Chapter 23

3.3K 19 1
                                    

Chapter 23

"Saan ba tayo pupunta?" kanina pa tanong ng tanong si Mark at ganoon din si Camille. Sinabi ko kasi sa kanila na magbihis sila at may pupuntahan kami.

Kanina pa sila nag-iisip kung saan kami pupunta, di ko kasi sila sinasagot. Ang sabi ki lang, 'basta' kaso makulit talaga sila lalo na si Mark.

Nakapagbooked na ako ng grab at maya-maya ay dumating na ito. Sumakay na kaming tatlo at saka na umalis ang kotse. Lumipas ang halos dalawang oras ay nakarating na rin kami.

"Wag mong sabihin na…" nanlaki ang mga mata ni Camille ng huminto kami sa isang malaking bahay sa loob ng isang subdivision.

Pagkatapos kong magbayad sa driver ay bumaba na kami at sinabi ko na sa kanila ang totoo. Na itong bahay na ito, dito ako lumaki. Dito ako nagkaisip. Dito nagsimula ang lahat. Hindi maalis ang ngiti sa mga mata nilang dalawa nang sabihin ko iyon. Excited na nagdoorbell si Mark at maya-maya ay may lumabas na isang pamilyar na lalaki.

Si Robert. Ang dati kong driver.

"Mam Amanda?" nanlaki ang mga mata niya ng nakita niya ako at halatang di siya makapaniwala. Ang buong akala niya patay na ako. Pinapasok ako ni Robert kasama ang mga kaibigan ko. Namangha si Camille sa laki ng aming bahay. Hindi ko maiwasang hindi matuwa sa reaksyon niya. Tapos may mga lumapit na kasambahay, hindi ko na sila maalala pero ipinakilala ako ni Robert sa kanila.

Pumasok na kami sa loob ng Mansion. Wala naman gaanong pinagbago ang Mansion, tahimik parin ito. Umiingay lang naman ito kapag nandito ang mga bisita o mga kamag-anak namin na twing may okasyon.

"Nasaan sina Papa at Mama?" tanong ko kay Robert. Napansin kong nalungkot ang mukha ni Robert. Doon palang ramdam ko na may kakaibang nangyari.

Si Mama na ngayon ang namamahala sa mga businesses ni Papa. Namatay raw ito sa heart-attack two years ago. At may bago na rin raw asawa si Mama. Salamat naman at nagawa niya rin. Siguro talagang minahal niya si Papa kaya hindi niya kayang gawin iyon kay Papa kahit na kahati ata ng buhay niya ay miserable kasama siya.

Naghanda ng makakain si Robert para sa aming tatlo. Nasa Pool Area silang dalawa ng ipatawag ni Robert sa mga kasambahay na nakahanda na ang aming pagkain sa hapagkainan. Habang ako, nasa kwarto ko at nag-iikot ikot. Ang dami kong ala-ala na naranasan sa bahay na ito. Sobrang tagal na rin pala. Akala ko talaga hindi na ako makakabalik pa.

Gamit ang intercom narinig kong muli ang boses ni Robert at doon palang ako bumaba. Pagbaba ko ay nasa hapagkainan na sina Camille at Mark.

"Amanda, napaka-ganda talaga dito sa bahay niyo." hindi maiwasang hindi mamangha ni Mark na parang bata na first time lang makapasok sa loob ng museum.

"Kumain ka na Mark, gutom lang iyan." sabi ko pa sabay ngiti. Hinawakan ni Camille ang kamay ko at saka ko siya nginitian din.

Ang dami nilang nakain, habang ako ay kakaunti lang. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nawawalan ako ng ganang kumain nitong mga nakaraang araw at parang palagi akong nanghihina.

Dinala ko sila sa Guestroom na pagsstayhan nila. Magkahiwalay sila ng guest room syempre. Saglit silang nagpahinga nh minutong iyon at maya-maya ay may lumapit sa akin na isang kasambahay at inabot sa akin ang isang telepono si Mama raw nasa kabilang linya.

Kinuha ko ito at saka ko sinagot ang tawag. Hikbi kaagad ni Mama ang una kong narinig. Halatang halata na sa boses nito ang pagkamiss niya sa akin. Nasa Canada kasi siya ngayon nakabase at kasi may mga negosyo na naiwan doon si Papa na inaayos niya at isang Candian din ngayon ang kinakasama niya. Si George, mabait naman raw si George nakilala niya sa isang dinner sa Makati 1 year after mamatay ni Papa.

Okay na ako.

Masaya na akong malaman na okay si Mama. At peace na si Papa at masaya sina Mark at Camille. Hanggang sa muli ko na namang naramdaman itong sakit sa ulo ko. Nahilo ako at natumba. Naramdaman kong may bumuhat sa akin. Nawalan na ako ng malay. Pero naririnig ko pa ang boses nina Camille at Mark na nagsisigaw at nang isara ko na ang mga mata ko at muling idilat ito nasa ospital na ako.

AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon