Chapter 17

3.8K 26 0
                                    

Chapter 17

Birthday ni Lloyd ngayon at niyaya niya ang barkada na pumunta sa kanila at makisaya. Nag-arkila pa sila ng videoke at nang naset-up na ito ay hindi mapigilan ang saya ni Alexa. Sa grupo kasi siya iyong palaging kanta ng kanta. Kaya nang matapos na ngang maset-up ay kagaad niyang kinuha ang mikropono at song list saka namili ng kanta. Una niyang pinasok na kanta ay Electric Love ng Borns.

Napatayo ang lahat ng nagsimula na siyang kumanta at siguro dahil na rin sa kakaibang vibe ng kanta ay bigla akong hinalikan ni Red sa harapan nh barkada at doon na nila nalaman na kami nang dalawa. Napansin kong hindi masaya si Cecil pero nang ngumiti ako sa harapan niya ay ngumiti na rin siya. Bumalik lang ang sigla niya ng pumasok si Patrick at nagkatitigan kaming dalawa, kaso bigla siyang umiwas at binati muna nito si Lloyd at umupo sa tabi ni Cecil.

Kinuhaan ni Cecil ng handa si Patrick at sabay na silang kumaing dalawa. May mga pagkakataon na tumitingin siya sa akin at ganoon din ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit di niya ako binati o baka umiiwas lang siya kasi kami na ni Red?

Nang lumabas siya ay nagpaalam ako saglit kay Red na lalabas lang ako. Tinanong niya ako kung okay lang raw ba ako, sabi ko okay lang ako saka na ako tumayo at lumabas ng bahay nila Lloyd at hinanap ko si Patrick.

Nakita ko siyang bumibili ng kendi kasi narinig kong inutusan siya ni Meng na bumili at nagpresinta siya at pagkatapos niyang bumili ay tumalikod na siya sa tindera at nagulat ng makita ako sa kaniyang harapan.

Saglit niya lang akong tinignan saka siya tumalikod pero nang hawakan ko ang braso niya ay doon siya huminto.

"Patrick, galit ka ba sa akin?" tanong ko sa kaniya. Saglit niya akong hindi sinagot hanggang sa tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya at doon na siya humarap sa akin.

"Bakit naman ako magagalit sa iyo?" balik niyang tanong sa akin.

"Ilang araw mo na akong iniiwasan. May nagawa ba akong masama?"

"A-anong pinagsasabi mo? W-wala!" nauutal na sabi niya. Halatang nagsisinungaling siya.

"Bakit hindi mo nga ako kinakausap. Kanina, hindi mo ako binati at noong nakaraan naman hindi mo rin ako kinausap." bumuntong hininga siya ng malalim.

"Amanda, hindi ibig sabihin na hindi kita kinakausap ay galit na ako sa iyo." sagot niya nang biglang dumating si Red at hilain palayo si Patrick sa akin at akmang sasapakin sana nito mabuti humarang kaagad si Marlon.

"Okay ka lang, Babe?" nag-aalalang tanong sa akin ni Red pero nakatingin ako kay Patrick ng minutong iyon habang tinatayo niya ang kaniyang sarili.

Sa sobrang inis ko ay nagwalk-out ako at umuwi na mag-isa.

Kumatok si Cecil at nais niya raw akong kausapin. Pinapasok ko siya, umupo siya sa tabi ko.

Tinanong niya ako kung kamusta naman raw ako. Ngumiti lang ako ng bahagya.

"Hirap maging maganda, ano? Hindi mo alam kung sino ang pipiliin mo?" bigla niyang sabi sa akin na kina-kunot ng noo ko.

"Ah?" naguguluhang tanong ko.

"Ang sabi ko, gusto ka rin ni Patrick. Kaso, torpe kasi ang isang iyon."

"Talaga? Bakit di niya sinabi?"

"Torpe nga. Kulit!"

"At isa pa, sinagot mo na kasi si Red. Siguro, kaya umiwas na rin iyong negro na iyon para bigyan iyong sarili niya nang pagkakataon na huminga. Ang hirap kasing huminga lalo na kapag nakikita mong masaya sa iba iyong taong dapat ay ikaw ang nagpapasaya."

Naguguluhan parin ako.

"Hindi ko parin maintindihan." giit ko pa sa kaniya.

"Hay naku! Bumaba ka nalang kapag okay ka na. May iniwang pagkain si Mama sa baba, okay?" sabi ni Cecil sa akin saka niya tinapik ang braso ko. Bago siya tuluyang lumabas.

Bumaba ako at tanging si Nonoy lang ang nasa baba nanonood pa rin siya ng TV. Napansin ako ni Nonoy, sabi niya kumain na raw ako may nakahandang pagkain sa may lamesa para sa akin. Sabi ko, busog pa ako. Tinanong ko si Nonoy kung okay pa ba iyong bike niya sabi niya, okay naman raw. Nagana pa raw ito, nagpaalam ako sa kaniya na hihiramin ko muna ito at sinabi niya iyong susi raw ay nakasabit lang din sa likod ng pintuan kaya pumunta na kaagad ako sa likod at tinanggal ang kadena nito at saka ako sumakay.

Medyo kinabahan pa ako kasi huling beses kong gumamit nito ay noong ten years old pa ako at nasemplang pa ako.

Pero pinilit ko at nakayanan ko, at nakarating ako sa bundok na gamit lang ang flashlight na bitbit ko at siyempre ang bisikleta.

Nang makarating ako sa kanila ay nakasalubong ko si Andrea na nagtatapon ng basura. Tinanong ko siya kung nasaan ang Kuya niya sabi nito nasa likod raw at kaagad akong nagpasalamat at pinuntahan si Patrick sa likod ng kanilang bahay.

Nakita ko siya na nakaupo doon at hawak-hawak ang isang litrato habang nakaupo sa may upuang kahoy dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at tumabi rito.

AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon