Chapter 25

3.1K 24 3
                                    

Chapter 25

Sa labas palang ng kwarto ko, rinig na rinig ko na nag boses ni May. Kaya noong sumilip ako sa may grand staircase at tumingala siya, kitang-kita ko kaagad na napaiyak siya at dali-dali siyang tumakbo paakyat sa ikalawang palapag. Kesehodang magkandapa-dapa na siya, hindi niya ininda iyon at nang muli kaming magkaharap pagkalipas ng halos mahabang panahon.

Isang mahigpit na yakap at malalang iyak ang ibinigay ni May sa akin ng oras na iyon. Napalabas tuloy sa mga kwarto nila sina Camille at Mark nang marinig ang umiiyak na si May. Ginulo-gulo ni Camille ang buhok ni Mark at nairita naman ang bata sa kaniya saka niya ito hinila papasok sa kwarto at pinabayaan kaming dalawa ni May sa hallway ng minutong iyon.

Tinapik ko ang balikat ni May at maya-maya ay kumalas na siya at pinagmasdan ko ang mukha niyang umiiyak parin ng minutong iyon. Pinunasan ko gamit ang kamay ko ang luha sa mata niya. Luha ng pagkamiss.

"Sorry." ang unang salitang lumabas sa bibig ni May ng minutong iyon. Sa totoo lang, hindi naman ako nagbitbit ng sama ng loob o nagtanim ng sama ng loob kay May magmula pa noong sumabog ang issue tungkol sa akin. Alam ko kasi na pakana nila Samantha ang mga nangyari. Pakana nila na ipagalaw ako sa mga lalakeng iyon, pero tapos na iyon. Nakamove-on na ako. At hindi ko nga inaasahan na magkikita pa kaming muli.

"Sorry." muli niyang sabi.

Hindi pa man siya humihingi ng patawad, kahit noon ay pinatawad ko na kaagad siya. Siya ang unang tao na tumanggap sa kung sino man ako. May hindi nga lang kami pinagkasunduan o pinagkaintindihan pero tapos na iyon. Ang maganda, okay na kami ngayon.

"Isang sorry pa sasampalin na kita." muli kong ipinakita ang dati kong pag-uugali sa kaniya. Tapos muli niya akong niyakap.

Nang oras na iyon ay nagkaroon kami ng maraming oras ni May para mag-usap. Sa totoo lang, kinakabahan ako, kasi baka sinabi ni Manolo ang sitwasyon ko sa kaniya pero, mukhang 'di naman kasi wala namang nakwento si May sa aking tungkol sa karamdaman ko.

Napunta ang usapan namin noong araw na umalis ako sa school. Sa totoo lang raw, nalungkot siya noong umalis ako. Nais na raw sana niyang makipag-ayos sa akin kaso hindi raw niya alam kung paano at nauunahan raw siya ng hiya.

Hanggang sa nilapitan siya ni Chance. Niligawan at may nangyari sa kanila. Ilang beses at paulit-ulit hanggang sa mabuntis raw siya. Bigla siyang huminto sa pag-aaral kasi sa kahihiyan tapos nakipaghiwalay si Chance, at biglang nawala. Hinanap raw niya ito sa kung saan at nang makita niya sa isang club na mayroong kahalikang babae sinugod raw niya. Ilang buwan na siyang buntis noon. Tatlong buwan. Pagkasugod niya, tinulak raw siya ni Chance at sinaktan hanggang sa di niya namalayan na dinugo na siya at nakunan.

Doon na raw nagsimulang masira ang bait niya. Tapos gumagamit na rin raw siya ng bawal na droga at nalulong dito. Dahil minor pa di siya kinulong. Narehab siya, doon niya nalaman na namatay na raw ako. Nadepress na naman raw siya kung ano-ano ang nasa isip niya. Mabuti at hindi siya pinabayaan ng mga magulang niya at maging ni Manolo at ngayon masasabi niyang fully recovered na siya.

Natutuwa na nalulungkot ako sa sinapit ni May sa buhay niya. Kung sana nandoon ako ng mga oras na iyon edi sana hindi nangyari sa kaniya iyon? Inisip ko tuloy na parang kasalanan ko rin kung bakit nangyari sa kaniya ang mga bagay na iyon. Hanggang sa hinawakan ni May ang kamay ko at sinabi niya na hwag ko raw isipin na kasalanan ko ang mga nangyari, kasi choice niya raw iyon. Desisyon niya na ganoon ang tahakin niyang daan ng mga panahon na iyon at kahit papaano ay may mga natutunan siya at ngayon ay nagagamit niya para ishare ang testimony niya sa mga ibang kabataang babae na katulad niya na nakaranas din ng katulad ng sinapit niya.

Nakakatuwa na kahit papaano ay maganda na ang takbo ng buhay ni May. Nakakatuwa na, ang laki-laki na nang pinagbago ni May bilang isang mahiyain na babae noong kabataan pa namin.

"Ikaw, kamusta naman ang naging buhay mo?"

May excitement sa mga mata ni May nang tanungin niya iyon sa akin. Kitang-kita ko ang pagnanais niyang malaman ang naging kwento ko nitong lumipas na labing isang taon.

"Eto, naging sex worker. Lahat na ata ng size ng ari ng lalake natikman ko na." natatawang sabi ko pero nakatitig lang si May sa akin at unti-unti na namang bumagsak ang luha sa mga mata niya.

Alam ko na gustong sabihin ng utak niya nagbibiro lang ako sa mga bagay na sinasabi ko pero may parte din sa isipan niya na iniisip na hindi rin naging maganda ang takbo ng buhay ko katulad din ng sa kaniya.

Eto ang ayaw ko kapag magku-kwento ako, iyong may iiyak sa harapan ko. Pero, mukhang mahaba-habang kwento ito kasi, ang haba ba naman ng panahon na hindi kami nagkita. I'm sure, pati single details ayaw niyang pakawalan. May pagkamakulit pa naman itong si May.

Hays, nakakamiss.

AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon