extra 02

11.4K 252 93
                                    

Warning: Unedited (Much better to read later ✌)

Akala ko'y mahihirapan ako sa pagkuha sa loob ni Tita upang opisyal kaming payagan ni Sylvester, pero simula nang mapadalas ang pagpunta ni Sylvester sa bahay, natural niyang nakuha ang basbas ni Tita Claudia.

Ipinakilala ko rin si Sylvester kay Mama at Papa, sa tawag nga lang dahil baka sa isang taon pa sila maka uwi. Pinayagan naman kami nila Mama, pero nang araw na iyon ay halos buong araw niya akong pinangaralan.

"Are you alright?"

Doon ko lang napansin na sobrang higpit na pala ng kapit ko sa kanang kamay ni Sylvester. Agad ko iyong pinakawalan pero maagap niyang hinuli ang kamay ko at muling pinagsalikop ang mga kamay namin.

Kasalukuyan kaming naka sakay sa sasakyan nila upang pumunta ngayon sa bahay nila. Dahil ipinakilala ko siya sa mga pamilya ko, natural lang na gusto niya rin akong ipakilala. Sa totoo lang ay matagal na niya itong gustong gawin, bago ko pa siya gustong ipakilala at gusto niya na akong papuntahin ulit sa bahay nila, pero dahil sa kaba ko, hindi agad ako nakapayag at dahil nirerespeto ni Sylvester ang kagustuhan ko'y hindi niya ako pinilit.

"K-kinakabahan ako." Sagot ko. Halos hindi ko siya mapansin sa tabi ko, ang tanging natakbo sa isip ko ay ang kung anong mangyayari pagkatapak ko sa mansyon nila. Hindi naman ako natatakot dahil nakilala ko na si Tita Briella at nakita kong mabait siya, alam ko ring mabait ang pamilya ni Sylvester, pero kinakabahan ako kung matatanggap ba nila ako bilang girlfriend ni Sylvester.

Nang makita ko ang pamilyar na mansyon, mas along nanlamig ang mga kamay ko. Noong isang araw pa ako alalang-alala, nag tanong ako kay Sylvester kung anong puwede kong dalhin dahil hindi naman magandang pumunta lang ako ng walang dala, pero sinabihan niya akong huwag ko ng alalahanin iyon, ang mahalaga ay ang makapunta ako.

Na unang bumaba si Sylvester at pinag buksan ako ng pinto ng sasakyan.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang pag ngiti niya. Yumuko siya at inilahad ang kamay sa akin. Mabilis ko iyong kinuha pero hindi pa rin ako bumaba sa sasakyan. "Paano kung 'di nila ako magustuhan?" santinig ko sa tanong na kanina pa namamalagi sa isip ko.

"They will like you." Sigurado niyang sagot at mahinang pinisil ang mga kamay ko.

"Paano ka nakakasigurado?" Kinakabahan kong tanong.

Masaya siyang ngumiti, "Because I like you."

Hindi agad ako naka sagot.

"They always support me about everything that I want as long as it won't have a bad effect on me."

Dahan-dahan akong tumayo habang tahimik na nakatitig sakaniya.

Yumuko naman siya at bumulong sa kaliwang tainga ko. "You have a good effect on me, so of course they will like you."

"I like you too." Bulong ko pabalik.

Mahina siyang tumawa.

Agad kong naramdaman ang pagtaas ng mga balahibo ko sa batok dahil sa hindi mapigilang kiliti nang tumama ang mainit niyang hininga sa tainga at leeg ko.

Mabilis akong napa kapit sa braso niya at napa angat ng tingin sakaniya.

"What's wrong?" Tanong niya nang mapansin ang pamumula ko.

"Nakikiliti ako." Bulong ko.

Binigyan niya ako muli ng ngiti at hinawakan ang likod ng ulo ko, ilang segundo lang ay naramdaman ko ang pag halik niya sa sentido ko.

Mariin akong pumikit at tahimik na dinama ang malambot niyang labi.

Masaya kaming sinalubong ni Tita Briella pagkapasok sa mansyon. Pagkakita ko sa lahat, naramdaman ko nanaman ang mga pakiramdam noong una akong naka pasok dito.

Sa likod ni Tita Briella ay ang isang gwapong lalaki na halatang Papa ni Sylvester. Napalingon ako sa kalapit ko at doon ko napansin ang madami nilang pagkakaparehas.

Sa pag-iisip na parang nakita ko na rin ang version ni Sylvester kapag nasa 40's na siya'y medyo na ibsan ang kaba ko.

"Hello po." Bati ko at nagpakilala.

Walang eskpresyon ang Papa ni Sylvester kaya hindi ko alam kung ayaw ba niya sa akin.

"Dad's always like that, but he's happy thay you're here." Bulong ni Sylvester sa akin.

Napalingon ako sakaniya at tumango bago muling tumingin sa harap namin. Nakita kong nag-uusap si Tita Briella at Tito Valerius.

Halos hindi ko mapigilan ipakita ang pagkamangha ko nang makita ko kung paano tumitig ang Papa ni Sylvester sa Mama niya, ganoong-ganoon tumingin sa akin si Sylvester.

Biglang naputol ang pag-iisip ko nang may dumating na dalawang babae na halatang mas nakakabata sa amin, sa unang tingin ay masasabi mong kambal sila.

"Hi!" Wika ng isa at nagpakilala. "My name's Sylvera."

Nagpakilala rin ako at tumingin sa katabi niya.

Handa na sana akong bumati ulit pero naputol ang sasabihin ko nang mag salita siya.

"Kuya how about Ate Catalina? I thought you like each other?" Malamig niyang tanong habang hindi maganda ang ekspresyong ibinibigay sa akin.

Nanigas ako at hindi na nakapag salita.

"Sylvia." Tawag sakaniya ni Tita Briella.

"What are you talking about?" Tanong ni Sylvester, "I don't like her."

Doon na natapos ang pagpapakilala ko sakanila, ang triplets na kapatid nila Sylvester ay mamaya pa raw makakuwi pero makakahabol naman upang makilala rin ako.

Nang mag tanghalian ay sabay-sabay kami kumain. Kinakausap ako ni Tita Briella at Sylvera pero hindi nagsasalita si Sylvia, sa tingin ko namana niya ang pagiging tahimik ni Tito Valerius na bukod sa pagkain ngayo'y abala sa pag-aasikaso kay Tita Briella. Kada mapapansin niyang wala ng pagkain si Tita ay siya na ang naglalagay rito.

Kita kong normal na sakanila ito at halatang nakasanayan na, pero ang makitang walang sawa nilang pag-aalaga sa isa't-isa kahit sa naglipas na ilang taon ay nakakamangha. Marami na akong nasaksihan na relasyong nasira mula bata pa ako, dahil doon ay natatakot din akong pumasok sa isang relasyon pero ang makita ang mga magulang ni Sylvester na halatang mahal pa rin ang isa't-isa'y kahat sa tinagal ng pahanon ay nakakapanatag ng loob.

Alam kong mahal din ng mga magulang ko ang isa't-isa, pero dahil bata pa lang ako ay hindi ko na sila madalas makasama, hindi ko masyadong nasaksihan ang pagmamahalan nila, kaya ang makita sila Tita Briella at Tito Valerius na walang kupas ang pagmamahalan, nakakagaan ng loob.

Pero kahit na gumaan ang pakiramdam ko, hindi ko pa rin napigilan ang hindi isipin ang sinabi ni Sylvia.

Sino si Catalina?

Naniniwala ako sa sinagot ni Sylvester sa kapatid niya kanina pero hindi ko pa rin mapigilang hindi isipin iyon.

Paano na sabi ni Sylvia na may gusto sa isa't-isa sina Sylvester at Catalina?


I'm The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon