Chapter 35

27.7K 672 59
                                    

She's 99.999% daughter of Angeline and Zoren, the DNA test result says.

"A-anak ko talaga si Coleen?" Zoren's voice quivered upon reading the real documents of the DNA result and the real birth certificate which says Coleen's parents are Angie and Zoren. Not Divina and Zoren.

She sobbed as she picked more papers. Mga ebidensya ni Divina na pinagpalit ang dalawang bata.

"My daughter from my old lover, Henry, na pinaako ko kay Zoren at pinaniwalang siya ang ama ay si Katarina. At dahil gusto kong mapaniwala pa siya para pakasalan ako, pinagpalit ko ang dalawang bata. Kinuha ko ang anak mo Angie dahil kamukha siya ni Zoren, sa gayun maniwala siyang siya talaga ang ama. At pinaniwala ko kayo na si Katarina ang anak mo, para maniwala si Zoren na hindi siya ang tatay ni Katarina dahil hindi naman sila magkamukha."

"Y-you're a monster." Usal ni Angie habang tumutulo ang luha.

"Oops, I'm not yet done. Pinagpalit ko rin si Katarina at Coleen para na rin sa kabutihan ng anak ko. Kasi kung siya ang magiging anak ni Angie, tagapagmana siya sa mga ari-arian nito. Kasi kung saakin siya lalaki, wala siyang mapapala sa akin, dahil piniperahan lang ako ng tunay niyang ama kaya nga nagnakaw ako ng malaking pera sa kompanya mo." Sabi pa nito.

"Hindi ka ba nagtataka, Coleen kung bakit kita pinalipat ng school? Because I find out that you are lurking around Tres and that's a threat. Kung magpapakasal ang anak ko kay Tres, mas lalo siyang yayaman."

"Yes, I'm a monster. At dahil makukulong na rin ako at magdurusa doon. Magdurusa rin kayo sa sakit dahil pinabayaan niyo ang tunay niyong anak."

Ngumisi ito at lumapit sa guard.

"Come on, iwanan na natin sila. Katarina, hali ka." Hinila nito ang gulat pa rin na Katarina at dahil wala sa sarili ay nagpahila ito sa ina.

Nang umalis sila Divina ay naiwan silang tatlo doon.

Pinahid niya ang luha niya at hinanap ang dokumentong kailangan niya.

"C-coleen..." Her real mother called but she ignore her.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang mapahagulhol at patuloy pa rin sa paghahanap ng birth certificate niya.

"A-anak..."

Hindi..hindi. Hindi siya nito anak.

Kasi ang tunay na magulang ay makikilala at makikilala ang tunay nilang anak. Mararamdaman ang lukso ng dugo.

Naalala na naman niya ang gabing iyon. Kung paani nagyakapan ang tatlo, si Angie, Zoren at si Katarina. Masyado silang makasarili at nabulag sa isipin na buo na ang pamilya nila. Itinanggi siya ni Zoren kahit nananampal na sa mukha niyang magkamukha sila.

"A-anak.." Zoren held her arm but she quickly pulled it away.

"Don't touch me!" She cried.

Kinuha niya ang PSA niyang hawak nito. Ito lang naman ang kailangan niya, pagkatapos nito. Aalis na siya.

Nagmartsa siya palabas ng pinto ng marinig niya ang boses ni Angie.

"P-patawad, anak..."

"I'm sorry, Coleen. I-i'm just blinded."

Her heart ached on that. Matagal na niyang inaasam na marinig niya ang katagang 'yun.

Pero bakit ang sakit?

She covered her mouth to prevent herself from crying so hard. Ang sakit kasi... pinagkait sa kanya ang kaligayahan na nararapat sa kanya.

Kaya pala simula bata siya ay hindi siya pinapakitaan ng pagmamahal ng Mommy at Daddy niya. Kahit napaniwalang siya ang anak ni Zoren ay hindi pa rin siya nakatanggap ng pagmamahal dito. Dahil sa pagmamahal nito kay Angie.

Dahil sa pagmamahal nito kay Angie. Kinalimutan nito ang lukso ng dugo sa kanya. Tinanggap nito si Katarina kahit kitang-kita sa mukha nito na hindi sila magkamukha.

It's because of his love for Angie.

Her life was a total mess because of Divina's greed for money, and for his Zoren's selfish love for Angeline.

Pinahid niya ang luha at humarap sa dalawa.

"N-natutuwa ako...kasi nalaman ko na ang katotohanan, n-natutuwa ako kasi...k-kasi, ako ang anak niyo. Pero nasasaktan ako kasi ako talaga ang anak niyo. N-nasasaktan ako kasi ni minsa sa b-buhay ko ay hindi ko naramdaman na may kinalalagyan ako." Maliban kay Tres.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang paghagulhol.

"M-masaya ako...kasi may k-karapatan na akong kamuhian kayo."

Agad siyang tumalikod at tumakbo paalis ng lugar. Laking pasalamat niya ay walang tao sa elebator.

Pinahid niya ang luha niya at sinuot ang shades. She quickly put a lipstick on her lips from her pocket for a retouch then she goes out of the elevator.

Nang makalabas siya ng kompanya ay agad siyang ngumiti at kumaway sa mga taong nakaabang sa kanya.

Ang bilis talaga ng balita at natunton siya kung nasaan siya.

"Coleen!"

"Ang ganda mo, Coleen!"

"Mahal na mahal ka namin, Coleen!"

Tumulo ang luha niya habang nakatingin sa dagat ng tao. Dahil nasa hagdan siya ay lantaw niua ang lahat at kita rin siya ng lahat.

"Umiiyak si Coleen."

"Hala."

"Baka may problema?"

"Sa sobrang tuwa siguro."

Napatingin siya muli sa mga tao na sumusuporta sa kanya.

Siya si Coleen. Queen bee, model. Iyon lang ang natatanging alam ng mga tao tungkol sa kanya pero grabe na ang mga ito makasuporta.

"Mahal na mahal ka namin, Coleen! Huwag lang umiyak!"

She cried so hard upom hearing that. Para siyang baliw na umiiyak sa harap ng mga fans niya.

"S-salamat... Salamat sa suporta at p-pagmamahal. Mahal na mahal ko rin kayo!" She said loudly. She chuckle while her tears are flowing.

These people didn't know a single detailed thing about her. Hindi sila magkadugo pero ramdam niya ang suporta at pagmamahal ng mga ito.

Ang sakit lang kasi sa mga taong hindi siya kilala nakatanggap ng pagmamahal, hindi sa taong inaasahan niya, hindi sa mga taong kadugo niya.

But she's happy. When she thought she have no one except Heron Zail, marami pa talagang nakasuporta sa kanya.

"You're our number queen bee!" They cheered.

She cried more.

Kumayaw siya sa mga ito at pumunta na sa pribadong parkeng lot.

Nang may tumigil na kotse sa harap niya at ang paglabas ng driver nito, agad niyang tinahak ang distansya papunta dito at niyakap ang tahanan niya.

This is the only place she called home, where she finds comfort, where her son needs to shelter...

On Tres' arms.

Tres' Fatal Seduction (4th Gen #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon