Chapter 28
Kung maaga lang raw na nalaman ang tungkol sa sakit ko ay maagapan pa sana na kumalat ang virus sa ibang parte ng katwan ko. Sa ngayon, maaari na raw akong mawalan ng paningin at ramdam ko na ito noong isang araw na bigla nalang wala akong makita habang minulat ko ang mga mata ko nang pinagdarasal ako ni Patrick ng oras na iyon. Natakot ako. Sobra akong natakot. Akala ko sanay na ako sa dilim dahil sa mga karansan ko sa buhay pero nang oras na iyon. Natakot talaga ako. Pakiramdam ko ay hindi pa ako handa. Hindi pa ako handa na iwan ang mga taong ito. Lalong-lalo na si Mark. Rinig na rinig ko ang pag-iyak niya nang nagwawala na ako ng oras na iyon dahil sa wala nga akong makita tapos narinig ko rin na pinalabas muna ito ni Camille. Hanggang sa may kung anong tinurok sila sa katawan ko para lang kumalma ako at nang muli kong imulat ang mga mata ko, may na aninag na ulit ako. Inexplain ni Manolo na bumababa na raw ang immune system ko dahil sa sinisira raw ng Virus ang immune system ko. It may cause to totally blindness kung hindi maaagapan ang gamutan.
Kaya nang oras na iyon ay pumayag na ako na magpachemotheraphy.
During treatment, hindi nawala sa tabi ko ang mga taong mahalaga sa akin. They even celebrate my birthday sa loob ng hospital room at first time kong makita na magkakasama silang lahat. Nandoon si May, si Doc. Manolo kasama ang kaniyang mga anak. Si Mama, dumating din. Sina Mark at Camille, at siyempre si Patrick na simula't simula ay hindi ako iniwan.
Masaya na makita sila na magkakasama. Hindi ko tuloy naiwasang hindi maiyak ng oras na sinasabi nila iyong mga wishes nila para sa akin. Siyempre, karamihan sa mga panalangin nila ay iyong gumaling na ako sa sakit ko. Na bumalik na muli iyong sigla ko. Na maging okay na ang lahat pero hindi nagpatalo si Patrick. Nang oras na para siya naman ang magbigay ng wish para sa akin, bigla siyang lumuhod at inilabas mula sa bulsa niya ang isang Diamond Ring at winish niya na sagutin ko raw siya at makasama habang buhay. Hindi ko na napigilang maiyak ng oras na iyon kahit kanina pa ako iyak nang iyak dahil sa mga pinagsasabi nila. Lahat sila ay nakatingin sa akin, Nagvivideo si Mark habang tumango-tango naman si May na tila excited sa sasabihin ko tapos lumingon ako kay Mama at nakangiti lang siya habang tinutungo ang ulo nito. Saka ako tumingin sa lalaking nais akong makasama habang buhay.
"Amanda Dela Fuente, be my wife forever." Sabi ni Patrick sa akin and I said yes at nagtalunan at nagsigawan silang lahat sa loob ng kwarto. Everyone was so happy and I can see it through their eyes. Tumayo si Patrick and he kissed my lips and hugged me tight, tapos pinasuot niya sa akin iyong sing-sing at muli niya akong niyakap ng mahigpit.
"I will love you, until my last breath." Bulong pa niya sa akin, then he kissed my lips again.
During the party nagkaroon kami ng mapusong pag-uusap ni May and she asked me ano raw ang nararamdaman ko sa oras na ito. To my surprised, ramdam ko ang takot. Nang sagutin ko ang tanong niya at sabihin kong "oo" takot ang naramdaman ko at hindi saya.
"Amanda..." she tries to lower her tone of voice para hindi kami marinig ng ibang tao sa loob ng kwarto na iyon.
"Pero, mahal mo naman si Patrick hindi ba?" she asked me again.
"Iyong pagmamahal ko sa kaniya, there's nothing to be question with that. Pero, paano nalang?" napahinto ako at bigla nalang tumulo ang luha sa mga mata ko tapos biglang lumapit si Patrick at inabutan ako ng pagkain and he asked me kung bakit naiiyak raw ako. Si May ang sumagot sa kaniya.
"She was so happy to marry the perfect guy he always dreamt of." Sagot pa niya tapos tumayo na siya sa higaan ko at lumapit doon sa ibang bisita. Pumalit naman si Patrick sa pwesto ni May kanina at sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Amanda, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya nang isagot mo ay oo. Akala ko kasi you'll going to said no." pabulong pa niyang sabi. Tapos pinunasan ko ang luha mga pisngi ko.
"Pero nang sumagot ka na? All of my sorrow went away. Ikaw talaga ang binigay ng Diyos para sa akin." Dagdag pa niya.
Ayaw kong sirain ang masayang araw na iyon para kay Patrick. Ayaw kong sirain iyong masayang ngiti sa labi niya, maging sa mga mata niya at lalo na ang mga masasayang tao nasa paligid naming ng oras na iyon. Pero sa loob-loob ko, natatakot ako. Natatakot ako na matapos ang kasiyahan na ito. Na gigising na naman ako isang araw at puro takot ang namumutawi sa katawan ko.
...
"90 percent ng pasyenteng may HIV dito sa pilipinas ay kaya pang gamutin ng Anti-Retroviral Drugs." Ito ang sabi sa akin ni Manolo habang kinakausap niya ako tungkol sa mga gamut na iinumin ko regularly, para malabanan iyong sakit ko.
"Nanganganak at nagbabago nang anyo ang HIV, kung isang drug lang ang gagamitin natin nagiging resistant ang virus after one month. Kapag two drugs naman, nagiging resistant after 6months pero kapag three drugs, okay siya. Kaso kapag hininto mo naman siya ay magiging resistant siya ulit." Dagdag pa niya.
Natanong ko rin sa kaniya na bakit ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Sinagot niya na ang HIV raw ay hindi mo makikita ang sintomas agad-agad. Usually, it takes eight to ten years to develop iyong full blown aids. Lalo na kung active ang sexual encounter mo for the last 10 years, you should go the nearest testing center at magpatest ka na. Sa kaso ko, iba't-ibang lalaki na kasi ang dumaan sa buhay at katawan ko. Hindi ko na nga mabilang kung ilan sila. Kailangan ko kasing mabuhay at wala akong ibang maisip ng mga panahon na iyon kundi ang gamitin ang katawan ko para kumita. I was so blinded sa possibilities na magkaroon ng sakit kasi pakiramdam ko safe naman ako, hindi nga ako nabubuntis kaso hindi ko na kasi naassest kung safe ba ang mga nakasiping ko. So, kung positive ako, marahil iyong mga nakasiping ko ay positive na rin at maaari na kapag nakipag-sex sila sa ibang babae o lalaki ay makuha rin nila iyong sakit na nakuha ko. Isa rin pala ako sa mga dapat sisihin sa dumadami ng kaso ng HIV sa bansa?
Nalungkot naman ako bigla.
BINABASA MO ANG
Amanda
General FictionAko si Amanda, oo malandi ako at proud ako doon. Hindi ko na mabilang ang mga lalaking dumaan sa buhay ko. May mga tumagal at pero mas marami ang saglit lang. Pang-quicky lang? Mabilisan lang. Pagkatapos nilang labasan, move on na kaagad. Malandi ak...