Chapter 8
Nagkayayaan sa bahay nila Chance kasi birthday niya ng araw na iyon. Inimbitahan niya ako ng personal kaso sabi ko pag-iisipan ko pa. Pupunta rin daw si May sa party kaya naisip ko na kapag pupunta ako doon baka mas lalo lang kaming magkagalit kaya ako na mismo ang umiwas.
Hanggang sa nagbell at natapos na ang pangalawa naming klase at naisipan kong pumunta sa banyo para magretouch ng make-up ko hanggang sa narinig ko ang boses nina Samantha tungkol sa plano nila kay May. Lalasingin raw nila ito saka ipapasok sa kwarto ni Chance at si Chance na raw bahalang gumawa ng nais niyang gawin kay May.
Kaagad akong lumabas at doon lang ako nakahinga ng malalim saka ko hinanap si May. Pero di ko siya makita hanggang sa muling tumunog na ang bell at hudyat na para sa susunod naming klase.
Tinanong ko si Venice kung napansin ba nito si May sabi niya umuwi raw maghahanda raw siya sa birthday ni Chance. Talagang baliw na baliw siya sa lalaking iyon?
Inantay kong matapos ang klase saka ako nagmadaling umuwi habang nasa biyahe ay pilit kong tinatawagan ang number ni May pero ring lang ito ng ring hanggang sa pagkalipas ng ilang minuto ay unattended na ito. Napashit ako ng minutong iyon at sinabi ko kay Robertna bilisan niyaang pagpapatakbo ng kotse. Nang makarating ako sa Mansion ay nakasalubong ko si Papa sabi niya sa akin hwag raw ako mawawala mamaya sa Dinner di ko siya sinagot at nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kwarto ko at naghalfbath lang ako at naghanap ng masusuot ko sa walk-in closet ko. Isang black satin backless dress na iniregalo sa akin ni Papa last year. I paired it with white sneakers and silver necklace with heart pendant habang nakalugay lang ang mahaba kong buhok at may silver na hair clip sa kanang bahagi ng buhok ko.
Then sumakay na ako ng kotse at nagpahatid ako kay Robert, kaso ayaw ni Robert na ihatid ako kasi bilin raw ni Papa na huwag akong aalis kasi nga may Dinner kami mamaya. Binantaan ko siya na isusumbong ko siya kay Papa nang minsan siyang uminom habang nakaduty noong sabado. Kaagad na siyang kumilos at napakamot ng ulo saka na kami umalis.
Medyo malapit lang ang bahay nila Chance sa isang subdivision lang sa may Parañaque. Nang makarating ako ay sinabi ko kay Robert na antayin niya ako. Saglit lang naman ako dito, kailangan ko lang makausap si May.
Pero pagdating ko palang sa entrance ng bahay nila ay sinalubong na ako ng mga demonyitang cheerleaders na sina Denise at Sari mga alupihang tagasunod ni Samantha.
"Akala ko ba hindi ka pupunta?" taas kilay na sabi sa akin ni Sari.
"Birthday mo? Hindi naman diba? And besides, di ikaw ang pinunta ko dito." sagot ko pa sa kaniya kaso hinarangan nila ako kaya di ako makadaan.
"Wait wait wait! Sabi pa ni Denise.
"You need to drink this bago ka pumasok." she lend me the drink na hawak niya pa kanina.
"Ito lang ba?" sabi ko pagkatapos ay ininom ko na ito at inabot ko sa kaniya ang plastic red na baso at saka ko tinukak si Sari saka ako nakapasok.
Bumungad sa akin si Chance.
"Hey, dumating ka!" sabi niya. Sobrang ingay ng oras na iyon kasi nagsisimula na ang party.
"Happy birthday." sabi ko sabay abot ng regalo ko.
"Thanks, nag-abala ka pa. Come on inside, maraming foods and drinks." sabi niya at pumasok na ako sa loob. Gaya ng sabi ko maingay na sa labas palang lalo na sa loob nito. Naghire pa siya nh dj para mas masaya raw ang party niya. Ipinakilala pa niya ako sa ibang mga friends niya at nakipagngitian ako sa kanila habang sinisipat ko kung nasaan banda si May hanggang sa makita ko siya at nagtama ang aming mga mata dumaan siya doon sa may backdoor sa kusina at sinundan ko siya naabutan ko siya doon sa may Garden area nila Chance at hinila ko ang kamay niya at pilit na pinaharap sa akin.
"Ano bang problema mo?" sabi ko sa kaniya saka siya bumitaw sa akin.
"Ikaw! Ikaw nag problema ko. Bakit kailangan mong gawin iyon, ah? Pati Kuya ko, Amanda? Akala ko iba ka, pero tama pala sila, malandi ka ngang talaga!" doon na siya napaiyak ng husto.
"Look, I'm sorry. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko." paliwanag ko pa sa kaniya pero parang bingi na siya at ayaw na niyang marinig pa ang mga nais kong sabihin.
"That's the problem, hindi ka marunong magpigil. Malandi ka kasi."
"Sa tingin mo nasasaktan ako sa mga sinasabi mo? Kilala mo ako May, kahit na ipalandakan pa ng ibang tao sa mukha ko mismo ang mga salitang iyan. Wala na sa akin iyan pero iba na kapag ikaw ang nagsalita, May. Masakit, oo nasasaktan ako kasi akala ko kaibigan ang turing mo sa akin. " tears went down on my face.
"Oo, kaibigan kita not until you fuck my brother, bitch!" saka niya ako binangga at natulala talaga ako sa mga narinig ko mula sa kaniya.
Huminto siya at muli niya akong hinarap.
"By the way, kung gusto mong kausapin pa kita. Please lang, hwag mo nang landiin pa si Chance." sabi niya saka na niya ako tinalikuran at napaupo nalang ako ng minutong iyon at napaiyak sa mga nangyari.
Naalala ko, kailangan ko palang sabihin sa kaniya ang plano nila Samantha at nang mga kaibigan niya kaso nakaramdam ako ng hilo ng minutong iyon. Parang nanlalabo ang paningin ko, pero pinilit ko paring pumasok muli sa loob hanggang sa nanghina ang tuhod ko at wala na akong makita kundi kulay itim nalang lahat.
BINABASA MO ANG
Amanda
General FictionAko si Amanda, oo malandi ako at proud ako doon. Hindi ko na mabilang ang mga lalaking dumaan sa buhay ko. May mga tumagal at pero mas marami ang saglit lang. Pang-quicky lang? Mabilisan lang. Pagkatapos nilang labasan, move on na kaagad. Malandi ak...