Chapter 21
Eleven years later.
"500?" inis na sabi ko ng minutong iyon.
"Ano, aarte ka pa?" sabi niya saka siya nagsuot ng brief niya at ganoon ng pantalon. Inirapan ko nalang siya at dumiretso na ako sa banyo at naglinis ng katawan ko.
"Pakshit iyong Lance na iyon, anong tingin niya sa akin bakla? Kung tirahin niya ako sa Pepe at Pwet ganoon-ganoon nalang tapos ang ibabayad 500? Ano, tig 250 pesos bawat butas?" reklamo ko pa ng minutong iyon nang magkita na kami ni Camille sa Boarding House.
Natatawa naman ang gagang si Camille habang pinapakinggan ang kwento ko sa kaniya ng minutong iyon. Inalok niya ako ng pancit canton na niluto niya pero wala akong gana. Kumuha nalang ako ng yosi saka ko ito sinindihan.
"Nga pala si Aling Loleng pumunta dito kanina, muntikan nang magwala dahil sa tatlong buwan nating utang sa upa sa kaniya. Mabuti, nilandi ni Mark. Ayun, sumama doon sa matanda at kumalma ang matandang hukluban." sabi ni Camille sa akin.
"Isa pa iyan sa inaalala ko. Paano kasi ang hirap kumita ngayon. Iyong ibang lalake, bakla nalang ang hanap kesyo nakakapangraos na sila wala pa silang binabayaran."
"Magaling kasi silang chumupa!" ngising sabi ni Camille.
"Hoy, kung Chupa lang ang pag-uusapan. Winner ako diyan." saka kami nag-apir at nagtawanan dalwa.
Hanggang sa napunta na naman ang usapan namin tungkol sa pamilya ko.
"Bakit ba kasi ayaw mo nalang umuwi sa inyo? Nang maging maginhawa na ulit ang buhay mong gaga ka." sabi ni Camille habang patuloy siya sa pagkain ng pancit canton ng minutong iyon.
"Heto na naman ba tayo ah? Hindi ba, walang pakialamanan ng personal life?" pag-papaalala ko pa sa kaniya.
"Girl, naaawa lang ako sa iyo. Kesyo nahihirapan ka bakit di ka nalang bumalik sa inyo. Ikaw, okay naman ang buhay mo. Mayaman ang Tatay mo, marami kayong business, ano ba kasing nangyari sa iyo?"
"Diyan ka na nga, hahanapin ko pa si Mark baka natuyuan na iyon sa kakaiyot ni Aling Loleng." iniwan ko na si Camille ng oras na iyon at lumabas ako ng boarding House.
Hanggang sa nakita ko si Mark na nakatambay sa may bakery. Tinawag ko ito at lumingon naman siya sa akin.
"Kamusta ang Pepe ni Aling Loleng?" natatawang tanong ko kay Mark. Tinitigan ako nito ng masama, natawa ako sa reaksyon niya.
"Ang gago mo! Pero, tang-ina! Lasang kanal! Ilang taon ba siyang di naglinis ng ari niya?" umarte pa siyang nasusuka ng minutong iyon.
Bumili ako ng softdrinks at nilibre ko si Mark.
"Nga pala, salamat ah?" sabi ko kay Mark habang nakaupo kami sa harapan ng bakery sabay siko ko sa tagiliran niya.
"Wala iyon. Parang Ate na kita with malisiya." sabay tingin niya sa cleavage ko. Saka ko siya kinotongan.
"Ang manyak mo! Ano ka ba, may makikilala ka ring babae na tatanggap sa iyo. Ang pogi mo kaya!" sabi ko sabay akbay sa kaniya.
"Siguro ka? E, mukhang tutulad nalang ata ako kay Mike, na mapupunta sa bakla." saka siya sumimangot.
"Hoy! Walang masama kung mapupunta ka sa bakla, atleast mahal ka. At isa pa, ang bata mo pa para isipin ang mga bagay na iyan." saka ko ginulo-gulo ang buhok niya.
"Amanda, eighteen years old na ako kumakain na nga ako ng Pepe tapos sasabihin mo na bata pa ako?" sabi niya sa akin saka siya humiwalay sa akbay ko at tumayo at tumakbo palayo sa akin ng makita si Mike at ang mga kaibigan nito.
"Hoy, umuwi ka kaagad ungas ah! Magluluto ako!" sigaw ko pa ng minutong iyon at saka ako napangisi.
Kinahapunan.
Tumayo ako ng masakit ang ulo at nilalamig ang katawan. Nakabalot na nga ang katawan ko ng kumot at nakapatay ang electric fan sa sobrang lamig pero malamig parin ang pakiramdam ko.
Umalis si Camille dahil may raket raw siya. Kailangan niyang gawin ito para raw makatulong sa akin. Tumayo ako at naghanap ng jacket saka ako lumabas para pumunta sa botika.
Pagdating ko doon ay may nabangga akong isang babae at nang hinawakan ko siya para humingi ng patawad sa nangyari ay kumunot ang noo niya at tinitigan niya ako ng husto.
"Amanda?" biglang sabi niya.
Tinitigan ko siya ng husto at napamura ako sa loob-loob ko. Hindi maaari, nakilala niya ako?
BINABASA MO ANG
Amanda
General FictionAko si Amanda, oo malandi ako at proud ako doon. Hindi ko na mabilang ang mga lalaking dumaan sa buhay ko. May mga tumagal at pero mas marami ang saglit lang. Pang-quicky lang? Mabilisan lang. Pagkatapos nilang labasan, move on na kaagad. Malandi ak...