Ikatatlongput-Limang Kabanata

995 79 41
                                    

Matagal ko ring pinagisipan kung lilipat ba kami sa bahay ni basilio, hindi ko kasi alam kung papayag ako, natatakot ako na rumupok ulit. Ayoko na ulit masira yung harang na binuo ko, i don't want to see myself on the same situation again.

"Alam mo, dapat mong pagisipan yan. Titira kayo sa isang bahay di mo alam ano mangyayari diba? Pagisipan mo maigi. "Sabi ni claudio saakin, siya ang nagsisilbing bestfriend ko, siya ang tinatakbuhan ko sa mga gantong sitwasyon.

"Ayun nga, syempre ayoko rin maging selfish kay theia, ang iniisip ko pwede naman sigurong may schedule kami diba? Halimbawa MWF sakanya si theia, tas TTH and Weekends akin si theia."Sabi ko sakanya tsaka umupo sa harap ng laptop, magka video call kasi kami.

"Bakit ba hindi ka na lang makipag ayos sakanya? Mahal mo parin naman diba?"Natahimik ako sa tanong niya. "Give him a chance, kahit siguro hayaan mo sya magpaliwanag, you need to know his side too." Sabi ni claudio saakin.

"Bakit pa ba ako makikinig sa explanation nya? Hindi pa ba sapat yung harap harapan ko syang nakikita na may kahalikang ibang babae? Eh halos nga i-rub na nya sa mukha ko na hindi na nya ako mahal."

"Alam mo ikaw, yung pride sabon yan ha? Hindi inuugali, kailangan mo malaman kung bakit nya nagawa yon. I'm very sure na may dahilan sya kung bakit ka nya sinaktan non,"Sermon nya saakin. "Hindi mo malalaman ang dahilan, kung hindi mo susubukan diba?"

"Claudio!! Hindi ko na talaga alam, hindi ko alam kung ready na ba ako makinig sa explanation nya, hindi ko alam talaga."Sabi ko sakanya at sinabunutan ang buhok ko.

"Alam mo instead na magrant ka saakin, kausapin mo na lang yang tatay ng anak mo."Aba ayaw ba ako kausap nito.

"Bahala ka dyan."Sabi ko sakanya. "Pero thanks, kahit umaga na dyan, nakinig ka pa rin sa rants ko."Dagdag ko pa.

"Were bestfriends diba? Kaya ako makikinig sayo."He smiled. "Sige na, papaliguan ko pa si eve."Dagdag nya ngumiti na lang ako before clicking the end button.

Dapat ko bang pakinggan si basilio? May part saakin na ayoko baka kasi nagsisinungaling lang siya, may part saakin na dapat ko syang pakinggan para manlang kay theia, para magkaron na rin ako ng peace of mind.

I sighed. "Nakakalito."Nahinto ang pagmuni muni ko ng biglang may nagdoorbell, lumapit naman ako para buksan ito, si basilio pala at theia, may lakad kasi sila mag ama kanina. Hindi na ako sumama, kasi ayoko makaabala sakanila.

Kinuha ko si theia sa braso ni basilio, nakatulog na kasi si theia, pagkatapos ko ihiga si theia ay bumaba ulit ako, nagulat ako ng nakita kong nandun pa rin si basilio.

"Let's talk please, kahit ngayon lang hayaan mo ako magpaliwanag, i won't be in peace kapag hindi ko pa inamin sayo 'to."

Panahon na rin siguro para malaman ko kung ano nangyari 'diba?

Tumango nalang ako sakanya, "Sa likod tayo ng bahay, baka magising si altheia."Sabi ko tumango naman din sya saakin

Umupo kami sa may bench ng garden namin, inaantay ko sya magsalita.

Nagulat ako nang bigla syang tumayo at lumuhod sa harap ko. "Y/N.. I'm sorry, i'm really sorry, hindi totoo yung sinabi ko na hindi kita minahal, mahal na mahal kita sobra.. kaya ko nagawa yun dahil hindi ko alam kung mapapatawad mo ba ako dahil ako yung dahilan kung bakit namatay ang papa mo... nung gabing nakidnap ka ng mga kapre sobra akong nagmakaawa sa papa mo na wag ka gawing alay, pero hindi siya nakinig saakin, gustong gusto ka nya kunin saakin kaya wala akong choice kundi patayin siya." Hindi maproseso ng mga utak ko yung sinasabi ni basilio. "Hindi ko alam kung kaya kitang harapin kasi akong mismong boyfriend mo ang dahilan bat namatay ang papa mo, kung ano-ano na yung pumasok sa utak ko."Dagdag nya pa.

"Yung kay sampaguita hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nagawa ko yun, pakiramdam ko may kumukontrol saakin, huli ko na nalaman yung kagaguhan ko nung tumakbo ka na palayo saakin gusto kong yakapin ka bawiin ang sinabi ko pero hindi ko nagawa... sa loob ng limang taon para akong patay, pakiramdam ko patay yung kakahating katawan ko. Walang araw na hindi kita iniisip, natatakot din ako na baka pag dating ng araw na magkita tayo hindi mo na ako mahal, may iba ka na, pinilit ko sila alexandra, hannah, at ammie na sabihin kung nasan ka pero wala hindi nila sinasabi saakin, ayaw ka daw nilang biguin, pakiramdam ko pinaparusahan na ako ng mundo, patawarin mo ako please, kahit isa na lang chance please."He hold my hand.

Pero agad kong inalis to sa pagkakahawak nya, tuloy tuloy pa rin ang pagagos ng luha ko, mas nasaktan ako sa nalaman ko. Hindi ko kaya, masakit sobra.

"B-basilio umalis ka na."Sabi ko sakanya.

"Y/N.."Pilit nyang inaabot yung kamay ko. "TANGINA UMALIS KA NA SABI EH!"Sabi ko sakanya pero hindi siya nagpatinag saakin lumapit sya at niyakap ako ng mahigpit "Tangina naman basilio eh" Pinaghahampas ko sya sa dibdib. "Anong kasalanan ko sayo b-bakit mo ako pi-pinaparusahan ng ganito?!"Sigaw ko sakanya.

who are you? / basilio x reader fanfiction.Where stories live. Discover now