Chapter 27

2.5K 21 1
                                    

Chapter 27

"Welcome home?"sabi ko.

Nagpapractice kami sa Mansion sa pagbabalik ni Patrick. Balak kasi naming surpresahin si Patrick sa airport sa pagbalik niya dito sa bansa. At pinapractice nga naming nina Camille ang mga sasabihin ko kasi hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko. Kung paano ako magsisimula. Kung dapat ba muna akong mag-sorry o ano?

"Ang pangit naman! Wala man lang bang ka-energy-energy, hindi ka man lang ba excited na makita ang the one that got away mo?" naikwento ko rin kasi sa kanila ang naging buhay ko sa Palawan, maging ang nararamdaman ko kay Patrick, pero sila lang ang nagsasabi na si Patrick raw ang One that got away ko.

"Siyempre, excited ako na makita siya." Sagot ko kay Camille.

"Makita lang?" biglang sabat naman ni Mark.

Tinignan ko siya ng masama tapos bigla siyang tumalikod at dinala iyong basong nasa harapan niya at pumunta doon sa may dirty kitchen.

"Oh, iyong bata ang dami nang natututunan sa iyo. Ikaw rin kasi e, ano nga? Ano bang sasabihin mo sa kaniya kapag nagkita kayo?" naging seryoso ang usapan naming dalawa ni Camille habang nakaupo sa may couch.

Ano nga ba ang sasabihin ko sa kaniya?

Siyempre, hihingi ako ng tawad? Hihingi ako ng tawad sa pag-alis ko nang walang paalam? Hihingi ako ng tawad sa pag-aalalang dinulot ng pag-alis ko? Hihingi rin ako ng tawad sa mga nagawa ko sa kaniyang kasalanan?

Pero noong nandoon na ako sa sitwasyon, biglang tila natali ang dila ko at habang palapit nang palapit siya sa akin, mas lalong nanigas ang katawan ko. Niyakap niya ako. Niyakap niya ako nang mahigpit. Na halos hindi ako makahinga at ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya. Inangat niya ako at nagpa-ikot-ikot kami tapos nang ibaba niya ako at magtama ang aming mga mata doon bumilis ang tibok ng puso ko. Nanginig ang tuhod ko at para bang maa-out of balance ako hanggang sa makaramdam ako ng hilo and all I can see is totally darkness.

When I open my eyes again, I saw his beautiful face infront of me. Malaki ang pinagbago ng mukha ni Patrick. May mga bigote at balbas na siya tapos may kulot na sa gilid ng mga mata niya, senyales ng edad na rin niya ata. Pero iyong ngiti niya. Iyong ngiti niya na minsan lang niyang ipakita, iyon. Iyon ang hindi nagbago sa kaniya.

"Kamusta ang pakiramdam mo? Do I have to call the doctor?" halata sa boses niya ang pag-aalala hanggang sa hinawakan ko ang kamay niya and he stared at it. Then tumingin siya sa akin, halata sa mga namamagata niyang mata na galing siya sa pag-iyak. Hindi ko rin alam kung ilang oras na ba akong nakahiga o araw, pero ramdam ko nang oras na iyon na alam na niya ang karamdaman ko at naiinis ako kasi kung kailan, maganda at maayos na ang lahat ng relasyon ko sa mga taong nasaktan ko noon, ma-iitsapwera pa dahil sa lecheng sakit na ito?

"Stay. Please h'wag mo na ulit akong iwan." Sabi ko sa kaniya. Ngumisi siya at napangisi rin ako.

"Kahit kailan, hindi kita iniwan Amanda. You're always in my heart." Gusto kong matuwa pero alam kong hindi tama.

"Mukha mo, imposible na wala kang nakarelasyon nang mahabang panahon." Bumulong siya sa tenga ko na kinatawa ko ng oras na iyon.

"Virgin parin ako." Sabi niya.

"Puro ka kalokohan, Patrick." Giit ko pa.

Muli niyang kinuha ang kamay ko at hinalikan ito.

"Nang ikwento ni Cecil ang tungkol sa iyo, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya na marinig iyon. It was music to my ears. I always dreamt about this for the longest time, at tama nga sila dreams do come true." Halata sa boses ni Patrick na masaya siya at nakakataba ng puso na sa mahabang panahon na iyon ay hindi niya ako kinalimutan. Ganoon din naman siya sa akin. May mga pagkakataon sa buhay ko na gusto ko nalang din bumalik doon at harapin sila, harapin ang mga galit nila pero hindi, naunahan ako ng takot nang hiya. Pero, iba pala ang naging epekto noong sa kanila.

"HIV stage four." Biglang sinira ko ang masayang mood niya ng oras na iyon.

"Amanda," natigilan siya at napatitig sa akin ng husto.

"Siguro deserve ko ito kasi malandi naman talaga ako. Bago mo pa ako nakilala, Patrick malandi na ako. Hindi ko alam pero, ramdam ko na alam mo kung anong klaseng babae ako at hindi ko naman tinago iyon. Siguro kaya binigay ni Lord ito sa akin dahil gusto niyang matuto ako. Gusto niya na pahirapan ako sa mga maling nagawa ko noon."

"Amanda naman..." pinapakalma niya ang kamay ko ng oras na iyon kasi nanginginig na ako at tila para bang babagsak na ang luha sa mga mata ko.

"Patrick, mabuting tao naman ako e. Marami diyan na mag-nanakaw, rapist, killer at iba pang masasamang tao pero bakit ako? Bakit sa akin binigay ng Diyos ito?" tumayo siya at bigla niyang hinalikan ang noo ko at inayos ang mga nagkalat na buhok sa mukha ko.

"Marahil, alam ng Diyos na kaya mo. Kasi kilala ka niya. Kilala ka niya na matapang na babae at isa pa, wala namang binibigay si Lord na mga pagsubok na hindi natin nakakayanan."

"Paano kung hindi ko makayanan?"

"Kaya nga siguro ako pinabalik ni Lord dito kahit na next year pa sana matatapos ang kontrata ko, kasi ramdam na kailangan mo ng tulong. At isa pa, just like what you said earlier, mabait ka at nakita ko iyong side na iyon Amanda. Sa pagtulong at pagkupkop mo sa dalawang ito." Sabay turo doon kanila Camille at Mark na natutulog sa may couch.

"Blessing ka sa ibang tao, Amanda. Hindi mo man ito nakikita pero nakikita ito ng Diyos." Dagdag pa niya.

"Akala ko ba, Arkitekto ka? Bakit parang mas bagay ata sa iyo na mag-pari?" bigla siyang natawa.

"Alam mo kung paano ko nalabanan ang mga temptasyon sa ibang bansa? One of my collegue give me a bible, I read it and read it again. Until one day, I decided to join sa service nila at nakinig lang ako noong una, hanggang sa nasundan pa ng isa, tapos isa pa, hanggang sa nakikita ko na ang sarili ko na ang laki ng pinagbago ko simula noong sumama ako sa kanila at nakinig sa salita ng Diyos. He opened my eyes to all the possibilities, he even touch my heart to forgive those who cause pain in my heart at isa ka na doon, Amanda."

Then he prayed for me.

That moment, I feel something or someone touch my soul. Nag-iba ang pakiramdam ko. Gumaan ang pakiramdam ko, tapos nang imulat ko ang mga mata ko. I See nothing. 

AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon