Cold Eyes

35.5K 618 169
                                    

Chapter I

"H-Hi, good morning. Saan po ang room A.208?" Magalang kong tanong sa babaeng naka salubong ko.

Napa kunot ang noo ko nang bigla itong mag taas ng kilay at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Mas lalo akong nagtaka kaya napa tingin din ako sa sarili ko.

"Transferee?" Naka ngiwi niyang tanong.

Nag angat ako ng tingin at mabilis na tumango. Ito ang una kong pagkakataon na makapag aral sa Weston Academy. Nakakuha ako ng full scholarship dito at ginawa rin nila Mama at Papa ang lahat para tuluyan akong makapasok sa magarbong paaralang ito.

"Ito lang ang payo ko sa'yo, girl." Wika ng babaeng nasa harap ko.

Na balik ako sa kasalukuyan at napa titig sakaniya habang inaantay ang sasabihin niya.

"Stay away from Sylvester's group kung ayaw mo ng gulo." Iyon lang at iniwan na niya ako.

Napa habol ako sakaniya ng tingin dahil hindi ko naman na intindihan ang sinabi niya. Sylvester? Sino ba 'yun? Bakit iyon ang sinabi niya kung tinatanong ko lang kung saan ang room ko?

Napakamot ako sa batok ko. Ang gulo naman.

Muli akong nagpalinga-linga sa paligid dahil hindi ko talaga alam kung saang room ako pupunta. Kanina pa ako palakad-lakad at sa sobrang lawak ng school, hindi ko mahanap hanap ang room ko.

Nag simula na akong mag lakad ulit pero nagulat na lang ako nang may bumangga sa likod ko. Napa lingon ako doon at agad kong nakita ang isang lalaki na namumula ang mukha habang halos hindi maka tingin ng diretso sa akin.

"S-sorry, natalisod kasi a-ako." Nahihiya siyang umiwas ng tingin sa akin.

Agad ko iyong kinuhang pagkakataon para makapag tanong. "Ayos lang. Pero alam mo ba kung saan ang A.208 na classroom?"

Napa tingin siya sa akin. "A.208? WLA A 12 ang section mo?"

"Oo!" Mabilis kong sagot at halos mapalakpak pa.

"Doon din ako." Aniya.

Bigla akong natuwa. Ibig sabihin ay mag kaklase kami. Agad kong inabot ang kamay ko sakaniya habang malapad ang ngiti ko. "Ako nga pala si Chelidon Yenne Bautista, o kaya Cheyenne na lang." naka ngiti kong wika.

Nahihiya niyang tinanggap ang kamay ko. "Ako naman si Maddox. Maddox Kim"

Mas ngumiti ako sakaniya at sumabay na sakaniya para mahanap ang room. Nang makarating kami sa classroom ay halos hingalin ako dahil sa layo ng nilakad namin. Mabuti na nga lang at sumakay kami sa elevator dahil hanggang pang fifth floor ang room namin. Sosyal, ngayon lang ako naka kita ng school na may elevator.

Nagpaalam sa akin si Maddox na lalapit lang sa mga kaibigan niya pagkapasok namin sa classroom.

Ngumiti ako at pinag masdan siyang sinalubong ng mga kaibigan niya at masayang nagkamustahan. First day of school kasi ngayon at paniguradong marami silang maikwekwento tungkol sa nangyari sa mga bakasyon nila.

Mabilis kong ni libot ang paningin ko sa classroom para mag hanap ng bangkuan. Medyo marami na rin kasing tao dito sa loob.

"May nakaupo na ba dito?" Marahan kong tanong sa babaeng naka upo sa unahang row.

Nakita kong tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, katulad nang ginawa nung babaeng una kong pinag tanungan kanina.

Tinaasan niya rin ako ng kilay bago nilagay sa katabi niyang bangko ang bag niya.

I'm The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon