Chapter 10

6.8K 32 0
                                    

Chapter 10

Halos mahilo ako sa biyahe namin mula Airport papunta sa liblib na lugar sa bayan ng San Isidro, Puerto Prinsesa Palawan. Mabuti nalang maganda nag tanawin kundi baka masuka na ako dahil sa pagkahilo ko sa haba at palundaglundag na bihaye namin. Wala ngang naging aberya sa biyahe ko sa himpapawid pero sa lupa naman ata ako mamamatay ng maaga.

Nang makarating kami ay kinakailangan pa raw naming tumawid ng ilog. Wow, hindi ako nainform ni Mama na mala-survivor Philippines pala ang mararanasan ko dito. Well, nandito na rin naman ako kapag bumalik pa ulit ako sa biyaheng iyon baka ikamatay ko na at isa pa alam ko naman at sana hindi nila ako pababayaan. Pero pagsulong ko palang sa malamig at malinis na ilog na iyon akala ko mamamatay na ako kasi ang lalim nabasa ang suot kong damit at hanggang bewang ang tubig tapos ang lakas pa ng daloy ng tubig kaya akala ko katapusan ko na.

Habang iyong tricycle na nagdadala ng bagahe ko ay sumulong din sa ilog na iyon na tinutulak naman ni Cecil. Namangha ako sa aking lakas ng babaeng ito nakayanan niya iyon?

Nang makarating na kami sa pampang ay muli akong pinasakay ni Cecil tapos muli na ulit kaming bumiyahe. At sa wakas pagkalipas ng tatlong oras nakarating na rin kami.

Alam mo iyong pakiramdam na artista? Siyempre hindi, pero parang ganoon ang pakiramdam ko. Sobrang welcoming nila sa akin. Akalain mo na naghanda pa talaga sila para sa pagdating ko?

Una akong sinalubong ni Tita Teresa kagaya ni Cecil niyakap din niya ako ng mahigpit at saka hinalikan sa pisngi. Sumunod naman si Tito Andres, Tito Max at ang bunso nila na si Tita Girlie. Siyempre nakilala ko rin ang sandamak-mak kong mga pinsan at ilang kamag-anak.

Aakalain mo na may fiesta sa dami ng tao sa bahay nila Lola Lolita. Hindi ko pa nakita si Lola kasi nasa bahay lang raw ito at nagpapahinga. Masyado na rin raw kasi siyang matanda 85years old na siya. At ayaw niya raw akong makita marahil siguro ang galit niya kay Mama ay namana rin sa akin. At nirerespeto ko siya sa desisyon niyang iyon.

"Pinsan okay ka lang?" tanong sa akin ni Cecil. Nahilo kasi ako sa dami ng mga taong nakasalamuha ko nakaumupo muna ako sa may sala. Nang biglang lumapit si Cecil at tanungin nga ako nito.

"Okay lang gusto ko lang munang umupo." sabi ko sabay naalala ko na may mga pasalubong pala na ibinigay si Mama sa kanila. Iyong isang maleta puro sa kanila iyon mga damit at gamit sa eskwela na si Mama mismo ang bumili.

Nanlaki ang mga mata ni Cecil sa mga narinig nito sa akin at tinanong niya ako kung pwede ko na raw ba itong makita. Pumayag naman ako at dali-dali siyang umakyat. Nang bigla kong narinig ang boses ng lalaking kasama namin at driver ng tricycle kanina.

"Si Cecil nasaan magpapaalam sana ako sa kaniya." tanong niya sa akin. Tumayo ako at kinuha ang wallet sa bulsa ko at bumunot ako ng isang libo saka inabot sa kaniya.

"Ano ito?" tanong niya sa akin pero di pa rin niya ito kinukuha.

"Bayad, bakit libre lang ba ang serbisyo mo kanina? Napagod ka rin for sure kaya tanggapin mo na ito." pamimilit ko pa sa kaniya.

"Pinakiusapan ako ni Cecil, at hindi ako nagpapabayad. Sapat na sa akin ang mga pagkain na pinadala sa akin ni Aling Teresa, para sa mga kapatid ko, salamat nalang."

"Please, tanggapin mo na ito. Malaking tulong na rin ito para sa pamilya mo." giit ko pa sa kaniya pero tinitigan niya lang ako ng masama.

"Bakit ba ang kulit mo, ayaw ko nga! Kaya kong kitain ng ilang araw iyan." sagot niya sa akin. Ngumisi ako.

"See? Ilang araw mo pa kikitain ito, kung tinanggap mo na ito edi tapos na. Oh baka naman gusto mong dagdagan ko pa, sabihin mo lang."

"Ayaw ko sa lahat e iyong matapobre. Diyan ka na nga! Pakisabi nalang kay Cecil na mauna na ako. Nice meeting you." tila galit na sabi niya sa akin saka na siya lumabas ng pintuan.

Napakunot naman ang noo ko sa naging reaksyon niya. Ano bang mali sa sinabi ko? E, gusto ko lang naman na makatulong? Ang arte niya!

Maya-maya ay pumasok si Tita Teresa kinamusta niya ako. Tinanong niya kung okay lang raw ba ako. Tumango lang ako at di sumagot. Sinabi niya rin na baka gusto ko munangmagpahinga, nakahanda na raw ang kwarto ko ikalawang palapag. Sa lugar nila tanging sila lang ang bahay na mayroong tatlong palapag. Ramdam ko na dito napupunta ang mga pera ni Mama. Wala naman problema sa akin iyon, atleast sa pamilya niya parin ito, kahit na ayaw siyang makita ng magulang niya dito nalang siya bumabawi sa mga kapatid niya na lubusan siyang naiintindihan at siyempre nakakakuha at nakikinabang sa kaniya.

"Sige po, Tita magpapahinga nalang po muna ako." sabi ko saka niya ako inalalayan papuntang ikalawang palapag at nang makapasok na ako sa kwarto ko muli niya akong tinanong kung may kailangan pa ba ako. Umiling lang ako pero bago siya lumabas ng kwarto ay tinanong ko siya kung anong pangalan noong lalaking kasama namin kanina ni Cecil hindi kasi siya napakilala sa akin ni Cecil.

"Patrick."

Oh, Patrick pala ang pangalan mo ah.

AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon