Chapter 19

3.8K 25 2
                                    

Chapter 19

Kumalas ako sa yakap ni Red. Saka ko hinawakan nag mukha niya at hinaplos ko ito. Saka ko siya kinausap ng mahinahon.

"Red, nakausap ko si Michelle. Nakita ko ang Baby niyo, ang cute niya. Kamukha mo siya,"

"Hindi. Hindi totoo iyan." umiiyak na siya ng minutong iyon.

"Shhh. Please, tapusin na natin ito. Ayaw kong saktan ka, minahal rin naman kita Red." bulong ko pa sa kaniya.

"Please, Amanda. Huwag mo akong iwan." lumuhod pa siya sa harapan ko. Lumapit na si Tita Teresa at pinaalis niya si Red sa harapan ng bahay at hinila naman ako ni Cecil papasok sa loob habang niyakap ng mahigpit.

Kinabukasan

Hindi muna ako pinapasok ni Tita Teresa, masama rin kasi ang pakiramdam ko. Kaya pinagpahinga muna ako niya sa bahay. Si Cecil, pumasok siya. Kailangan niyang pumasok para malaman ko kung ano ang pinag-aralan ng araw na iyon para makahabol din ako.

Sumapit ang tanghali  at narinig ko ang boses ni Patrick sa labas ng bahay. Sumilip ako sa bintana at hindi nga ako nagkalamali sa narinig ko. Mukhang inarkila ni Tita Teresa ang tricycle ni Patrick para samahan siya sa palengke at ngayon ibinababa na nila ang mga pinamili nito at tinulungan siya ni Patrick na ipasok sa loob.

Bumaba ako at nagkatinginan kami.

"Uhm, Patrick Hijo. Kung nauuhaw ka may juice sa loob ng ref, okay? Ito ang bayad." sabi ni Tita sabay abot ng 500 pesos.

"Tita, ang laki naman po nito." nanlaki ang mga mata ni Patrick.

"Okay na iyan. Sige na, aakyat na ako. Napagod sa kakatawad at ang init e. Amanda, kung nagugutom ka may inihanda ako sa lamesa, kumain ka nalang okay?" sabi ni Tita saka na siya umakyat sa itaas para magpahinga.

Akmang lalabas na sana si Patrick nang tinawag ko siya. Huminto siya pero hindi siya humarap.

"Sorry." sabi ko.

"Mauna na ako." sabi niya sa akin.

"Nakipaghiwalay na ako kay Red." giit ko sa kaniya. Pero tumuloy parin siyang lumabas ng bahay. Siguro, wala na talaga siyang pakialam sa akin.

Sumunod na araw hindi dumating si Patrick para sunduin kami ni Cecil, maski si Cecil nagtataka hindi raw nagpaparamdam sa kaniya si Patrick.

Pagdating namin sa room, kakaibang tingin ang pumukaw sa akin. Nakita ko na ang ganitong klaseng tingin sa akin ng mga dati kong kaklase at maging ng buong  Campus.

"Totoo nga ang tsismis, pokpok raw talaga siya." sabi ng isa kong kaklase na nakuha panh bumulong e ang lakas naman ng boses.

"Ang ipinagtataka ko lang, marami naman raw silang pera," sabat naman ng isa.

"Baka malungkot? Kaya naghahanap ng kaligayahan sa mga kalalakihan?" dugtong ng isa pa.

Hanggang sa makaupo na kaming dalwa ni Cecil.

"Rinig ko nga, pati mismo pinsan niya pinatus niya." hanggang sa hindi na nakayanan ni Cecil ang kaniyang naririnig na patutsada sa akin ng aking mga kaklase.

"Tama na!" nanggigigil na sabi ni  Cecil habang nanlilisik ang mga mata nito sa mga tsimosa naming kaklase.

"Mag-ingat ka diyan sa Pinsan mo, baka isang araw pati ang kaibigan mong si Patrick patusin na rin niyan." tinginan ni Cecil ang kaklase naming natatawa pa sa kaniyang sinabi tungkol sa akin, nang biglang sumugod si Cecil at sinambunutan ito. Hinila ang buhok hanggang sa umabot sila sa labas ng classroom.

Hindi ko na nahabol o napigilan pa si Cecil kasi ang bilis ng mga pangyayari. Wala na akong narinig ng minutong iyon kundi ang hiyawan ng mga kapwa ko estudyante sa nakikita nilang rambulan ng dalawang babae.

Hanggang sa nagsihiwalayn sila nang lumapit ang guidance officer namin at kapwa sila pinapunta sa office nito.

Dahil sa nangyari, dalawang linggo na suspended si Cecil at ganoon din ang kaklase namin na nagkakalat ng kung ano-anong balita.

Pansin ni Cecil na tahimik lang ako buong araw, ni hindi nga ako kumain ng tanghalian kanina sa school at maging hapunan kanina lang. Kaya umakyat siya sa kwarto ko at dinalhan niya ako ng pagkain.

"Ces, wala akong gana." sabi ko saka ako tumalikod ng higa at kinumutan ko ang sarili ko.

"Kumain ka na. Para may lakas ka naman na ipagtanggol ang sarili mo sa mga taong iyon." sabi niya saka ko narinig na inilapag niya ang tray sa may study table ko at umupo siya sa tabi ko.

Doon ko dahan-dahan na tinanggal ang kumot na tinaklob ko sa katawan ko at napansin niya na namumugtong ang mga mata ko.

"Walang mangyayari kung iiyak ka lang diyan, Amanda." dagdag pa niya saka niya pinunasan ang luha sa mga mata ko.

"Tama naman sila, Ces." malungkot na sabi ko, saka niya ako niyakap ng mahigpit.

"Kahit na. Wala silang karapatan na husgahan ka ng ganoon. Wala sila sa posisyon mo para paratangan ka nila ng ganoon."

Kahit papaano ay nagpapasalamat ako na mayroon akong kamag-anak na ganito klaseng tao iyong kahit anong mangyari ay maninindigan sa iyo?

" E, ano kung malandi ka? Girl, may karapatan kang lumandi. Maganda ka kaya, sila? Mga inggeter lang ang mga iyon kasi di sila nilalapitan ng mga lalaki." sabay kindat niya sa akin. Natuwa naman ako sa mga narinig ko sa kaniya at dahilan para mahampas ko siya ng mahina sa braso at nagtawanan kaming dalawa.

"Kumain ka na, para mas maging matatag kang tao." giit niya pa. Muli ko siyang niyakap at hinagkan.

"Salamat, Cecil." wika ko habang tumutulong muli ang luha ko ng minutong iyon.

AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon