Ikadalawamput-walong Kabanata

1.1K 93 133
                                    

"Naynay! Kailan po tayo magbabakasyon sa manila? Gusto ko po talaga pumunta don!!"Tanong ng anak ko ngayon ay naghahanda ako ng tanghalian namin, dito na rin magtatanghalian sila crispin.

"Malapit na baby. Magbabakasyon din tayo dun."Sagot ko habang hinahalo ang niluluto kong adobo, ngumiti naman ang anak ko at nagpatuloy sa paglalaro ng barbie na binigay ni tito crispin niya.

"Oo nga sis, kailan ba kayo bibisita ng manila? Baka naman sa birthday ko makapunta kayo ni theia."Napatingin ako kay amie na tumabi sakin.

"Itatry ko, ang dami ko din kasi inaasikaso dito sa baguio."Sabi ko sakanya habang sinasalin sa mangkok yung adobo na niluto ko.

"Kahit yun na lang gift mo saakin, punta kayo ni theia sa birthday ko."Sabi ni amie habang kumukuha ng mga plato. "Atsaka para naman makilala na ni alex si theia, eh inaanak nya yan."Sabi ni amie.

Napaisip ako sa sinabi niya, nung huling kita kasi ni alex kay theia is baby pa talaga si theia, kakapanganak ko palang ata kay theia non, kinuha ko ring ninang si alex, tas nakakausap nya si theia sa videocall lang ganon.

Pagkatapos namin kumain ay nagpasyahan na rin nila na umuwi na ng maynila, baka kasi maabutan daw sila ng dilim sa pagbibiyahe, ngayon ay nandito kami ni theia sa terrace ng bahay kandong kandong ko sya.

Nilalaro laro ko ang buhok ng anak ko habang tanaw namin ang buong baguio, nagulat ako kasi humarap sya saakin bigla.

"Naynay, naalala ko lang nung sinabi mo saakin na bigay ni papa ko itong necklace na 'to, nasan na kaya siya naynay? Kapag nakikita ko 'tong necklace ko naynay napapaisip ako san si papa ko."Inosenteng tanong ng anak ko, pakiramdam ko may kumurot sa puso ko sa tanong nya..

Palagi niyang hinahanap saakin ang papa nya eveytime na nakikita nya yung kuwintas na suot nya, sabi ko kasi bigay sakanya ng papa niya, halata sa mukha ng anak ko na sabik sya sa tatay, sabik sya sa yakap ng isang ama.

"Diba baby sinabi ko sayo.. nasa malayo si papa mo. Pero syempre makikilala mo pa rin sya soon."Sabi ko habang tinatalian ang mahabang buhok nito, pati buhok ata ni basilio nakuha nya, malambot din kasi,

I missed him.

"Naynay, mabait naman siguro si papa ko diba?"Tanong niya saakin. "Natatakot ako na baka hindi ako matanggap ni papa ko e."Nakapoyut nyang sabi.

Bahagya kong kinurot ang matabang pisngi niya, kamukhang kamukha nya si basilio everytime na nagpapout sya,

"Oo naman anak, matatanggap ka ng papa mo, pero tara na magsleep na tayo kasi bukas pupunta tayo ng mall maggrocery tayo."Sabi ko

Tuwang tuwa naman sya, "Talaga naynay? Mamimili ba tayo ng new toys?"Tanong niya saakin.

"Yes anak, kaya sleep na tayo."

**
Kinabukasan ay maaga kaming nagpunta sa mall para mamili ng mga kailangan dito sa bahay, tapos dun na rin kami magtatanghalian kasama namin ngayon si nanay ising papuntang mall.

"Naynay gusto ko po ng bagong toys, pwede po ba bili tayo ng bagong barbie po para may toys ako ulit hindi na po kasi binalik ni eve yung laruan ko"Malungkot na sabi niya, si eve yung anak ni claudio na kalaro nya.

What i love most about my daughter is yung pagiging humble at mabait nya tapos pagiging mapagbigay nya sa kapwa nya.

"Oo anak we will buy some new toys pero dikit ka lang kay lala ising mo ha? Para hindi ka mawala."Sabi ko sakanya atsaka nagfocus sa pagdadrive ko.

Sayang basilio, hindi mo manlang nakikita kung gaano kabait at kahumble ang anak mo.

who are you? / basilio x reader fanfiction.Where stories live. Discover now