Chapter 20
Nabalitaan ni Andrea ang tsimis tungkol sa akin kaya ng magkita kami sa eskwelahan ay hinila niya ako at dinala sa likurang bahagi ng court at doon niya ako kinausap.
"Layuan mo ang Kuya ko." sabi niya sa akin habang nanlalaki ang mga mata.
"Andrea, wala akong ginagawang masama." giit ko pa.
"Ayun na nga e. Wala ka pang ginagawang masama. Ayaw ko na may gawin ka pang masama kaya kung ako sa iyo, tigilan mo na ang Kuya ko. May pangarap siya sa buhay, malaki pa ang responsibilidad na nakapatong sa kaniya. Hindi naman lingid sa kaalaman mo na wala na kaming mga magulang?"
"Kung mayroon ka pang awa na natitira, gamitin mo na. Baka sakaling respetuhin pa kita." sabi niya saka niya ako tinalikuran at iniwang tulala ng minutong iyon.
Nakasalubong ko rin pag-alis ko noon si Red pero hindi niya ako pinansin. Dinaanan niya lang ako at dumiretso siya sa loob ng covered court. Ilang araw na ring di siya pumapasok ngayon ko nalang ulit siya nakita pagkatapos naming maghiwalay.
Akala ko magiging madali na ang buhay ko ay sitwasyon ko kapag nagkahiwalay kami pero mas lalo atang naging malala pa?
Maski sina Alexa, Meng at Sheena ay umiiwas na rin sa akin. Maging kay Cecil, kasi ayaw na raw ng mga magulang nila na nakikitang magkakasama kami, baka raw mahawa raw sila sa pagiging malandi ko.
At nalungkot ako ng narinig ko ito, maging si Cecil nalungkot rin pero sabi ko okay lang. Hindi naman nila kasalanan at choice naman nila iyon, kailangan ko lang siguro respetuhin.
Kumalat na rin hanggang sa lugar namin ang tsimis. Nakarating na rin ito kay Tita Teresa na noong una ay inililihim pa naming dalawa ni Cecil.
Tapos ng minsan na sumama kami kay Tita na mamalengke at bumaba kami sa tricycle ay may mga babae o ale. Mga kapitbahay namin ang nagkukumpulan sa may tindahan sa kabilang bahay namin at nakatingin sila sa amin.
Hindi na napigilan ni Tita ang sarili at sinugod niya ito. Nakipagsambunutan siya doon sa babaeng nagsabing, lahi raw kami ng malalandi.
Kesyo, kaya umalis ang Mama ko dito dahil sa sawa na raw siya sa mga kalalakihan dito. Lahat raw ng mga lalaki dito natikman na niya. Doon nagwala si Tita Teresa at umabot pa sila hanggang sa barangay na kalaunan ay nagkaayos din kasi humingi rin naman ng tawad iyong ale kasi kung hindi, makukulong siya sa nagawa niya.
Tahimik kaming tatlo habang nasa hapagkainan hanggang sa nagsalita na si Tita Teresa at sinabi na kumain na raw kami, hwag na raw naming pansinin iyong mga naririnig namin. Sa totoo lang, sanay na ako sa ganito pero iba pala nag pakiramdam kapag may mga taong sobrang nag-aalala sa iyo. Akala ko, malakas na ako. Matapang na ako pero hindi pa pala. Naiyak ako ng oras na iyon at napansin ito ni Tita Teresa. Napatayo siya sa kaniyang inuupuan at niyakap niya ako ng mahigpit. Siya pa itong humingi ng patawad sa akin kasi di raw niya ako na bantayan ng maayos. Umiyak na rin si Cecil na nasa tabi namin.
Mag-aala siyete na at hindi parin ako kinakapitan ng antok. Umakyat na si Nonoy dahil inantok na siya nh oras na iyon. Tapos na rin kasi ang palabas na pinapanood niya cable at kaapg lumagpas pa siya roon ay mapapagalitan na siya ni Tita Teresa.
Lumabas ako at umupo sa may tambayan namin nila Cecil hanggang sa nakita ko si Lola Lolita na nagtapon ng basura ng ganoong oras. Nagkatitigan kami at naglakas loob ako na lapitan siya.
Nang nakalapit na ako nakaramdam ako ng takot at naalala ko ang mga sinabi ni Patrick sa akin tungkol sa ugali ni Lola pero binalewala ko ito. At bigla kong niyakap si Lola Lolita at umiyak sa bisig niya. Hanggang sa narinig ko siyang nagsalita, "Huwag mo ng isipin ang sasabihin ng mga tao. Hanapin mo ang kaligayahan mo, Apo." sabi niya saka siya kumalas sa yakap ko at naglakad nang muli sa palayo sa akin ng minutong iyon. Pabalik sa loob ng bahay niya.
Ilang araw ko nang pinag-iisipan ito. Ilang araw ko nang inisip kung kakayanin ko ba.
Napansin ni Cecil na tahimik ako, sinabi niya na baka raw iniisip ko parin iyong mga nangyari sa akin noong mga nakaraang linggo. Umiling ako at muli kong hinawakan nag librong binabasa ko kanina tapos lumabas na siya sa kwarto ko at napatingin ako sa backpack ko.
Huminga muna ako ng malalim bago ko hinawakan iyong bag ko at saka isinilid ang ilan sa mga damit ko at nang sumapit ang dilim ay doon na ako lumabas ng bahay at hindi na muling lumingon doon.
Nagpara ako ng tricycle na dumaan sa may waiting shed di kalayuan sa bahay nila Tita Teresa at sumakay na ako dito. Sinabi ko doon sa driver na ibaba ako sa may sakayan ng bus at lumipas ang halos dalawang oras at nakarating na rin ako sa may sakayan ng bus tapos nagbayad na ako sa kaniya at saka ko na kinuha ang gamit ko.
Kaso, kaalis lang raw ng bus at susunod na biyahe ay alas kwatro pa ng madaling araw. Matiyaga akong nag-antay hanggang sa kinapitan na ako ng antok, pero nilabanan ko ito. May ilan rin naman akong mga kasama na matiyagang nag-aantayan. Sumapit ang alas dose at natanggap na ako ng mga tawag mula kanila Tita Teresa, maging kanila Cecil, Red at Patrick pero pinatay ko ang cellphone ko. Saka ako napakagat labi, at nataranta na. Kailangan ko ng makaalis dito sa lalong madaling panahon.
Hanggang sa may isang lalake ang naghahanap pa ng isang pasahero na bibiyahe pa San Vicente kaagad akong nagtaas ng kamay. Kahit na hindi ako pamilyar sa lugar na iyon ay sumakay parin ako.
Nang nakasakay na ako, kahit papaano ay nawala na ang bigat na dala dala ko sa dibdib ko ng oras na iyon.
BINABASA MO ANG
Amanda
General FictionAko si Amanda, oo malandi ako at proud ako doon. Hindi ko na mabilang ang mga lalaking dumaan sa buhay ko. May mga tumagal at pero mas marami ang saglit lang. Pang-quicky lang? Mabilisan lang. Pagkatapos nilang labasan, move on na kaagad. Malandi ak...