Chapter 24

3.3K 20 0
                                    

Chapter 24

Sa dami-rami ba naman ng magiging doctor sa buong mundo siya pa talaga ang makakaharap ko. Hindi ko alam kung magandang senyales na nagising pa ako o parang hindi rin?

Naaalala niyo pa siguro si Manolo? Iyong kapatid ni Mary May, na kaisa-isang kaibigan ko noong highschool? Siya. Siya ang doctor na nasa harapan ko ngayon. Siyempre, kita ko sa mukha niya ang awa. Pero sa ngayon di ko kailangan iyon. Sawa na akong kaawaan ng tao.

"Pwede bang magrequest ng ibang doctor, manyak kasi itong isang ito." sabi ko sabay tingin ng masama kay Manolo.

"Hindi ka parin nagbabago, Amanda. You're still the reckless Amanda na nakilala ko long years ago." saka siya ngumiti. Ang lako ng pinagbago ng itsura ni Manolo. Well, aside from he's still good looking. Actually, he's kinda hot sa suot niya ngayon. Pero, mukhang tumanda siya at nang tignan ko ang kanang kamay niya, he is wearing a wedding ring. Ibig sabihin, kinasal na siya. Taken na si gago!

"Nakakatawa ka? Ano bang sakit ko, bakit parang nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang pagkahilo ko?" tanong ko sa kaniya. Napatingin siya sa mga kasama ko. At kinausap niya na kung pwede pag-usapan muna namin ito privately, ayaw umalis ni Mark kasi nag-aalala raw siya pero hinila siya ni Camille palabas ng kwarto. Hanggang sa kaming dalwa nalang natira ni Doctor Delgado.

"Anong nangyari sa iyo?" ramdam ko ang pag-aalala niya sa tono ng boses niya ng sinabi niya iyon.

"Ano ito, kamustahan? Manolo, pasyente mo ako kaya kung may sasabihin ka sabihin mo na." giit ko pa sa kaniya.

Bumuntong hininga siya saka niya inabot sa akin ang diagnostic report.

"HIV, stage four." sabi niya saka siya tumalikod.

"Stage four? Sus, stage four palang pala e. Ilang stage ba ang Hiv?" hindi sumagot si Manolo at narinig ko siyang humikbi.

"Hoy, para kang gago! Hindi pa ako patay, Manolo! Umayos ka nga! At bakit ka umiiyak? Parang napaka-close naman natin. For your information, nagsex lang tayo okay? Isang beses lang iyon. Don't tell me, hindi ka parin nakamove on?"

Tapos humarap siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit at doon siya umiyak sa bisig ko.

" I'm sorry. " paulit-ulit niyang sinabi sa akin.

Tinapik ko ang balikat niya saka ko ako kumalas sa yakap niya at hinawakan ko ang mukha niya saka ko ito pinunasan.

"Para kang bata. Ang tanda-tanda mo na iyakin ka parin. Doctor ka pa naman tapos ganyan ka? Alam ko na kaya mo naman akong gamutin right?" tumango siya saka siya umayos ng tayo.

"Gagawin ko ang lahat mapagaling lang kita, Amanda." muli siyang humikbi.

Pinagaan ko ang sitwasyon at nagtanong ako ng kung ano sa kaniya.

"Salamat. Ano, may mga anak ka na?" tumango siya at saka niya kinuha ang cellphone niya at ipinakita niya sa akin ang dalawang anak niya na sin Benneth at Amelia kambal. Napaka-cute nilang dalawa, kamukha ni Manolo lahat.

"Para sa manyak na katulad mo naka-kambal ka ah?" sabi ko.

Sagot niya, nasa lahi raw nila ang may kambal. Ang Lola niya may kakambal raw. Saka ako tumango. Kinamusta ko rin si May. Sabi niya, simula raw ng umalis ako sa school ang daming nagbago sa kaniya. Napariwara ang buhay ni May, nabuntis siya ng maaga. Tapos nakunan, nang iwanan siya ni Chance. Tapos, mas lumala pa raw ito kasi gumamit siya ng mga ipinagbabawal na gamot. Drugs. Party dito, party doon. Ilang beses na siya na rehab hanggang sa nabalitaan nga niya na namatay na nga raw ako. Siguro, ito iyong mga panahon na wala na talaga silang balita sa akin. Tapos masyado raw siyang nalungkot. Nastress at nadepress. Nabaliw siya at ngayon okay na siya. Fully recovered na siya ngayon at nagvovolunteer sa isang mental institution at suma-sali sa iba't ibang organization na may kinalaman sa women empowerment.

"Gusto mo bang tawagan natin siya? I know, she'll be excited to meet you." hinawakan ko ang kamay ni Manolo at sinabi ko na sana itago muna namin ang karamdaman kong ito sa mga mahal ko sa buhay. Ayaw ko kasi na mag-alala sila sa akin. Lalong-lalo na si May, na grabe ang pinagdaanan mula ng umalis ako. At ayaw ko nang mangyari ulit iyon.

Nirerespeto naman raw ni Manolo ang desisyon ko, mabuti naman.

Muling pumasok sina Camille at Mark, siyempre inusisa nila kung anong nangyari sa akin. Kung anong sakit ko at iba pa.

"Sabi ni Doc. Kailangan ko lang raw ng pahinga, at lumayo sa stress, okay?" natahimik silang dalawa saka nila ako niyakao ng mahigpit.

"Akala ko mamamatay ka na." bigla nalang umiyak si Mark na parang batang pinagalitan ng kaniyang Ina.

Napalunok ako ng laway. May gumagaling naman sa Hiv hindi ba? Alam kong wala pang nagagawang gamot sa sakit na ito pero, nako-contain naman ito.

Sana nga lang mabigyan pa ako ng panahon ni Lord para naman maayos ko ang mga pagkakamaling nagawa ko bago man lang ako mawala sa mundong ito.

AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon