Chapter XXVI
Pinilit ako ni Sylvester bumalik sa clinic pero hindi ko iyon sinunod. Todo iling ako habang mahigpit na naka kapit sa laylayan ng uniform niya, natatakot kasi akong 'pag nawala s'ya sa paningin ko ay babalikan niya iyong mga babae. Mukha na siyang kalmado ngayon pero halata pa rin ang galit, kanina pa walang tigil ang pag tatagis ng panga niya at pag kuyom ng kamao n'ya.
"You really don't want to go back to the clinic?" tanong niya habang naka tingin sa akin na pinag lalaruan ang laylayan ng damit n'ya.
Umiling ako habang naka yuko pa rin.
Narinig ko siyang huminga ng malalim bago ako masuyong hinila sa inuupuan naming bench dito sa soccer field.
Napa angat ako ng tingin at napa tayo. "Bakit?" nag tataka kong tanong.
"We'll go to our house."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya pero hindi na rin naka angal nang hinawakan niya ang kamay ko at hinila.
Pumunta kami sa parking lot ng school at binuksan niya ang passenger's seat.
Napa tingin ako sa paligid at napansing marami ng nag lalabasang estudyante sa mga classroom. Do'n ko lang napansin na lunch break na pala.
Kahit nag aalinlangan ay sumama ako kay Sylvester.
Nang makarating kami sa bahay nila ay halos mamangha ako. Hindi sapat ang salitang bahay, mansyon ang tawag dito.
Pinag buksan niya ako ng pinto ng kotse pero nakaramdam nanaman ako ng pag-aalinlangan. Paano kung nandiyan ang pamilya niya? Nahihiya ako.
Napansin niya iyon kaya bigla siyang yumuko at mataman akong tinignan. "Gagamutin ko lang ang mga sugat mo, let's go." aniya at inilahad sa'kin ang kamay niya.
Kahit nag aalinlangan pa rin ay tinanggap ko 'yun.
Parang bulang nawala ang hiya sa loob ko, pakiramdam ko kapag kasama ko si Sylvester ay wala akong dapat alalahanin.
Nginitian niya ako at masuyong hinila papasok sa loob ng mansyon.
Hinila niya ako paakyat sa isang engrandeng hagdanan kaya sumunod ako.
Hinayaan ko lang siya dahil gandang-ganda ako sa loob ng mansyon, halatang magagaling na engineer at architect ang nag plano nito.
Natigil lang ako sa paglalakad nang tumigil si Sylvester sa harap ng isang kuwarto at binuksan iyon.
"Kaninong kuwarto 'to?" tanong ko at nanatili sa labas kahit nasa loob na siya at hinihila ako.
Tumigil din siya at nilingon ako. "Akin."
Napa lunok ako. "B-baka magalit ang parents mo kapag nakita ako dito?"
Kumunot ang noo niya. "Hindi sila magagalit."
Tuluyan niya akong hinigit papasok.
Akmang pauupuin niya ako sa kama pero umiling ako at dumiretso sa mahabang sofa na may kaharap pang flat screen TV. Galing ako sa school at ang dumi ng uniform ko para upuan ang kama n'ya.
Sumunod siya sa akin na may dala ng first aid kit.
Napansin kong bukas pa rin ang pinto ng kuwarto kaya napa titig ako doon.
Napansin iyon ni Sylvester at mataman akong tinignan. "I don't want you to get uncomfortable." aniya na sagot ang tanong sa utak ko.
Napa ngiti ako at pinag masdan siya sa ginagawa.
"Medyo masakit ito." aniya at itinaas ang bulak na nilagyan niya ng kung anong pang gamot sa sugat.
"O-okay lang." mabilis kong sagot.
Huminga siya ng malalim habang naka titig sa'kin. "Pumunta na lang tayong hospital."
Nanlaki ang mga mata ko at pinigilan ang pag-aayos niya sa first aid. Umiling ako. "Hindi naman 'to masyadong seryoso, Sylvester."
"But still." bulong niya at napa pikit ng mariin.
"Ayos lang ako, promise--"
Natigil ako sa pag sasalita nang may kumatok sa pinto.
Napa ayos ako ng tayo nang makita doon ang isang magandang babae na naka tingin sa'min.
Lumingon do'n si Sylvester. "Hi, Mom." bati niya.
Nanlaki ang nga mata ko. Mom? Akala ko kapatid siya ni Sylvester!
Tumango ang Mommy ni Sylvester habang sa'kin pa rin naka tingin.
Nakaramdam ako ng hiya at kaunting takot kaya napa yuko ako. Napaka ganda ng Mommy ni Sylvester, kaya pala ang gwapo gwapo rin ni Sylvester.
"You're scaring her, Mom." ani Sylvester at hinawakan ako sa kamay. Pilit ko iyong binawi dahil baka kung anong isipin ng Mommy niya pero hindi niya ako hinayaan.
"What did you do, Sylvester? Di ba simula bata sinabihan na kitang 'wag manakit ng babae? What did you do?"
Nag angat ako ng tingin nang mapansing naka tayo na ang Mommy niya sa harap namin.
Marahan niyang itinaas ang kamay ko at tinignan ang braso ko bago ako tinitigan sa mukha.
Bahagyang nanlaki ang mga mata n'ya kaya napa yuko ulit ako, hanggang kanina pa kasi hindi maayos ang buhok ko at alam kong may sugat din ako sa mukha.
"I didn't hurt her, Mom." ani Sylvester.
"S-She's Chelidon."
Napa angat ako ng tingin sa Mommy ni Sylvester nang binanggit niya ang pangalan ko.
"Kilala niyo po ako?" nagtataka kong tanong.
Ngumiti ito na unti-unting nagpakalma sa'kin. "Of course! Matagal kitang 'di nakita pero alala ko pa, may picture ka rin sa cellphone ni Sylvester--"
"Hindi niya matandaan, Mom, and please get out." ani Sylvester.
Natigilan ang Mommy n'ya at napa tingin sakan'ya. "Oh, napaka bata pa kasi niya noon, Anak."
Naguguluhan ko silang tinignan dahil hindi ko talaga maintindihan ang pinag-uusapan nila.
"Chelidon." napa lingon ako sa Mommy ni Sylvester. "I'm Briella Mijares." naka ngiti niyang dagdag at yumuko para yakapin ako.
Bahagya akong nagulat. "H-hi po, ako po si Chelidon Baustista." sagot ko nang humiwalay s'ya.
Mas lumaki ang ngiti ni Tita Briella.
"Stop calling her Chelidon, Mom."
Tumawa si Tita Briella at tinapik ang balikat ni Sylvester.
"Si Chelidon pala iyong pinakiusapan mo sa Dad mong bigyan ng scholarship sa Weston Academy?"
Napa awang ang labi ko at nanlaki ang mga mata dahil sa gulat.
"Mom!" wika ni Sylvester at tinignan ang Mommy n'ya na parang sinesenyasang tumigil.
"What?" tanong ni Tita Briella. "Akala ko dati dahil bata ka kaya mo lang na sabing gusto mo maging engineer dahil gustong mag architect ni Chelidon, pero sa nakikita ko ngayon... seryoso ka pala talaga, Anak?"
"Mom!" ani Sylvester. "Just leave us alone, please." dagdag niya sa nagmamakaawang boses.
Umiling-iling si Tita Briella at ngumiti sa'kin. "Bye, Chelidon."
"Cheyenne. Call her Cheyenne, Mom." pag tatama ni Sylvester pero tinawanan lang siya ng Mommy niya bago lumabas ng kuwarto.
Nanatiling naka yuko si Sylvester at hindi maka tingin sa akin. Napa titig lang ako sakan'ya dahil hindi ko naman maintindihan ang mga huling sinabi ni Tita Briella kanina.
"Don't mind what my Mom said." sa huli ay sabi ni Sylvester.
BINABASA MO ANG
I'm The Bad Boy's Obsession
Teen FictionSa paglipat ni Chelidon Yenne 'Cheyenne' Bautista sa bago niyang school, may mga importante siyang bagay na dapat alalahanin at tandaan. Una, umiwas sa grupo ni Sylvester Rowan Mijares. Pangalawa, gawin ang lahat para maka iwas sa grupo nila Sylve...