Chapter 7

7.5K 40 0
                                    

Chapter 7

Ito na nga ang araw na ayaw kong mangyari. Hindi ako pinansin buong araw ni May noong sumapit ang lunes. Umalis kasi ako sa kanila na tulog parin siya at hindi ko na siya inistorbo. Pero nagtext naman ako sa kaniya na umalis na ako. Hindi na rin ako nakapagpaalam pa sa kaniya maski kay Manolo kasi alam kong pagod na pagod iyong si loko. Tapos kanina pagdating ko sa room, at pag-upo ko sa upuan ay di ako sinalubong ni May na palagi niyang ginagawa.

Pero isa ang napansin ko. Di na siya nakasuot ng eye glass at maayos na rin ang dating niya. May make-up na rin at lip tint basta iba ang awra niya. Bigla siyang tumayo at lumapit doon kay Chance. Alam ko na may crush siya doon kay Chance kasi sinabi niya ito sa akin. Nag-usap sila marahil sa assignment namin sa biology. Hindi ko nalang ito pinansin, kaso biglang lumapit si Samantha at mukhang siya itong sisira sa araw ko hindi si May.

"Oh, anong nangyari? Kahit iyong tinuturing mong kaibigan iniiwasan ka na? Alam ko kasi ang tawag sa iyo, virus. Narealized siguro niya na kapag mas lalo siyang lumapit sa iyo, matutulad siya sa iyo." nakacross arm pang sabi niya sa aking harapan. Tinigil ko ang ginagawa ko ng minutong iyon at tumayo ako para harapin siya.

Inayos ko ang uniform ko at saka ako nagsalita sa harapan niya.

"First of all, hindi ko kaibigan si Mary May." sabi ko sabay tingin ko sa kaniya. Napansin kong yumuko siya at tila hindi pinansin ang sinabi ko.

"Pangalawa, hindi ka ba nagsasawa sa mga paratang mo? Tinotoo ko na hindi ba? Gusto mo bang ikalat ko sa buong klase kung paano ko dineep throat ang boyfriend mong si Jolo? Kung paano siya mabaliw kakaungol sa pagkain ko sa ari niya? Gusto mo ng pwerba? I'll send you the link girl." sabay taas kilay.

Halos hindi siya makahinga sa mga narinig niya mula sa akin. Saka ako ngumisi at akmang sasambunutan sana niya ako kaso pumagitna si Jolo at inawat niya ang girlfriend niya sabay tingin ng masama sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at muli akong umupo. Sinilayan kong muli si May pero busy na siya ng oras na iyon at pinalipat na rin niya ng upuan si Venice na katabi ni Chance sa tabi ko.

What a day!

Mag-isa akong kumain sa may cafeteria. Actually wala nga akong gana kumain pumunta lang ako doon para makita si May at nakita ko naman siya kaso kasama niya sina Chance at mga kaibigan nito. Hanggang sa tumabi sa akin si Manolo.

"Oh, nasaan si Mary May?" tanong niya sa akin ng minutong iyon. Di ko siya kinibo at inikot ko ang tinidor doon sa pasta na inorder ko at kinain ito.

"May kausap ba ako dito o wala?" sabi niya. Pero di ko parin siya pinansin.

"Look, hindi ko alam kung anong nangyari. Kung nasaktan ka sa ginawa ko I'm sorry." doon na ako nagsalita sa kaniya.

"Gusto mo talagang Pag-usapan iyan dito?" saka ko siya hinarap.

"Tell me what happened to you! Bakit di mo sinasagot ang mga dm's ko sa iyo? Ang tawag ko? Tell me." kinalma ko ang sarili ko saka ako sinip ang pineapple juice na inorder ko. Saka ko siya muling hinarap.

"Nagkamali ako Manolo, dapat di ko ginawa iyon. Dapat di natin ginawa iyon." sabi ko sa kaniya sabay akmang tatayo na sana ako kaso bigla niyang hinawakan ang kamay ko at napahinto ako.

"Please tell me, what happen para maayos ko." pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Hindi ko alam kung maaayos mo pa ito." sabi ko sa kaniya saka ko siya iniwan ng oras na iyon.

Pag-uwi ko ng Mansion ay kaagad na napansin ni Mama ang nakabunsangot kong mukha. Di ko na sana siya papansin pa pero tinawag niya ako at pinapalapit niya ako, so lumapit ako. She asked me what happened. Just like that, saka ako nag-open sa kaniya. Kahit na ganito ang relasyon namin ni Mama ay hindi ako nagtatago sa kaniya ng nararamdaman ko.

Nang unang malaman nga niya iyong nangyari sa amin ni Oliver ng lumaki na ang issue she asked me kung may nangyari ba talaga sa amin and i told her na mayroon. Ganoon lang, she did say anything, she just hugged me tight saka siya umiyak.

"Si May kasi, iniiwasan na ako." sabi ko habang tinutulungan siya sa ginagawa niyang bracelet.

"Did you fuck with her brother?" hindi ako nakasagot.

"Magagalit nga iyon sa iyo iyon. O well, hindi ko na tatanungin kung bakit mo nagawa iyon. Pero, naniniwala ako na magkakaayos pa kayong dalwa. Tampong kaibigan lang iyan, anak." isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at saka niya hinalikan ang ulo ko at doon na ako bumigay. Umiyak na ako sa bisig niya.

AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon