Chapter 12

5.9K 27 1
                                    

Chapter 12

Naasikaso na ni Tita Teresa ang mga requirements ko kahapon kaya maaari na raw akong pumasok ngayon. Malaki ang adjustment ko panigurado kasi first time kong makakapasok sa isang pampublikong paaralan. Simula kasi nag-aral kasi ako, private school na ako napasok. May aircon, may computer at advance lahat. Pero dito, parang back to basic lahat.

Ang mga estudyante ay naglalakad lang papasok, siyempre ganoon din pag-uwi. Malapit kasi at walking distance lang ang mga bahay dito sa eskwelahan kaya hindi na sila sumasakay pa pauwi. Pero iba si Cecil, palagi raw siyang hinahatid sundo ni Patrick at sinasabay na nito ang pangalawang kapatid na si Andrea.

Tumunog na ang busina at tumayo na si Cecil saka niya ako hinila at kinuha ang isang plastic na umagahan namin kanina ibibigay raw niya ito kay Patrick. Tapos lumabas na kami binati ni Andrea si Ate Cecil niya pero ako tinignan niya lang at bumati ako kay Patrick pero hindi siya kumibo at sumakay na kami. Si Andrea at Cecil sa loob kasi ayaw raw ni Andrea sa likod ng Kuya niya. Nagdadalawang isip pa ako kasi parang natrauma na ako noong huling beses akong sumakay doon.

"May seatbelt ka ba?" tanong ko saka tumawa ng malakas sina Cecil at Andrea.

"Sumakay ka na, baka malate pa kayo sa unang araw mo dito." kinuha niya ang kamay ko sinabi niya na yakapin ko nalang raw siya pero sabi ko hindi na. Ayaw ko kasi baka kung anong isipin nila pero hindi pa man kami nakakalayo ay napayakap na ako. Paano ba naman kami ang pangit ng daan dito hindi pa maayos at malayo pa ang patag. Sana pala naglakad nalang kami, kaso hassle din maglakad pawisan ka na pagdating mo doon.

After 7mins ay nakarating na kami. Usually kapag nilalakad raw ito it takes, 10mins nakasave kami ng 3mins malaking tulong na iyon lalo na kapag late ka.

San Isidro Highschool.

Almost 300 students lang ang mayroon dito according kay Cecil. Magkaklase kami ni Cecil at sinigurado ito ni Tita Teresa. Pagbaba namin ng tricycle ni Patrick nakatingin sa amin ang mga estudyante. Well, inaasahan ko na ito, bukod kasi sa maliit lang ang kumunidad dito. Isang bagong tsismis lang kalat na sa buong nayon.

"Ganda ng chicks mo, Pat ah." sabi ng isang lalaki kay Pat parang kasing edad din ni Patrick ito pakiramdam ko mga senior na.

"Hoy, Red tigilan mo na nga iyang si Patrick. Kung nakapag-aral lang iyan, baka natapos na niya ang grade eight. Ikaw, pang-ilang taon mo na ba diyan?" sumama ang mukha ni Red sa sinabi ni Cecil sa kaniya.

"Ang dila mo talaga Cecil!" sabi nito saka siya nagwalk-out. Saka inabot na ni Cecil ang pagkain na tinabi niya kanina kay Patrick at nagpasalamat ito.

Pumasok na kami at pumila kasi magsisimula na ang flag ceremony. After few minutes ay hinila na ako ni Cecil sa magiging room namin. Sa first floor lang kami. Bale, may tatlong building ang San Isidro Highschool. Ang main building ay para sa mga Grade Seven upto Grade Eigh, makikita ang principal's office at SSG office. Iyong isa naman ay Grade Nine and Ten nakung saan makikita ang canteen at computer room tapos iyong isa ay Grade Eleven to Twelve at nandoon rin nag library at Guidance office.

Room 102 Section Ilang-ilang. Nakita kong muli si Red na ang sama ng tingin kay Cecil. Base sa kwento ni Cecil kanina, ilang beses ng pabalik-balik sa Grade eight si Red at hindi ito makapasa-pasa. Kilala kasi siyang pasaway at basag ulo dito sa kanilang paaralan. Hindi lang siya matanggal tanggal kasi nasa gobyreno ang kaniyang Ama na isang Konsehal.

Sinalubong naman ako ng mga bagong kaklase ko at infairness unlike doon sa dati kong eskwelahan sa unang araw palang ay nagkaroon na ako ng mga kaibigan. So far, kaibigan ang turing nila sa akin.

Alas kwarto ng hapon natapos ang aming klase. Nagpaalam na kami sa isa't isa. First time ko rin na maglinis ng classroom. Sa dati ko kasing eskwelahan, may taga-linis kami pero dito obligado kami na maglinis. Ang problema lang hindi ako marunong maglinis kaya sila nagtatawanan pero iyong tawa na hindi nakakainsulto? Iyong tawa na parang naku-kyutan sila sa akin. Syempre tinulungan ako ni Cecil para matapos kami ng maaga at nang makatapos na kami sa aming gawain ay lumabas na kami at inaantay kami muli ni Patrick.

"Kamusta ang unang araw mo?" ngayon lang tumawag si Mama pagkalipas ng dalawang araw nang makarating ako dito.

"Okay naman po. Mababait naman sila sa akin. Si Tita Teresa todo alaga sa akin, at tinuturuan po nila ako dito sa gawaing bahay. Nakakapagod pero exciting po, kayo Ma?"

"Okay naman ako dito, hwag mo akong alalahanin." sabi niya sa akin.

"Hindi ko pa pala nakakausap si Lola, sabi po kasi ni Tita Teresa ayaw po niya akong makita."

"Galit parin si Mama. Pero, pabayaan mo na. Matatanggap ka rin niyan lalo na kapag nakita ka ang kagandahan mo."

"Sige, Ma! Bolahin mo pa ako. Si Papa?"

"Kahapon nandito, hanggang ngayon di pa nauwi. Alam mo naman iyon, busy sa trabaho."

"Baka busy sa ibang babae niya."

"Anak, naman. Napag-usapan na natin ito hindi ba?"

"Ma, ginawa ko na ang gusto mo. Baka naman po, oras na para gawin niyo naman iyong pabor ko." narinig kong bumuntong hininga si Mama ng malalim.

"Alam mo naman na hindi papayag ang Papa mo. Kapag ginawa ko iyon, mawawala lahat ng mayroon tayo, anak." giit pa niya.

"Ma, ano naman pong kwenta ng yaman na mayroon tayo kung hindi naman po tayo masaya? Ngayon ko po naiintindihan ang lahat na hindi maibibigay ng kayamanan ang kaligayan na ninanais mo."

"Dami mo nang alam. Sige na magpahinga ka na."

"I miss you, Ma! Wish you were here." pero binaba na niya ang tawag niya sa akin at humiga na ako ng oras na iyon, hanggang sa tumulo ang luha sa gilid ng mga mata ko.

AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon