Chapter 16
Kinuwento ko kay Mama ang mga nabalitaan kong kwento tungkol kay Lola Lolita. At maski siya ay hindi makapaniwala sa mga nabalitaan niya mula sa akin. Hindi naman raw kasi sinasabi ni Tita Teresa ang tungkol sa mga nasabi ko. Hindi niya alam na ganoon pala kalala ang epekto ng pagkawala ng Lolo Ambo kay Lola Loleng.
Sa lahat raw kasi ng anak si Mama ang paborito ni Lolo Ambo. Matalino, maganda at mabait raw kasi na anak si Mama Amelia. Kaya mataas ang pangarap nila rito. Kaso, nang mabalitaan ni Mama na ipagkakasundo siya sa isang politiko ni Lola Loleng ay doon na siya tumakas at umalis sa lugar nito dito. Kwento-kwento pa na sumama raw sa lalaki si Mama para makaluwas pa Maynila pero base sa kwento ni Mama, ang mga inipon niyang pera sa pagsali-sali sa mga beauty contest at pagtitinda sa palengke ang ginamit niya para makaluwas sa maynila.
Kaso, pagdating niya doon, akala niya magiging maginhawa na ang buhay niya, ayun pala mas naging impreyno ang sinapit niya. Hindi na siya nakapagpatuloy ng pag-aaral dahil unang pagdating pa lang niya sa maynila ay nanakaw ang mga gamit niya, mabuti at may isang ginang ang nagkupkop sa kaniya at binigyan siya ng trabaho ayun na nga ang sumayaw sa isang bar and the rest is history.
Kinabukasan muli na naman kaming pumasok sa eskwelahan. Pagdating namin sa room ay sinalubong kami nila Sheena, Alexa at Meng. Talagang naging close na talaga kaming lima, maski ang mga kagrupo nila Red naging kaibigan na rin namin. Ika nga nila naging instant sikat raw ako sa school. Kinuha nga rin pala nila ako bilang isang Muse at kapartner ko walang iba kundi si Red. Naghiyawan ang mga kaklase namin ng maging magpartner kami pero sa tingin ko mas kinikilig si Red.
Masasabi ko na parang mali naman mga sinasabi ng tao kay Red. Siguro namimis-interpret nila si Red kasi medyo grumpy ang ugali niya. Tapos, medyo bastos siyang sumagot, pero napansin ko na ganoon lang naman siya kapag bastos din ang kumakausap sa kaniya, katulad ni Cecil kasi palagi niyang binabara ito, at alam niyo naman ang ego ng mga lalaki, ayaw na ayaw nilang bumababa ang lebel nila at natatapakan ito.
Madalas na kapag magkakasama ang barkada ay nag-uusap kami ni Red. Nakukuwento niya minsan sa akin na gusto na raw niyang magseryoso, hindi na raw kasi siya bumabata at higit sa lahat, naasar na siyang palaging pinagsasabihan na bobo, mahina ang utak at walang kwenta. Matalino naman talaga si Red at napansin ko iyon. May mga punto siya lalo na sa recitation na napapahanga ako kaso ginagawang biro at hindi siniseryoso ng ibang tao.
"Ano bang gusto mong kunin kapag nakapagtapos ka na nang highschool?" tanong ko sa kaniya sa may ilalim ng puno ng mangga sa likurang bahagi ng eskwelahan namin. Kapag recess kasi doon kami tumatambay, bukod kasi sa kaunti lang ang tao na nandoon ay tamihik pa.
Tumingin siya sa kalangitan at saglit na pinagmasdan iyon saka tumingin sa akin.
"Gusto kong maging piloto." giit pa niya.
Tinapik ko ang braso niya at sinabing… "Kaya mo iyan. Makakamit mo iyan."
"Sigurado ka?" tila hindi siya sangayon sa sinabi ko.
"Well, kung ako ang tatanungin mo. I'm sure na makakamit mo iyon, lalo na kung magpupursige ka."
"Sa tingin mo talaga kaya ko?"
"Kaya mo, Red. Kailangan mo lang magtiwala sa sarili mo." saby dutdut ko pa sa dibdib niya hanggang sa hinawakan niya ang kamay ko at dinikit ng husto sa kaniyang dibdib.
Naramdaman ko na ang bilis ng tibok ng puso niya ng minutong iyon at hindi niya tinanggal ang tingin niya sa aking mga mata hanggang dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko at dumikit ang labi niya sa akin.
Napapikit nalang ako hanggang sa bumigay na rin ako. Madiin at masidhi ang halikan naming dalawa. Tila sabik na sabik kami sa isa't isa. Hanggang sa huminto siya, at tumingin sa paligid. Huminga siya ng malalim at sinabi na may maliit na kubo di kalayuan sa likuran ng eskwelahan, taguan raw nilang magbabarkada iyon.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at hinila ko ang kamay ni Red at saka na kami kapwa na tumakbo palayo sa lugar na iyon.
Ala sais na ako nakauwi sa bahay at halatang halata na nag-alala sina Tita Teresa maging si Cecil sa akin.
"Saan ka ba nagpunta ah? Hindi ka na bumalik sa klase kanina pagkatapos ng recess." ramdam ko ang inis ni Cecil at ganoon din ang pag-aalala niya sa akin.
"Kasama ko si Red." sagot ko.
"Umamin ka nga, Pinsan. Kayo na ba ni Red?" hindi ako nakapagsalita at mukhang nahulaan naman niya ang pananahimik ko ng oras na iyon.
"Sinasabi ko na nga ba e." nasapo pa niya ang ulo niya sa inis.
"Ces, mabait si Red. Kung kikilalanin mo lang siya nh husto. At may pangarap rin si Red, gusto niyang maging piloto."
Saglit akong tinitigan ni Cecil at saka siya nagsalita.
"Kitang-kita ko sa mga mata mo Pinsan na gusto mo siya. E, wala na rin akong magagawa desisyon mo iyan. Basta, sabihin mo lang kapag ginago ka noong tao ah? Papabugbog ko iyan kanina Tito." ngising sabi pa niya saka niya ako niyakap ng mahigpit.
"Nga pala kailangan kong tawagan si Patrick." sabi niya sabay kalas ng yakap sa akin.
"Bakit?" kunot noong tanong ko.
"Gaga ka kasi, nagpatulong akong hanapin ka sa kaniya. Baka saan na napunta iyon."
Bigla kong naalala.
May narinig akong yapak sa paligid ng kubo at may nakita akong sumilip, hindi kaya si Patrick iyon?
BINABASA MO ANG
Amanda
General FictionAko si Amanda, oo malandi ako at proud ako doon. Hindi ko na mabilang ang mga lalaking dumaan sa buhay ko. May mga tumagal at pero mas marami ang saglit lang. Pang-quicky lang? Mabilisan lang. Pagkatapos nilang labasan, move on na kaagad. Malandi ak...