Kiss

6.4K 212 16
                                    

"Hmm,'' tanging na sagot ko sakaniya at yumuko, ramdam na ramdam ko ang mabilis na pag tibok ng puso ko.

Pilit sinilip ni Sylvester ang mukha ko, pilit naman akong yumuko para itago ang pamumula ko.

"Please, look at me, Chelidon." Wika niya sa malambing na boses.

Saglit akong nag alinlangan bago nag-angat ng tingin sakaniya.

"Can I kiss you?" Malambing niyang tanong.

Mas lalong bumilis ang pag tibok ng puso ko habang nakatitig sa maganda niyang mga mata.

Bumaba ang tingin ko sa labi niya at mabagal na tumango, "Mmmkay." Mahina kong saad.

Nakita ko ang pag ngiti niya bago marahang hinaplos ang mukha ko.

Unti-unti siyang yumuko kasabay ng pag pikit ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko, pakiramdam ko mauubusan ako ng hangin, at ang puso ko, hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng tibok nito na halos parang gusto ng kumawala sa dibdib ko.

Naramdaman ko ang pag hawak niya sa likod ng ulo ko kasabay ng mas pag lalim ng halik niya, unti-unti akong nag paubaya kahit hindi ko na alam ang gagawin.

"Mahal kita." Mahina niyang bulong nang pakawalan niya ang labi ko, nanigas ang katawan ko at namungay naman ang mga mata niya habang naka titig sa akin.

Halos manghina ako dahil sa mga titig n'ya. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at dinala sa labi n'ya.

Mas lalong bumilis ang pag tibok ng puso ko habang naka tingin sakaniya na nakapikit na parang damang-dama ang pag halik sa kamay ko.

Halos mahimatay ako sa mga oras na 'yon, hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko, pakiramdam ko bigla na lang akong napunta sa mga ulap at hindi ko na alam kung kailan ulit ako makakababa.

"S-Sylvester." Nabasag ang boses ko at mabilis na tumingkayad para halikan siya sa labi.

Mahigpit akong kumapit sa damit n'ya dahil hindi ko na makayanan ang panlalambot ng mga tuhod ko.

Ngiting-ngiti si Sylvester pag balik namin sa classroom habang hiyang-hiya naman ako. Pakiramdam ko nahihilo ako at gusto ko na lang matumba dahil sa mga nararamdaman ko ngayon na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.

"Woah! Love birds, saan kayo galing?" salubong ni Lance sa amin habang malaki ang ngiti.

Nag-iwas ako ng tingin nang makita kong biglang mag bago ang ekspresyon ni Lance at kuryosong nagpapali-palit ang tingin sa akin at kay Sylvester.

"Did you two... KISS?" sigaw niya at itinuro kami ni Sylvester, dahil sa lakas ng sigaw niya ay napa tingin sa amin ang lahat ng mga kaklase namin.

Hiyang-hiya ako na gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko, kalian ba kami papadaanin ni Lance?

"Shut the fuck up!" Galit na sagot ni Sylvester at marahas na hinawakan si Lance sa kwelyo.

Hindi agad ako naka galaw dahil sa gulat.

"W-what? Huwag na kayong magkaila, tignan mo oh! Parehas namamaga ang mga labi niyo!"

Mas humigpit ang pag hawak ni Sylvester sa kwelyo ni Lance, "Stop looking at her lips! And yes, we kissed, what about it?"

Mabilis akong napa hawak sa braso ni Sylvester nang makita kong gusto na niyang suntukin si Lance, mabilis namang hinila ni Daniel palayo si Lance.

"Sylvester." Tawag ko sa atensyon niya at mahigpit na hinawakan ang kamay niya,  "Nang-aasar lang si Lance." Wika ko.

Unti-unting nawala ang lamig at galit sa mata niya habang naka titig sa akin, masuyo niyang hinaplos ang labi ko bago niya ako hinila paupo sa upuan namin.

I'm The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon