Chapter 22

2.9K 23 1
                                    

Chapter 22

Hindi ako makapaniwala na sa dami ng maaaring makakita sa akin at makakilala ay si Samantha pa. Ang mortal na kaaaway ko pa noong highschool.

Niyaya niya ako sa isang coffee shop na malapit sa botika na pinagbilhan ko ng gamot. Actually, siya na rin nagbayad ng bill ko ng oras na iyon.

"Kamusta ka na?" unang tanong niya habang kakaupo palang namin sa coffee shop na iyon. May sigla sa tono ng boses niya at aakalain mo na talagang namiss niya ako ng todo. Akala mo talaga maganda ang pinagsamahan namin.

"Eto, pokpok." sabi ko. Well, sa totoo lang hindi ako nahihiya na ipalandakan ang pagkatao ko. Wala namang masama sa pagiging sex worker. Alam ko na ang sasabihin ng iba na pwede ka namang maghanap ng ibang maganda at disenteng trabaho bakit iyan pa ang pinili mo? E, anong paki niyo? Ito ang gusto ko? Kung gusto ko ng marangyang buhay edi sana bumalik nalang ako sa pamilya ko pero hindi, masaya ako dito. Sa trabaho kong ito, mas naappreciate ko ang buhay. Mas nakilala ko ang iba't-ibang klaseng tao. Mula sa pinaka-mahirap hanggang sa pinaka-mayaman.

"Ikaw talaga, palabiro ka parin?" natatawang sabi ni Samantha hanggang sa dumating na ang inorder niyang kape para sa aming dalawa.

"Thank you," sabi niya nang iserve ng serbedora ang order namin.

"Uhm, hindi ako nagbibiro." giit ko pa. Nawala ang ngiti sa mukha ni Samantha at napalitan ito ng pag-aalala.

"Seryoso?"

"Oo. Hindi ba dati, ang tawag mo sa akin, 'Amanda, Malandi siya!' o bongga, nagkatotoo nga! Lumandi na ako times one hundred." sabi ko sabay tawa pero inaakala ko na tatawa siya pero mas lalong nalungkot ang mukha niya saka niya hinawakan ang kamay ko at sinabi na ipagpe-pray over niya ako ng minutong iyon.

Kaysa sa sirain ko ang trip niya ay sinunod ko nalang siya. Kapwa kami pumikit ng minutong iyon at saka siya nagsalita ng kung ano-ano. In short, pinagdasal niya ako.

Hindi ako makapaniwala na isa na palang pastor ngayon. Tignan mo nga naman oh, ang dating anak ni Santanas ay isa ng alagad ng Diyos? Iba rin talaga maglaro ang kapalaran e, ano?

Gusto niyang magpicture kami kaso hindi ako pumayag kasi ayaw kong malaman ng ibang tao na buhay pa ako at nirerespeto naman raw ni Samantha at hiling niya lang sana matanggap ko na raw ang kaliwanagan sa isip ko at tanggapin ang aking pagkakamali at ilaan ang puso ko sa May kapal.

Amen nalang ba ang kulang?

Hindi makapaniwala at Tawang-tawa si Camille ng ikwento ko ito sa kaniya. Maski si Mark, natatawa rin sa mga nasabi ko habang kumakain kami ng hapunan.

Nagluto kasi ako ng adobong manok ng oras na iyon pagkadating ko sa boarding house. Maya-maya ay dumating na sina Camille at Mark at nakahanda na ang niluto ko.

"Nakakaloka talagang pinagpray-over ka? Girl, sign na iyan para bumalik ka na sa liwanag!" sabi ni Camille na sinangayunan naman ni Mark.

"Oo nga Amanda! Malay mo, doon mo makakamtan ang tunay na kaligayahan." pinagbabato ko sila ng potholder at nagsisimangutan silang dalawa sa harap ko.

Si Camille.

Limang taon palang kaming magkasama, tumakas kasi siya sa bahay ampunan at naging palaboy kinupkop ko nang minsan ko siyang nakitang kumakain ng basura sa may Ermita. Dinala ko sa boarding House at inayusan. Hanggang sa nalaman niya ang klase ng trabaho na mayroon ako.

Hindi ko siya kinunsinti. Sa totoo nga lang sabi ko ayaw ko na matulad siya sa akin. Maghanap nalang siya ng ibang trabaho maliban sa pagiging babaeng bayaran pero mailap sa kaniya ang swerte. Hindi naman kumpleto ang mga requirements niya kasi wala naman siyang mga dokumento kaya isang gabi umuwi siya ng halos alas onse na at tila pagod na pagod. At inabutan ako ng dalawang libo.

Doon ko nalaman na nagpagalaw si Camille. At hindi ko na siya napigilan pa at ngayon mas mabenta na siya kaysa sa akin.

Kung hindi tsekwa, mga afam ang nahaharbat niya o naiuuwi. Winner ang ate niyo!

Samantala, si Mark. Fifteen years old lang siya ng mapunta siya sa poder namin. Siya ang regular na kumukuha mg basura namin, at nang minsan na nakakwentuhan ko siya doon ko nalaman na minamaltrato siya ng kaniyang stepmother. Namatay na raw kasi ang kaniyang tatay dalawang taon na ang nakakalipas at simula noon, di na siya pinag-aral ng kaniyang stepmother at pinagtrabaho na siya para mabuhay ang pamilya nila kaso kapag wala o kulang ang naiuuwi niyang pera bugbog sarado ang abot niya.

Isang gabi nakita ko siyang nakatambay sa harapan ng bahay na inuupahan ko at ang daming sugat sa mukha at katawan. Dinala ko siya sa ospital at nang araw na rin na iyon kinopkop ko na siya. Malaki rin naman ang naitutulong ni Mark sa akin kasi siya ang naglalaba ar naglilinis ng bahay. Minsan nagluluto rin siya, maaasahan si Mark kaso gusto na rin raw niyang kumita at isang araw umuwi siya na may ngiti sa kaniyang labi at inabutan niya ako ng one thousand. Kita raw niya sa pagpapachupa sa isang bading. Nalungkot ako, at niyakap ko siya ng husto. Nagalit din ako kasi alam ko na may kasalanan din ako. Marahil nakikita niya sa akin, sa klase ng buhay ko kaya nagaya siya. Pero sabi niya, choice niya raw iyon at wala raw akong kasalanan.

Infairness naman kay Mark tinupad niya ang pangarap ko sa kaniya. Ang makapagtapos ng pag-aaral. Next month gagraduate na siya bilang isang Computer Engineer.

"Uy, gagraduate ka na next month ah? Anong gusto mong regalo?" tanong ko sa kaniya ng minutong iyon.

"Uhm, dalhin mo ako sa Mansion ninyo." sabi niya saka ako napatingin kay Camille. Kaso, ang gaga umiwas naman. Alam ko na matagal na nilang nais na makita nag dati kong buhay at siguro sawa na rin sila sa ganitong klaseng buhay.

Bumuntong hininga ako ng malalim at saka ko sinabi na pumapayag ako.

At biglang tumayo si Mark at niyakap ako ng mahigpit, ganoon din si Camille na isa sa pinaka-masaya.

AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon