Chapter 13
Mabilis na lumipas ang isang linggoa at masasabi ko na naka-adjust na ako sa lugar na ito. Marami na rin akong kilala maliban kay Cecil, Patrick at ilan sa mga Pinsan ko.
Kaya noong biyernes ay nagkayayaan ang mga kaibigan ni Cecil na maligo naman kami ng dagat at isama naman raw nila ako, ngayong datating na sabado.
Siyempre tinanong muna ako ni Cecil kung payag raw ba ako na sumama. Sabi ko, okay lang naman sa akin at gusto ko na ring makakita ng dagat muli. Nagtatatalon pa sina Sheena, Alexa at Meng nang pumayag na ako. Hanggang sa lumapit sina Red at mga barkada niya na sina Llyod, Rico at Marlon. Pumagitna si Cecil at bahagyang tinulak si Red at sinabi na hindi pwede. Kaso sabi ni Red gusto rin raw niyang makilala ako, at makakatulong naman raw sila dito. Sila na raw magbibitbit ng mga dadalhin namin. Since, malapit lang raw nag Dalampasigan dito. Pero hindi na ako naniniwala sa malapit nila, alam kong malayo at mahaba-habang lakaran iyon.
"Sure." nanlaki ang mga mata nila nang pumayag ako na sumama su Red at ang mga barkada niya.
"Uhm, Pinsan okay ka lang?" halatang nag-aalala si Cecil sa desisyon ko.
"Mapapagod tayo sa pagbitbit ng mga gamit natin and besides, mukha naman silang mabababait." sabi ko.
…
Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay tinulungan ako ni Cecil na maghugas ng pinggan at napag-usapan nga namin iyong naging desisyon ko kanina.
"Hindi mo pa kilala ng lubusan iyang si Red, tuso iyan. Maitim ang budhi ng lalaki na iyan. Napaka-yabang, kasi feeling niya batas siya kasi nasa gobyreno ang Tatay niya." patuloy lang siya sa pagsasalita habang nagbabanlaw sa mga hinihugasan kong mga plato na pinagkainan namin kanina.
Saka ako natahimik.
"Uy, hindi ko sinabi na mali ang desisyon mo ah? Ang nais ko lang sabihin, mag-iingat ka sa isang iyon. Lalo na bago ka palang dito, at ang ganda mo pa. Basta!" binago nalang ni Cecil ang usapan kasi napansin niya siguro na naiilang na ako.
"Uhm, si Patrick hindi ba siya sasama?" tanong ko.
"Naku! Imposible! Simula nang iwan sila ng Nanay nila at mamatay naman ang Tatay niya, kinailangan na niyang magdouble kayod sa buhay. Kaya nga siya huminto sa pag-aaral. Sayang pa naman nasa honor pa naman siya. Nakakaawa nga e, kaya nga kapag may pagkakataon na tumulong ako, tumutulong ako sa kanila. Minsan, nauubos ang oras ko sa pagbabantay ng mga kapatid niya lalo na iyong maliit na si Nathan? Nako, napaka-kulit pa naman noon. Pagkatapos ng klase, minsan doon na ako dumidiretso inaalagaan sila hanggang sa makarating siya galing sa pamamasada. Bayad ko rin iyong sa paghatid-hatid niya sa akin sa school."
Hindi namin namalayan na tapos na pala kami sa paghuhugas ng mga pinggan atbp. Pagkatapos naming maghugas ay nag-aral muna kami ni Cecil, sinagutan ang aming mga assignment at nang matapos na ay tinanong niya ako kung may facebook ba ako. Sabi ko wala. Twitter? Wala rin. Nagtataka raw siya, para sa isang taga-maynila na katulad ko, bakit raw wala akong social media accounts?
Simple lang ang sagot ko. "Sumasakit ang ulo ko kapag nabababad ako sa mga gadgets." pagsisinungaling ko sa kaniya.
Alam ko na hindi pa nila alam ang katotohanan kung bakit ako lumipat dito. Mabuti na rin iyon kaysa na umabot pa dito ang tsismis tungkol sa akin.
Alas otso na nang gabi pero hindi parin ako kinakapitan ng antok. Dito, mga ala-sais ng hapon tulog na karamihan sa ang mga tao. Tapos alas kwatro ng umaga naman sila nagigising, tapos ang alarm clock nila ang pagtilaok ng manok.
Bumaba ako para uminom ng tubig at lumabas ng pintuan para makalanghap ng sariwang hangin. Hindi ko inaasahan na sobrang lamig na nang oras na iyon. Kaya nanginig ang katawan ko, maya-maya biglang lumapit sa akin si Tita Teresa. Nagising raw siya nang marinig niyang bumukas ang pintuan, humingi ako ng patawad at sinabi ko hindi ako makatulog at nagpapalamig lang ako sa labas.
Tinanong niya ako kung gusto ko raw ba ng Kape ipagtitimpla niya raw ako, kahit nakakahiya ay umoo nalang ako. Saka na siya pumasok sa loob at maya-maya ay huminto ang tricycle ni Patrick sa harapan ng bahay. Nakita niya ako at tinanong kung bakit gising pa ako, tapos lumabas si Tita Teresa bitbit na nito ang kape.
Bumaba si Patrick at nagmano kay Tita Teresa tapos ibinigay nito ang dalawang plastic containers na galing pa noong nakaraang araw. Sinauli niya lang. Pumasok na si Tita Teresa at umupo sa tabi ko si Patrick.
"Kamusta ka naman?" tanong niya sa akin.
"Okay lang, nakapag-adjust na siguro." sagot ko sabay kiskis ng kamay ko sa balikat ko. Naka spaghetti top lang kasi ako noon at pajama at sobrang lamig talaga. Nagulat ako nang tinanggal ni Patrick ang suot niyang jacket at inilagay niya ito sa aking likuran, kahit papaano ay uminit nag pakiramdam ko.
"Salamat." sabi ko sabay ngiti.
"Ginugulo ka ba doon ni Red?" tanong niya sa akin. Umiling ako.
"Hindi naman. He's nice naman sa akin." ngumisi siya. Tila hindi siya kumbinsido sa mga narinig ko.
"Basta, hwag kang magtitiwala sa mga lalaki dito ah?" sabi niya.
"Kahit sa iyo?" napatitig siya sa akin.
"Oo, kahit sa akin." Sagot niya saka na siya tumayo at naglakad palabas ng gate.
"Uhm, may swimming kami nila Cecil bukas kasama sina Red, baka pwede kang sumama?" napatingin siya sa akin at halatang nagulat saka umiling at sinabi na.
"Hindi ako pwede." sabi niya saka niya pinaandar ang tricycle at sinabi niya bago siya umalis na pumasok na ako sa loob at ilock ko raw ang pintuan. Tapos umalis na siya.
Napabuntong hininga ako ng malalim hanggang sa naalala ko na naiwan niya ang jacket niya sa akin. Doon na ako pumasok muli sa loob ng bahay at ni-lock ang pintuan ar umakyat na sa kwarto ko at natulog na.
BINABASA MO ANG
Amanda
General FictionAko si Amanda, oo malandi ako at proud ako doon. Hindi ko na mabilang ang mga lalaking dumaan sa buhay ko. May mga tumagal at pero mas marami ang saglit lang. Pang-quicky lang? Mabilisan lang. Pagkatapos nilang labasan, move on na kaagad. Malandi ak...