Chapter 15

4.3K 25 1
                                    

Chapter 15

Sumapit na ang ala-sais at inilabas ni Marlon ang isang bote ng alak. Excited na uminom sina Sheena at Alexa habang ayaw naman ni Meng kasi mapapagalitan raw siya. Kaya di na pinilit nila Marlon. Habang si Cecil ay ayaw rin kaya sa akin napunta ang baso. Tumingin sa akin si Cecil pero huli na, nainom ko na ang alak.

Nakailang lagok pa ako ng alak at tila tinatamaan na ako.

Hanggang sa naalala ko na iyong huling beses ako na uminom ng alak. It turns out na ginahasa ako ng tatlong lalake. At kaya ako napadpad sa lugar na ito. Tapos tinutulak-tulak na ako ni Cecil. Naririnig ko siya pero di malinaw ang mga salita niya sa tainga ko.

Pero isang boses lang ang tanging nagpagising sa diwa ko ng oras na iyon, si Patrick.

"Cecil, ilagay mo na sa tricycle iyong mga gamit niyo at ako nang bahala dito kay Amanda." rinig na rinig ang malinaw sa pandinig ko ang boses ni Patrick ng oras na iyon.

Kahit na nahihilo na ako, alam ko na binuhat niya ako. Narinig ko pang nagtalo sila ni Red dahil kaya naman raw niyang buhatin ako pero mabuti nalang sumingit si Meng at sinabi na pabayaan nalang nito si Patrick at mauuna na raw silang umuwi. Hanggang sa nakasakay na kami sa loob ng tricycle ni Patrick. Medyo nahihilo pa talaga ako kaya maging sa pag-akyat sa kwarto sa itaas ay inalalayan pa niya ako hanggang sa kapwa kaming dalawa na mapahiga sa kama at muntikan nang magdikit ang labi naming dalawa, kaso kaagad siyang umiwas nang marinig niyang may papalapit at tinabunan niya ang katawan ko ng kumot at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.

Narinig kong nag-usap sina Patrick at Cecil saka pumasok ang pinsan ko sa kwarto ko at pilit akong ginigising. Nang tumayo ako ay pinainom niya ako ng gamot at saka tubig tapos muling pinahiga at kinumutan. Saka na ako tuluyan nang nakatulog.

Alas onse na nang tanghali nang magising ako kinabukasan. Masakit ang ulo ko pero di katulad noong pumunta ako sa birthday ni Chance.

Linggo ngayon at araw ng simba. Namiss ko ang simba ngayong araw. Though, hindi naman talaga ako Church person. Oo, nagdadasal ako pero more of personal prayers. Alam ko nagdodonate ang Papa ko sa mga churches at ganoon din sa ibang less fortunate lalo na kapag pasko.

Bumaba ako para maghilamos at uminom ng tubig. Nakita ko si Nonoy, iyong kapatid na lalaki ni Cecil. Tinanong ko siya kung nasaan sila Tita Teresa sabi niya nasa kabilang bayan, pagkatapos raw nilang magsimba ay pumunta sila sa kabilang bayan para mamili ng mga kakailangan nila.

Sinabi rin ni Nonoy na may nakahanda na raw na ulam. Tocino, itlog at fried rice. Kaya kumain na ako, niyaya ko si Nonoy pero busy siya sa panonood ng tv habang kumakain ng stick-o. After kong kumain ay hinugasan ko na rin ang pinakainan ko. Tapos nagtoothbrush at lumabas para lumanghap ng simoy ng hangin hanggang sa may isang matanda ang nakatingin sa akin sa malayo. Tapos nang mapansin niya na nakatingin ako sa kaniya ay bigla siyang nawala. Nagkibit balikat lang ako ng oras na iyon kasi narinig ko si Patrick na tinatawag ako.

"Sinong tinititigan mo diyan?" tanong niya sa akin.

"May matanda kasi doon sa harapan." sabi ko.

"Ah, si Lola Lolita iyon. Lola mo iyon." sabi pa niya sa akin.

"Pwede mo ba akong samahan doon?"

"Kanila, Lola Loleng? E, ayaw ko nga!" ramdam ko ang takot niya ng oras na iyon.

"Bakit naman?"

"Namamato kasi iyang si Lola Loleng."

"Ah?" naguguluhang sabi ko.

Hanggang sa nagkwento siya. Wala na raw ibang nakakapunta doon kundi si Tita Teresa lang. Maski ang ibang mga kapatid nila di makapunta doon dahil nagwawala nga si Lola Lolita. Sabi-sabi nila nagsimula raw ito noong nawala ang kabiyak niyang si Lolo Ambrosio. Dahil sa sakit sa puso kaya simula noon, wala na raw nagnanais na pumunta doon dahil namamato raw siya kapag napapalapit doon.

"Siguro naman di niya ako babatuhin kasi apo niya ako."

Biglang natawa si Patrick.

"Si Cecil, dinala pa sa ospital dahil sa malaking sugat na natamo niya sa ulo niya nang batuhin siya ni Lola Loleng nang minsan na nagdare sila Sheena at natalo si Cecil ayun, sabog ang ulo." sabay tawang muli.

Maya-maya ay dumating na sila Tita Teresa at Cecil nagmano naman kaagad si Patrick at ganoon din ako. Tinanong ako ni Tita Teresa kung masakit pa ba ang ulo ko. Umiling ako. Tapos tinanong naman ni Cecil kung kumain na ako, sabi ko tapos na.

"Oh, anong ginagawa mo dito manliligaw ka?" tanong ni Cecil kay Patrick nahiya tuloy si Patrick sa sinabi ni Cecil at namula ang mukha niya.

"Taray, namumula pa pala ang mukha mong negro ka!" sabay kinotongan ni Patrick si Cecil at nagkasakitan na silang dalawa.

"Tignan mo ang balat sa ulo niya, ang laki diba?" pinakita pa ni Patrick ang marka ng sugat sa ulo ni Cecil.

"Gago ka talaga!" inis na sabi ni Cecil saka niya binigwasan si Patrick at napangiwi naman ito.

"Pinakita ko lang kasi gusto raw makita ni Amanda ang Lola ninyo." impit na sabi pa ni Patrick ng minutong iyon.

"Pinsan, hwag mo nang subukan pa. Sayang ang ganda mo." sabi ni Cecil saka siya pumasok habang muli ko na naman siyang nakita tapos nagtago siya sa likod ng puno ng saging at muli na naman siyang nawala.

AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon