Chapter 26

2.6K 21 1
                                    

Chapter 26

Nalaman na rin nila Tita Teresa na buhay pa ako. Siyempre, kinuwento ni Mama na nakauwi na raw ako sa Mansion. Sabi din pala ni Mama na noong araw na umalis ako sa palawan, sobra raw ang pag-aalala ni Tita Teresa tapos ilang araw lang raw ang lumipas, pumanaw na raw si Lola Lolita. Inatake raw ng malaman na nawawala ako.

Hindi ko tuloy maiwasan na isipin na kasalanan ko kung bakit namatay si Lola Lolita. Nagkasakit rin raw si Tita Teresa sa puso at inoperahan raw ito.

Akala ko, sa paglisan ko ng araw na iyon ay muling gagaan ang sitwasyon nila. Hindi ko naisip na ganoon pala ako kaimportante sa kanila. Hindi ko tuloy naiwasang hindi malungkot.

Sa cellphone, nakausap ko si Cecil. Nasa Canada na ito nakabase, at doon na rin nakapangasawa at may isa na siyang anak na lalake. Via video call kami nag-usap dalwa.

Galit raw siya sa akin, pero nang nabalitaan nga raw niya kay Tita Teresa na buhay pa ako, nawala na raw lahat ng galit niya sa akin. Humingi ako ng tawad sa mga nangyari. Sinabi niya, wala na rin naman raw magagawa nag sorry ko. Hindi ko na rin naman raw maibabalik pa ang buhay ni Lola Lolita. Pero, naging thankful na rin siya sa mga nangyari at nagawa na mag-move on kaysa umasa sa wala. Parati raw na nagdarasal si Tita Teresa na sana okay lang ako. Na sana, palagi akong malusog at hindi magkasakit.

Natahimik ako ng minutong iyon. Hindi ko lubos maisip na may mga tao pala na nag-aalala sa akin. Akala ko pagkalipas ng ilang buwan ay nakalimutan na nila ako, pero hindi pala.

Kinamusta ko si Patrick. Kung kamusta na ba siya, kung nakapagtapos ba siya o ano?

Pagkatapos ko raw mawala. Hinanap raw ako ni Patrick. Iniwan muna raw ni Patrick ang mga kapatid niya kanila Tita Teresa para hanapin ako. Inikot niya ang buong palawan para mahanap ako. Maging sa ibang kalapit na bayan, pinuntahan niya. Halos anim na buwan siyang nawala at nang bumalik siya isang salita lang raw ang sinabi niya. "Pagod na siya." napagod na raw siyang hanapin ako.

Simula noong nagbago na ang ugali ni Patrick. Nag-aral siyang muli at nakapagtapos ng highschool, tapos pinagsabay niya ang pagtatrabaho at pag-aaral para may maipadala sa mga kapatid niya sa probinsiya.

Pumunta kasi ng maynila si Patrick. Naalala ko noong sinabi niya dati na ayaw niyang pumunta sa lugar na iyon kasi naalala niya lang ang Ina niya.

Habang nasa maynila rin raw ay hinanap niya ang kanilang Ina, tapos nakita niya ito. May bago nang pamilya, hindi raw niya nilapitan kasi natakot raw siya. Na baka masira ang masayang bagong pamilya nito.

Nagpursige siya at nakatapos ng pag-aaral bilang isang arkitekto at ngayon ay nasa Dubai na nagtatrabaho.

Natutuwa naman ako na ang layo-layo na nang narating niya sa buhay niya.

"May asawa na ba siya?" tanong ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko naitanong iyon kay Cecil. Wala lang, curious lang ako baka may asawa na siya.

"Hay naku, hanggang ngayon torpe parin iyon si Negro. Ewan ko ba doon kung bakit ayaw pa niyang mag-asawa e, okay na rin naman ang buhay niya."

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko ng minutong iyon. Parang na excite ako na ewan. Nang marinig ko kay Cecil na wala pang asawa si Patrick. Bigla akong napangiti.

"So, kailan naman kaya siya uuwi?" tanong ko ulit kay Cecil.

Saglit siyang nag-isip bago muling sumagot.

"Ngayon. Ngayon ang uwi nga sa Dubai." sabi nito.

Hindi ko alam kung bakit napangiti ako ng oras na iyon. Siguro, chance ko na rin ito para makausap siya at makahingi ng tawad sa mga nangyari? Para na rin maka-move on na kami sa buhay namin?

AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon