Promise

14.6K 484 64
                                    

Chapter XXI

Halos dalawang araw ko na ring hindi kinakausap si Sylvester. Magkasama kami lagi pero hindi ko na siya pinapansin katulad ng dati, laging kumirot ang puso ko kapag nakikita ko ang lungkot sa mata n'ya pero hindi ko talaga siya magawang kausapin, siguro ganoon talaga kapag alam mong mahal mo na ang isang tao, miski maliit na bagay mabilis kang masaktan lalo na kapag tungkol sakanila.

Napa tingin ako sa kulay asul na kalangitan at sa mga ulap.

Kalalabas lang namin nila Tita Claudia sa simbahan, katatapos lang naming mag simba at didiretso na rin kami agad sa bahay, hindi rin kasi mahilig mag gala si Tita pero pinapayagan naman niya kami basta hindi masyadong magpapagabi.

Napa tingin ako sa bulsa ko nang maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko.

Unknown number pero agad ko ring sinagot.

"Hello?"

"Cheyenne."

Nangunot ang noo ko. "Leandrei?"

"Oo, ako nga. May gusto lang sana akong sabihin sa'yo."

"A-ano 'yun?" kinakabahan kong tanong dahil medyo parang balisa ang tinig niya.

"Si Sylvester kasi.."

"Cheyenne! Halika na!" wika ni Ate Saylor habang pasakay na silang tricycle.

"Wait l-lang, Ate." sigaw ko pabalik at muling tinapat sa tainga ang cellphone ko. "Ano 'yun, L-Leandrei? Anong tungkol kay Sylvester?" nag aalala kong tanong.

"Nasa hospital kasi siya ngayon."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. "A-ano?" natataranta kong tanong. "Saang hospital 'yan?"

Pagkasabing pagkasabi sa akin ni Leandrei kung saan ay mabilis akong nagpaalam kanila Tita. Sinabi ko lang na may bibilihin ako kaya mamaya pa ako makakauwi.

Agad akong sinalubong nila Leandrei at Leandro sa harap ng hospital nang makarating ako.

Dali-dali kaming pumunta kung nasaan si Sylvester.

Halos maiyak ako sa kaiisip kung ano bang nangyari kaya hindi ko maiwasang manginig habang papalapit kami.

Hinawi ni Leandro ang kurtina at naabutan ko si Sylvester na naka higa sa hospital bed at ginagamot ng isang nurse.

Napa singhap ako nang makita siyang puro pasa sa mukha at putok pa ang labi. Kitang-kita ko rin na nasasaktan talaga siya dahil sa bawat pag dampi ng bulak na hawak ng nurse sakaniya ay kumukunot ang noo niya.

"Bro." tawag sakaniya ni Daniel na nakatayo lang malapit sa nurse.

Hirap na nag mulat si Sylvester at agad nag tama ang mga mata namin.

"C-Chelidon." nakita kong ngumiwi siya nang binalak niyang umupo.

Pinipigilan siya ng nurse pero hindi siya nakikinig.

Bumuhos ang luha ko at nilapitan siya. "Huwag ka ngang makulit." inis kong sinabi.

Bumalik naman s'ya sa pagkakahiga  habang matamang naka titig sa akin na para bang mawawala ako sa tabi niya pag hindi niya iyon ginawa.

Umiling ako at hindi nag salita. Nang matapos naman ang nurse ay mabilis itong nagpaalam at umalis.

Naka tulog naman si Sylvester dahil ata sa gamot na ibinigay sakaniya. Umupo ako sa tabi niya at hindi na nag balak umalis dahil kahit tulog siya ay hindi na niya binitawan ang kamay ko simula pa kaninang hawakan niya ito.

I'm The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon