Tahimik at payapa, ganyan ko siguro idedescribe ang lugar na dinadaanan ko. Lagpas alas-dose na ng matapos ang shift ko.
Pauwi na ako sa tinutuluyan kong apartment, sobrang nakakapagod ang araw na 'to. Pagkatapos ko pumasok sa iskwela ay didiretso na ako sa pinagtatrabahuhan ko.Habang papalakad ako sa isang madilim na iskenita dito saamin ay pansin ko ang isang malaking lalaki na nakatayo di kalayuan kung nasan ako, hindi ko maidescribe ang itsura nya, dahil malayo sya sakin.
Nagsimula na akong kabahan at matakot, hindi na rin kasi bago sakin 'to, pero bakit ngayon ay kinakabahan ako?Liliko na sana ako kaso laking gulat ko biglang yung lalaking nakita ko dun ay nasa harap ko na.
Tangina.
Nanlilisik ang mga mata nya, mahahaba ang pangil, nakatingin sya sakin at tila gutom na gutom sya.
Tangina ulit, uuwi na lang ako gagawin pa akong pang-midnight snack ng mga aswang dito.
"Wala ka nang kawala sakin! Gutom na gutom na ako, at tila sumasangayon sakin si tadhana, mukhang may makakain na ako ngayon."Sabi niya sakin tatakbo na sana ako kaso naabutan pa ako nitong punyetang aswang na 'to. Naku po, mamumukbang ata ako.
Ramdam na ramdam ko na ang hininga nya sa leeg ko. amoy na amoy ko na rin ang mabaho nyang hininga, please, tinatawag ko po lahat ng santo, iligtas nyo ako. 'Di ako pwede mamatay na walang boyfriend huhu.
"BITAWAN MO SYA" Para sa isang iglap ay nahati ang katawan nitong aswang, dahil dala na rin ng pagod at takot ko parang babagsak na ang katawan ko.
Nageexpect ako na sahig ang babagsakan ko pero ang imbes na sahig ang bagsakan ko, pakiramdam ko ay braso ang sumalo sakin, tinignan ko kung sino ito, but i didn't saw his face, because he's wearing a mask.
--
this is a work of fiction. names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.It's not affliated with the book, Trese nor the author.
This a purely fiction.
who are you?
06142021.
All right reserved 2021.
YOU ARE READING
who are you? / basilio x reader fanfiction.
FanfictionNormal na tao ka lamang, papasok ka sa eskwelahan sa umaga at magtatrabaho sa gabi. but your normal life will be changed after meeting someone that who will changed and ruined your peaceful life. THIRTEEN SERIES #1.