Part 2

23.6K 729 90
                                    

"Tulog na siya?" Mahinang tanong ni Quatro sa kanya.

"May gising bang nakapikit? Ang bobo mo." Pang-aasar ni Dos dito.

Ang iba ay nakaupo sa upuan ang iba naman sa sahig na may carpet. Si Uno na ang nagdadrive ng van at nasa tabi nito si Hakob. Ang ibang pinsan nila ay kung ano-anong ginagawa.

"Gago, ang ibig kong sabihin kung pwede na ba tayong mag-ingay. Gustong-gusto ko ng laruin ang anak ni Tres." Sabi ni Quatro saka lumapit kay Zail na karga niya habang nasa upuan siya.

Sinasalamin nito ang mukha ni Tres na seryoso pero hindi matatanggi sa inosenting mata nito na namamangha ito sa dami ng tao sa van na 'yun at halos pare-parehas pa ng mukha.

"Hi, baby Zail! I'm your poging Tito----oi, hala umiyak!"

Agad itong umatras ng umiyak si Zail. Binato ni Cinco si Quatro ng walang laman na bottled water.

"Ang pangit mo kuno!"

"Para mo na rin 'yan sinasabi sa sarili mo dahil parehas tayo ng mukha, talino mo."

"Ako na nga!" Sabi ni Heazen at lumapit kay Zail.

"Dapat kasi kinakantahan ang bata. Leron, leron sinta---Hala, gagu." Agad na napamura si Heazer ng lumakas ang iyak ni Zail.

"Watch your mouth, idiot." Asik niya.

"Ang pangit ng boses mo!" Kantyaw ni Hendrix at lumapit kay Zail.

"Bulaga!" Paglalaro ni Hendrix sa bata.

Zail stop crying and his innocent eyes stared at Hendrix who continued to make face and Zail started to laugh.

Hindi niya napigilang mapangiti. That was a music to his ears.

"See that? Ganyan dapat!" Pagmamayabang ni Hendrix.

"Edi, gumawa ka ng sayo." Kantyaw ni Homer.

"Mukha ka kasing clown kaya tumawa si Zail." Pang-aasar ni Hellion kay Hendrix at agad na mapanlarong nagpambuno ang dalawa.

Napailing na lang siya.

"Guys! Sinisipon ako!" Balita ni Dos at saka bumahing.

Agad na kumislap ang ang mata nito ng makita ang panyo na nasa bulsa ni Homer na sumisilip.

"Homer, pahiram ng panyo. Gusto kong bumahing ulit." Sabi ni Dos at lumapit kay Homer at kinuha ang panyo sa bulsa nito.

"Sandali, hindi yan!---"

Huli na, dahil paglagay ni Dos aa ilong nito para sana bumahing ay nasinghot nito ang chloroform na ginamit nila kay Coleen.

Agad na bumagsak si Dos sa sahig ng van.

"Ay, tanga."

Napatampal na lang ng noo si Homer at napailing na lang ang ibang pinsan.

Kaya ayon, dahil alam ng mga ito na hindi siya papayag na itatabi si Dos aa higaan kung saan naroon si Coleen ay pinabayaan na lang nila ito sa sahig kung saan ito bumagsak.

Pero initsahan niya ito ng unan at saktong tumama sa ulo nito. Bahala na siya diyan kung paano niya magagamit iyon.

Nakita niyang sinamaan siya ng tingin ni Uno sa salamin sa unahan kaya bumuntong hininga siya at lumapit kay Tres at nilagay ang ulo nito sa malambot na unan habang hawak niya si Zail na tumatawa at pumalakpak habang nakatingin kay Dos.

"I think he likes your dotty twin brother." Sabi ni Hover ng nakitang natutuwa si Zail kay Dos.

He groaned.

Tres' Fatal Seduction (4th Gen #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon