"What?" Tres' brows furrowed.
Halos aatakehin na siya sa kaba. Bakit ba kasi sinabi 'yun ni Sir Heazer? I won't tell a single soul but he's calling Tres Daddy? Of course, it gives hint to Tres!
At mukhang sinadya talaga iyon, hindi lang basta pagkakamali. Sinadya talaga 'yun ng CEO!
"Oh, you didn't know?" Gulat na tanong ni Tito Heazer.
Jusko, baka pwedeng lamunin ng lupa si Sir Heazer.
"About what?" Seryosong tanong ni Tres.
"About the new project of you two. Like you will be featuring in family and marriage in Methrough Magazine. Both of you are in demand right now kaya pumayag ako. You will act like a Dad and Coleen as a Mom. That's why I called you Daddy Tres." Paliwanag ni Sir Heazer.
Napabuga siya ng hangin at nakahinga ng maluwag sa narinig. It almost there. Akala niya kukunin na siya ni Lord sa sobrang kaba.
Argh, Benjamins!
"Okay. Just tell me when is the shoot." Kaswal na saad bi Tres na agaran siyang napalingon dito.
"Pumapayag ka?"
He looked at her then scoffed.
"And then what? Let other men be the Dad as you are the Mom?"
Kumunot ang noo niya sa pagtataka.
"Yes? It's not like totohanin namin. It's just a job." She said in matter of fact.
Ano bang pinuputok ng butsi ni Tres?
Tres form his lips into grim line. Halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.
"Oo nga naman, hijo. Alam mo kasi, kahit ikaw pa ang Daddy kung si Mommy ayaw niyang ipaalam na ikaw si Daddy, syempre may ibang magboluntaryo bilang Daddy."
Oh my god, what is Sir Heazer talking about. He's giving hint to Tres again. May alam ba ito? Alam ba nitong tinutulungan siya ni Keil?
"Tss. If she's the Mom, I am automatically be the Dad. No one else are going to take my position." Mariing saad ni Tres.
Ngumisi lang ang Tito nito at bunaling sa kanya.
"Hear that, Coleen? Siya lang daw ang Daddy ni----"
"Thank you, Sir. We're done with our concern here." Agad na putol niya at hinila na si Tres pabalik ng elevator.
Gosh! Umagang-umaga hagard na agad beauty niya.
"Aalis ka na ba?" Tanong niya sa binata na nakatingin sa kawalan.
"Tres?" Untag niya sa binata.
"I always read people keenly. And I never fail reading their reaction." Biglang saad ni Tres na nagpakaba sa kanya.
Akala niya nakatakas na siya sa kaba, ngayon parang kinakain na naman siya lalo na't silang dalawa na lang sa elevator.
Lumunok siya at umiwas ng tingin.
"W-what are you implying then?"
"I think he's hinting me over something that has to do with you." Sagot ng binata.
Bigla siyang pinagpawisan sa sagot nito. Bakit ba kasi napakatalino ng mga Benjamin?
Nang lumingon sa kanya ang binata ay muntik na siyang mapatalon.
"I'm going to find out what is it. Paunahan na lang tayo, Coleen. Ikaw sa palusot, ako sa sagot."
THIS is insane. She's going insane.
Ako sa palusot at siya sa sagot?
Pabalik-balik siya sa nilalakaran habang karga ang anak.
Kailangan niyang tawagan si Sir Ace. Manghihingi siya ng tulong. Walang ibang malakas na protection maliban dito.
He search for his number on her contact and called him.
"Sir---"
"Coleen?"
Her eyes widen when she heard Tres voice on the other line. Bakit ito ang sumagot at hindi ang Daddy nito?
Is fate starting to play with her life again?
He probably knew it was her, maybe because of her name on his father's contact.
"Y-yes, ako nga. Nasaa pala ang Daddy mo?"
"He's upstairs, he left his phone in the kitchen."
Fudge.
"Ah, sige mamaya na lang---"
"Why did you call my Dad?" Seryosong tanong ni Tres sa kanya.
"I-i thought it was Sir Heazer's number. Nanghingi kasi ako ng numero sa CEO at ang binigay sa akin ang listahan ng numero ng mga Benjamin. Namali ako ng pagbasa, I thought it was Sir Heazer. May sadya lang ako." Agad na palusot niya.
Mabuti na lang talaga at hindi biya natawag ang pangalan ni Sir Ace!
Natahimik ang kabilang linya. She quietly prayed that he will believed.
"Hmm.." Tres hummed.
"S-sige, bye na."
Agad niyang pinatay ang tawag at initsa ang phone sa sofa saka napasalampak doon.
"Ma..Mmm..Ma!" Zail blubber while touching her face.
She smiled at her son. Hinaplos niya ang matambok nitong pisngi.
"I love you."
"La..lab..lab."
She chuckled and kissed his son forehead.
"You're the only thing that I could call mine. At gagawin ko ang lahat para hindi ka makuha sa akin."
Napalingon siya sa may pinto ng may kumatok. Agad niyang pinasok sa silid ang anak niya at nilagay sa crib nito bago binuksan ang pintuan.
"Malandi ka talaga, ano?"
Her eyes widen when she saw Divina standing right in front of her with an angry face.
"W-what are you doing here?"
"Nandito ako para sabihan kang tigilan mo na ang paglapit sa Benjamin na 'yun? Are you blind? Can't you see that he is bound to marry Katarina? Masyado lang panira sa kasiyahan ng iba." She fired.
Napaawang ang labi niya at hindi niya napigilang mapatawa ng mapakla.
"How about me? You are so concerned on other people's happiness and you didn't think about mine. Ni minsan, naisip mo rin ba ako?" Sumbat niya rito.
Divina grimaced.
"Sabihin mo na ang dapat sabihin, I don't care. Wala na akong pakealam sa 'yo at layuan mo na si Tres."
Ngumisi siya ng mapakla dito.
"Lalayuan ko siya? Paano ko gagawin 'yun kung siya mismo ang lapit ng lapit sa akin? He's crazy over mean." She said mockingly.
"Kasi malandi ka!" Galit na bulyaw nito sa kanya.
"Tama ka, malandi ako. Mas mabuti na lang 'yung malandi kaysa sa taong walang puso at walang pakialam kung makapanakit ng iba!" She fired back.
Divina raised her hand to hit her but she quickly gripped Divina's hand. Nanlaki ang mata nito sa ginawa niya.
"Kung wala kang pakealam sa akin, mas lalong wala na akong pakealam sa 'yo. At sa oras na malaman ko ang katotohanan sa pagkatao ko. Sinisigurado kong pagbabayaran mo."
BINABASA MO ANG
Tres' Fatal Seduction (4th Gen #6)
General Fiction"Wala akong kinuha sayo, Katarina. Dahil una pa lang, akin ang lahat ng 'yun." - Coleen Herra Fernandez "Girl, my seduction is fatal. But what's more fatal is yours." -Tres Zairon Benjamin