Chapter 11
"Ces, alam mo ba kung saan nakatira si Patrick?" kumunot ang noo niya nang tulungan niya akong ayusin ang kwarto ko ng umagang iyon. Siya ang nagtupi ng kumot at ako naman ang nagpagpag ng higaan ko. Nagwalis na rin siya at nagkwentuhan kami saglit.
"Type mo iyong si Negro?" hindi naman siya ganoon kaitim para tawaging negro at infairness naman kahit na ganoon si Patrick he look attractive, lalo na noong ngumiti siya. Napansin ko kasi ito noong binabalutan na siya ni Tita Teresa ng mga handa kahapon tapos ang laki ng ngiti niya. Iyong ngiti na may kasamang hiya. Napapakamot pa nga siya sa batok niya sabay tawa.
"Type agad? Nakalimutan mo kasi siyang ipakilala sa akin kahapon, ang daldal mo kasi. At isa pa, hindi kasi niya tinanggap ang pera na ibinigay ko sa kaniya."
"Ay, ganoon talaga iyong si Patpat. Mahiyain kasi iyon, pero isa iyon sa maaasahan dito sa lugar namin sa edad niya na dise-sais anyos, nakapag ipon siya ng pera pambili ng motor at ngayon may tricycle na siya na nagagamit niya pampasada."
Ang dami na niyang na kwento sa buhay ni Patrick.
"Pwede mo ba akong samahan sa kanila? Magsosorry lang ako."
"Sure ka?"
"Oo naman,"
"As in sure ka?"
Promise ang kulit talaga niya.
Pero, mukhang nagsisisi na ako. Hindi naman kasi niya sinabi na nasa tuktok ng bundok sila nakatira. Ang tarik pa ng daanan. Nakakapagod. Iyon pala ang nais niyang sabihin sa akin kung talagang sigurado ba ako.
Lumipas ang 30mins. Usually, it takes 10 to 15mins lang raw kapag nilalakad kaso, pahinto hinto kasi ako kasi hinihingal ako at di pa kasi ako nakapagstreching ng umagang iyon kaya ang sakit ng mga tuhod at legs ko.
Nang makarating kami ay napansin ko kagaad ang isang maliit na bahay na gawa sa light materials. Iyong puro mga bamboo sticks at ilang mga kahoy tapos may mga batang nagtatakbuhan. Nang makita nila si Cecil ay bigla silang tumakbo sa bisig nito at niyakap siya ng mahigpit.
Napansin ko naman ang isang mukhang two years old na batang lalake sa gilid ko at hinihila ang tshirt ko, umupo ako para kausapin siya.
"Hi, ako nga pala si Ate Amanda, ikaw anong pangalan mo?"
"Nathan." napatayo ako ng marinig ko ang boses ni Patrick sa likuran ko. Tapos niyakap niya si Cecil sa harapan ko.
"Sally, ipasok mo muna ang mga kapatid mo. Ito na ang umagahan niyo." sabi ni Patrick saka niya inabot sa kapatid niyang babae ang isang balot ng plastic.
"Gusto ka raw kausapin ng Pinsan ko. Ikaw, umayos ka ah! Kabago-bago palang niya dito pero tinatarayan mo na siya. Sasampalin ko iyang mukha mong uling!" banta pa ni Cecil kay Patrick. Saka naman sinipa ni Patrick si Cecil at pumasok na sa loob nito si Cecil kasama ng mga bata.
Habang sinundan ko naman si Patrick at umupo ito sa may ilalim ng puno ng manga di kalayuan sa kanilang tahanan.
"Close talaga kayo ni Cecil ano?" doon ko sinimulan ang pag-uusap namin.
"Mula bata pa, kaming dalawa na ang magkasama. Magkakabit na nga siguro ang mga bituka namin at hindi kami mapaghiwalay." ngiting sabi niya saka siya nagpupulot ng mga maliliit na bato at inihahagis ito.
"Galing. Masarap siguro na mayroon kang ganoong klaseng kaibigan no? Iyong masasandalan sa tuwing malungkot ka. Magpapasaya sa tuwing pakiramdam mo mag-isa ka."
Tumingin siya sa akin at tila nagtataka.
"Uhm, bakit wala ka bang kaibigan sa inyo?"
Tumingin ako sa kalangitan at ang ganda ng sikat ng araw. Hindi mainit, tama lang tapos ang sarap ng simoy ng hangin. Alam mong fresh, di gaya sa maynila na amoy mo ang polusyon.
"Mayroon, siya nga ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon." sagot ko sa kaniya. Natahimik siya saglit at tumingin din siya sa magandang kalangitan.
"Siguro maganda talaga sa Maynila ano?"
"Hindi rin," mabilis kong sagot.
"Bakit mo naitanong?"
"Kasi, hindi na bumalik ang Mama namin." Natahimik ako. Nakakaawa naman pala sila. Doon nagsimulang magkwento si Patrick tungkol sa kanilang buhay.
Malinaw pa raw sa kaniyang ala-ala noong umalis ito dalawang taon na ang nakakaraan. Ilang buwan lang pagkatapos nitong ipanganak si Nathan ang bunso nilang kapatid ay umalis raw ang kanilang ina, mula noon ay hindi na ito nagparamdam. Ni hindi raw ito nagpadala ng pera ni minsan at wala rin silang naging balita rito, kung kamusta na siya o kung buhay pa ba.
Isa lang ang napansin ko habang nagku-kwento si Patrick, ang kamay niya ay nakayukom isang indikasyon na may galit siya sa kaniyang Ina. Paano ba naman kasi, sa murang edad niya napunta na sa kaniya ang responsibilidad ng isang Ina at Ama. Namatay rin kasi ang Tatay nila nitong nakaraang taon lang dahil sa kalungkutan sa pag-alis ng kaniyang ilaw ng tahanan. Nagkasakit tapos hanggang sa namatay nalang ito.
"Kaya ipinangako ko sa mga kapatid ko na hinding-hindi ko sila iiwanan." ramdam ko ang pagmamahal nito sa kaniyang mga nakakabatang kapatid sa mga salitang sinasabi niya. Masasabi mo na mabuting tao si Patrick.
"Ang dami ko nang nakwento, bakit nga pala kayo nandito?" sabi niya sabay pasimple siyang nagpunas ng mata niya.
"Uhm, gusto ko lang sana na personal na magsorry. Alam ko na nakapa-asshole ng mga nasabi ko kahapon, pagod lang rin kasi ako. Sorry." saka ako nag piece sign sa harapan niya. At ngumiti lang siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Amanda
General FictionAko si Amanda, oo malandi ako at proud ako doon. Hindi ko na mabilang ang mga lalaking dumaan sa buhay ko. May mga tumagal at pero mas marami ang saglit lang. Pang-quicky lang? Mabilisan lang. Pagkatapos nilang labasan, move on na kaagad. Malandi ak...