Boyfriend

17.4K 611 67
                                    

Chapter XVII

Dahil sa sinabi ni Sylvester, mas maaga akong gumising kinabukasan kesa sa nakasanayan kong oras.

Nagmamadali na ako sa pagkilos sa kusina nang sitahin ako ni Tita Claudia na palabas pa lang sa kwarto niya.

"Cheyenne, bakit ang aga aga mong nagising?" takang takang tanong niya.

Maaga naman kasi talaga ako gumising lagi pero sobrang napa aga lang talaga ngayon.

Napa kamot ako sa batok ko at napa tingin sa mga pagkaing nailuto ko na.

"May kailangan pa po kasi akong tapusin sa school." sagot ko.

Tinignan ako ni Tita na parang sinusuri kung nag sasabi ako ng totoo. Napa iwas na lang ako ng tingin at nag simula ng mag handa ng mga plato at kutsara. Si Tita Claudia naman ay pumunta na sa kwarto nila Ophelia at Ate Saylor para gisingin.

"Wow! Ganito pala ang nagagawa 'pag inlove." bungad na pang aasar ni Ophelia nang maka lapit.

Inilingan ko na lang siya at nag simula ng kumain.

"Ibig sabihin, hindi talaga in love si Ate sa boyfriend niya kasi tamad siya?" dagdag niya.

Inis siyang binatukan ni Ate Saylor. "Tumigil tigil ka nga, umagang umaga baka idukdok kita diyan sa lamesa."

Nagmadali na lang akong kumain at hindi na umimik.

Nang matapos ay hindi ko na inantay ang mga pinsan ko at nauna na.

"Maaga kang umuwi, Cheyenne!" bilin ni Tita nang maka labas na ako sa bahay.

"Opo." sagot ko at nag lakad na para maka hanap ng sasakyan. Medyo na hirapan pa akong sumakay dahil wala pa masyadong nadaan, mabuti na lang at may nakita akong isang maagang jeep kaya naka sakay agad ako.

Hindi ako pumayag sa deal ni Sylvester kahapon pero mapilit siya kaya alam kong hindi rin siya papayag 'pag umayaw ako.

Labis labis ang kabog ng puso ko nang makarating ako sa school. Wala pa masyadong tao at kung meron man, mabibilang lang sa daliri. Medyo hindi parin nasikat ang araw kaya medyo nakakatakot parin sa paligid, dagdagan pa na medyo may kalakasan ang hangin ngayong araw.

Dali dali akong pumunta sa building namin at sumakay sa elevator. Nang makababa sa floor kung nasaan ang classroom namin ay mas nakaramdam ako ng kaba.

Mag isa lang akong nag lalalakad sa hallway papunta sa classroom namin. Halos kilabutan pa ako dahil wala pang katao tao sa kahit isang classroom na nadadaanan ko.

Mas bumilis ang pag tibok ng puso ko nang tumapat ako sa pintuan ng classroom namin. Pakiramdam ko konti na lang ay lalabas na talaga sa dibdib ko ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng pag kabog nito.

Marahan kong pinihit ang seradura ng pinto. Hindi naman iyon ni lolock dahil mahigpit ang security ng school kaya kahit sinong ma unang makarating sa classroom ay pwede nang maka pasok.

Naka hinga ako ng maluwag nang pag bukas ko sa pinto ay nakita kong wala pa si Sylvester at wala pa kaming ni isang kaklase sa loob.

Akmang hahakbang na ako papasok nang magulat ako dahil sa biglang pag silip ng isang ulo sa likod ng pintuang hindi ko pa tuluyang na ibubukas.

Napa sigaw ako at napa atras sa sobrang gulat. Tumaas pa ang lahat ng balahibo ko sa sobrang takot.

"Sylvester!" tili ko at na ibato pa ang hawak kong libro sa sobrang pagkabigla.

"Good morning." naka ngiti niyang tugon habang naka silip parin. Hindi alintana na halos mapatay ako dahil sa pang gugulat niya sa akin. Hindi parin siya umalis sa pwesto niya na tanging ulo lang ang kita, para tuloy siyang nasa horror film lalo na at medyo madilim pa sa loob ng classroom. 

Pero kahit ganoon, hindi parin no'n naitago ang masayang ekspresyon sa mukha niya.

"I got here first." aniya at umayos na ng tayo. Maluwag niyang binuksan ang pinto kaya nakita ko na ang kabuuan niya. Mas suot pa siyang leather jacket at maayos din ngayon ang medyo may kahabaang niyang buhok na naka left over ang style.

Napa sandal ako sa pader na hanggang dibdib ko ang taas nang nag simula na siyang humakbang palapit sa akin.

Nanlaki lang ang mga mata ko nang ma realized ang sinabi niya.

Na bitawan ko ang bag ko at dali dali akong tumakbo palayo. "Hindi ako pumayag Sylvester!"

Lumingon ako at nakita ko siyang nasa likod ko na rin at hinahabol ako. Sa haba ng biyas niya, kahit ata bilisan ko sa pag takbo ay maaabutan niya ako. Todo effort na nga ako sa pag takbo pero siya halos takbo at lakad lang pero halos nasa likod ko na siya.

"Huwag kang madaya!" parang bata niyang tugon.

Mabilis akong pumasok sa elevator at pinindot ang close button, akmang sasara na iyon nang bigla akong maabutan ni Sylvester at na corner ako sa loob.

"Sylvester!" tili ko nang walang pa sabi niya akong binuhat na parang sako.

(Sayranii's Note: Nakita ko iyan sa gallery at naisip ko sila kaya nilagay ko, hindi ko po kinakanya ang picture, pang entertainment lang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Sayranii's Note: Nakita ko iyan sa gallery at naisip ko sila kaya nilagay ko, hindi ko po kinakanya ang picture, pang entertainment lang.)

Marahan siyang nag lakad palabas sa elevator na para bang ang gaan gaan ko.

First time kong na buhat ng ganoon kaya halos mag iba ang pakiramdam ko.

"Don't run away from me again." aniya at bahagyang umupo.

Tinignan ko ang ginawa niya. Nakita kong pinulot niya ang bag ko at pinagpagan bago dinampot ang libro kong na ibato ko sa gulat.

Pumasok kami sa classroom pero hindi kami dumiretso sa upuan namin.

Ibinaba niya ako sa teacher's table na nasa unahan at pumwesto sa harap ko. Mataman niya akong tinignan at inayos ang nagulo kong buhok.

"Nahilo ako." hinihingal kong wika at sumubsob sa dibdib niya, awtomatiko akong napa ngiti nang marinig ang malakas na pag tibok ng puso niya.

Pinulupot niya ang braso niya sa baywang ko at marahang ipinatong ang ulo niya sa ulo ko.

"Ayaw mo talaga akong halikan?" untag niya.

Napa pikit ako at mas sumiksik sa dibdib niya. "Mag nobyo lang ang gumagawa nun."

Hindi siya agad naka pag salita.

Hinigpitan niya ang pag pulupot ng matigas niyang braso sa baywang ko kaya mas lalo akong naging kumportable.

"From now on, I will be your boyfriend."

Nagulat ako doon kaya mabilis akong kumalas sakaniya at nag angat ng tingin.

"Hindi ganoon iyon, Sylvester! Hindi lang dahil sinabi mo, boyfriend na kita."

Namungay ang mga mata niya. "Then tell me, what I need to do to be your boyfriend?"

Napakagat ako sa labi ko, bumagsak ang tingin niya doon, binasa niya ang labi niya bago ako muling tinignan sa mata.

"Dapat, gusto mo iyong babaeng gagawing mong girlfriend, Sylvester, hindi lang dahil sa gusto mong ma halikan." bumuntong hininga ako.

Tinagalid niya ang ulo niya. "E paano kung parehas kong gusto?" bulong niya.

Kumunot ang noo ko. "Anong parehas mong gusto?"

"Gusto kita kaya gusto kitang halikan."

I'm The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon