mo balak pumunta mamaya? Half day lang ang pasok ngayon." excited niyang wika.
Nag kibit balikat ako. "Uuwi na lang siguro."
Tumango siya sa akin at bumalik na rin sa upuan niya nang pumasok ang teacher.
Nag patuloy ang klase namin hanggang sa last subject. Wala nanaman kasing klase mamayang hapon, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na rin tinanong.
Kahit wala si Sylvester, kasabay ko paring nag lakad ang apat niyang kaibigan palabas ng gate. Napag gigitnaan nila ako kaya lahat ng nadadaanan naming naka harang sa daan ay mabilis na napapa atras.
"Huwag ka ng malungkot, Cheyenne,ayan na ang namimiss mo." bulong ni Lance at may itinuro sa labas ng school.
Mabilis ko iyong tinignan.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko nag slow motion ang lahat habang naka tingin lang ako kay Sylvester na palabas ng kotse.
Bawat galaw niya ay kitang-kita ko, ang pag lipad ng buhok niya dahil sa hangin, ang pag sara niya sa pinto ng kotse bago humakbang habang seryoso ang mukha.
Napa lunok ako habang naka titig sakaniya.
Naka suot siya ng white t-shirt na pinatungan ng itim na leather jacket habang naka suot din siya ng itim na sapatos at ng ripped jeans na sa tuhod lang may butas.
Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko lalo na ng mahagip niya ang paningin ko.
Ang seryoso niyang mukha ay nag liwanag bago mabilis na nag lakad palapit sa pwesto ko.
BINABASA MO ANG
I'm The Bad Boy's Obsession
Novela JuvenilSa paglipat ni Chelidon Yenne 'Cheyenne' Bautista sa bago niyang school, may mga importante siyang bagay na dapat alalahanin at tandaan. Una, umiwas sa grupo ni Sylvester Rowan Mijares. Pangalawa, gawin ang lahat para maka iwas sa grupo nila Sylve...