Chapter 18

3.5K 22 0
                                    

Chapter 18

"Nagpaalam ka ba sa kanila?" unang sinabi sa akin ni Patrick.

"Hindi." sagot ko.

"Pasaway ka talaga!" saka siya tumayo pero hinawakan ko ang kamay niya at huminto siya saka humarap sa akin.

"Huwag mong pigilan. Kung gusto mo akong halikan, gawin mo." nakatitig lang siya sa akin ng minutong iyon at nakatayo pero hindi niya ito ginawa. Binitawan niya ang kamay ko at naglakad siya palayo sa akin.

Kinaumagahan sinundo ako Red. Dinala niya ako sa kanila, akala ko naman ipapakilala niya ako sa mga magulang niya pero kaagad niya akong inakyat sa kwarto niya. Ni hindi ko man lang nagawang makausap ang mga kapatid niya o Nanay niya.

Nilock niya ang pintuan at nilagyan ng unan ang gilid ng kama niya at nagsimula na siyang maghubad. Naghubad na rin ako at hinalikan ako sa aking labi, pababa sa aking leeg hanggang sa makarating siya sa aking dibdib. Pinaglaruan niya ito at napapakagat labi nalang ako habang ginagawa niya iyon.

Umabot kami ng halos isang oras sa pagtatalik namin hanggang sa nakatulog siya. Bumangon ako at pinulot ang mga damit ko at nagsuot nito saka lumabas ng kwarto niya at paglabas ko, nandoon ang mga nakakabatang kapatid ni Red nakatingin sila sa akin ng minutong iyon, hanggang sa lumapit ang Nanay ni Red at niyaya niya akong kumain sumama ako sa kaniya.

"Ikaw ba iyong anak ni Amy?" tanong sa akin ng Nanay ni Red. Sumagot ako ng oo. Magkakilala raw sila ni Mama. Sa totoo nga lang raw magkaibigan sila, Bestfriend anh turingan. Siya raw ang palaging kasa-kasama ni Mama noong sumasali raw si Mama sa mga Beauty contest sa ibang bayan.

Si Tita Felicia.

"Gumagamit ba kayo ng proteksyon?" tanong ni Tita Felicia sa akin.

"Po?" nagulat ako sa tanong niya.

"Alam mo ang nais kong sabihin, Hija." sabi niya habang hinahainan niya ako ng pagkain. Hindi ako nakasagot.

"Masyado pa kayong bata. Hindi ko pinakaealaman si Red sa mga nais niyang gawin, pero hindi ibig sabihin, wala na akong pakialam sa kaniya. Nag-aalala parin ako sa kaniya."

Hinawakan ko ang kamay ni Tita Felicia.

"Sorry po." sabi ko.

"Sa totoo lang, natutuwa ako na nag-aaral na nang mabuti si Red. Siguro malaki talaga ang naging impluwesiya mo sa kaniya. May direksyon na siya ngayon di kagaya nitong mga nakaraang buwan. Ang nais ko lang sana ay hwag mo munang bibitawan ang anak ko."

Hindi ako nakapagsalita. Ramdam ko ang pag-aalala ni Tita Felicia sa kaniyang anak.

"Nakikiusap ako sa iyo bilang isang babae. Bilang isang Ina, mahalin mo ang anak ko." tumango lang ako.

Sumama ako kay Red nang naglaro sila ng basketball kasama ng mga kaibigan niya. Ipinakilala niya rin ako sa mga ito. Nang nagsimula na ang laro ay naiwan ako sa bench. Kasama ng ilang nga babae na girlfriend rin ng mga kaibigan ni Red, lumapit sila sa akin at tinanong ako kung ako raw ba iyong taga-maynila. Tumango ako.

"Ikaw iyong bagong girlfriend ni Red?" tanong ng isa sa akin.

"Oo,"

"May bago na naman palang bubuntisin si Red?" natatawang sabi noong isa na kinanoot ng noo ko.

"Oo, narinig mo na ba iyong huling girlfriend niya? Si Michelle? Nanganak na noong nakaraan linggo. Ni hindi raw dinalaw ni Red." nagkwe-kwentuhan sila na para bang wala ako sa tabi nila.

Nag-excuse ako at tumayo saka lumabas ng Court hanggang sa hinabol ako ni Red hinawakan niya ako sa braso at saka ko siya sinampal sa mukha na kinagulat niya.

Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko.

"Anong problema mo?" pinagtaasan niya ako ng boses.

"Sino si Michelle?" nanlaki lalo ang mga mata niya at nanginig ang katawan niya ng minutong iyon.

"A-ah? S-sinong?"

"Siyempre, sasabihin mo na hindi mo kilala."

"Babe!" muli niyang hinawakan nag kamay ko pero nagpumiglas ako.

"Bakit ayaw mong gumamit ng condom?"

"Babe, dito talaga natin iyan pag-uusapan?" nauutal na sabi niya habang panay ang tingin niya sa mga taong naglalakad. Halatang nahihiya siya.

"Uuwi na ako, Red." sabi ko saka ko siya tinalikuran.

Nang araw na iyon, dinalaw ko si Michelle. Tinanong ko pa kanila Lloyd ang tungkol kay Michelle at nakita ko siya na nasa labas ng bahay nila. Nagpakilala ako, bilang bagong girlfriend ni Red. Pinapasok niya ako aa loob ng bahay nila. Mabait si Michelle, hinandaan pa niya ako ng miryenda pero hindi ko naman nagalaw, juice lang ang nainom ko.

"So, ikaw pala iyong bago?" sabi niya habang tinutulak niya ang duyan ng anak niya.

"Sorry, hindi ko alam." giit ko pa sa kaniya.

"Okay lang. Kahit din naman ako. Noong naging kami ni Red, hindi niya sinabi sa akin na may nauna sa akin. Sabi niya sa akin, hiwalay na sila pero laking gulat ko nalang sinugod na ako noong babae at doon ko nalaman na buntis na ako kasi may dugo na tumulo sa gilid ng legs ko." hanggang sa tumulo na ang luha niya habang nakatingin siya sa anak niya.

Hinimas-himas ko ang likuran niya. At pinaramdam ko sa kaniya na magiging okay din ang lahat.

"Balita ko nagiging maayos na raw ang pag-aaral niya, siguro malaki ang naitulong mo sa kaniya?"

"Iyan nga rin ang sabi ng Mama niya sa akin." ngising sabi ko pa.

"Amanda, maraming salamat sa pagdalaw mo. Kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako ah?" niyakap ko siya ng mahigpit bago ako umalis.

Nang muli akong bumalik sa bahay ay nakita ko si Red na nakatayo sa harapan ng gate. Nang makita niya ako ay kaagad siyang tumakbo ng palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit at saka ko siya narinig na humikbi.

AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon