Ikasampung Kabanata

1.4K 107 290
                                    

"Uy! Nandito ka pala."Napansin pala ako ni basilio.

Lumunok muna ako bago magsalita. "Happy birthday."Sabi ko sakanya at ngumiti.

"Maraming salamat nga pala dito, kumain ka na ba? Halika sasamahan kit-"Pinutol ko ang sasabihin nya.

"H-hindi na, wag na. Okay lang basilio, nakakahiya sa bisita mo kung iiwan mo sya, andyan naman sila amie eh"Sabi ko sakanya "Sige punta na ako dun, happy birthday ulit."Ngumiti ako sakanya tsaka tumalikod.

"Okay ka lang ba? Bat parang may nangyaring di maganda?"Tanong ni amie sakin.

Tumango naman ako. "Okay lang ako."Sabi ko sakanya at dire diretsong nilagok yung baso sa harap ko.

"Uy gaga ka, baka malasing ka kaagad ah, dahan dahan lang. The night is young marehcakes"Sabi ni hannah sakin. Nginisihan ko na lang sya.

"Mataas alcohol tolerance ko gago!"Sabi ko sakanya at nagtawanan naman kami.

"Alam mo! Panalo ka na! You really looks so beautiful tonight, tignan mo oh, pati si dominic napapatingin dito."Sabi ni Amie.

Napatingin ako sa lalaking tinuro nya, gwapo ito, singkit ag mata at malaki din ang katawan.

"Gago! Alam mo bang leader ng mga aswang yan, kaya magiingat ka dyan matinik yan!"Sabi ni hannah saakin.

"Hindi nya papansinin yan, si basilio lang gusto nya."Sabi ni amie sinaway ko naman sya. "Speaking of basilio, nasan sya? Diba pinuntahan mo sya?"Sa tanong ni amie sakin nabadtrip ako bigla.

"Kasama nya yung magandang babae 'di ko alam pangalan."Sabi ko at nagiwas ng tingin.

"Ahh, si Sampaguita, selos ka?"Pangasar na tanong ni hannah.

"Uy selos syaaaa"Sabi ni amie.

Aambahan ko sana sila ng suntok. "Anong selos? Pake ko pa dun sakanila? Tss."Sabi ko.

"Nagseselos ka nga gaga ka!!"Sabi ni amie.

Napairap ako. "Isipin mo na kung ano gusto mo isipin."Sabi ko sakanya.

Nagtawanan naman sila, mga loka loka talaga!

"Uy girls nageenjoy ba kayo sa party?"Napalingon kami sa nagsalita si crispin.

"Oo naman."Sagot ko nagulat ako ng tumabi ito saakin.

"Madami pang drinks dun, inom lang kayo basta kaya nyo."Sabi ni crispin. "Wait san si basilio? Ah ayun! Basilio! Halika dito!"Nagulat ako nung tawagin nya si basilio, napa-ayos ako ng upo.

"Hinatid ko lang si sampaguita kuya."Umupo naman sya sa tabi ni hannah which is sa harap ko, napapansin ko na kanina pa sya tumitingin saakin.

** 

3RD PERSON's POV

Habang lumalalim ang gabi naging masaya ang kwentuhan nyo, at hanggang ngayon ay hindi mo pa rin kinikibo si basilio dahilan para ipagtaka nya dahil okay naman kayo nung huli nyong pagusap. At ikaw naman ay todo inom ka lang, kaya habang tumatagal nalalasing ka na rin, nung umalis si crispin sa tabi mo ay kinuha na ni basilio ang oportunity na yon para tabihan ka.

"Uy, galit ka ba sakin?"Tanong nya sayo.

Tinignan mo naman sya at halata ang pagkagulat sayong mukha.

"G-galit? Hindi ah! Bakit ako magagalit sayo?"Tanong mo sakanya.

"Hindi mo ako pinapansin."Sabi niya at nagpout pa sayo.

Umiling ka. "I'm not mad, wag ka magalala."Sabi mo sakanya, tumayoka naman. "Magsi-cr lang ako."Sabi mo sa mga kaibigan mo. Tatayo ka sana nang bigla kang tumumba buti nandyan si basilio para saluhin ka.

"Okay ka lang ba? Kaya mo ba tumayo? Pwede naman kita samahan mag cr."Sabi niya sayo.

"Okay lang ako, salamat na lang"Inalis mo yung kamay nya na nakahawak sa braso mo, sign na yun para mapansin nya na nagagalit ka nga sakanya.

Pagewang-gewang kang naglakad papunta sa cr, at pagkatapos mo mag CR ay nagulat ka dahil nakasandal na si basilio sa pader at halatang inaantay ka, pero nagpanggap ka na lang na hindi mo sya napansin at dirediretsong nagpunta sa table nyo.

Kinuha mo ang iyong bag "Uwi na ako."Sabi mo sa mga kaibigan mo.

"Kaya mo ba? Marami ka ng nainom."Nagaalalang tanong ni hannah.

"Kaya ko pa naman magdrive."Sabi mo sakanya.

"Pahatid ka na lang kay basilio."Sabi ni amie sayo.

"Pahatid? Wag na!" Sabi mo sa isip mo.

"Hindi na nakakahiy sakanya."Sabi mo at dali daling lumabas ng bar.

"Uy! Uy! Ano bang problema mo?"Naririnig mong tanong ni basilio, habang hinabol ka nya pero dire-diretso ka lang naglakad, hindi mo napansin na may kotse palang paparating pipikit ka na sana kaso naramdaman mo na may humatak sayo at kinulong ka sa braso nito.

Agad ka namang kumawala sa braso niya, nakaramdam ka na rin ng hilo.

"Ano ba kasing problema? Hindi ko alam ano nangyayari sayo! Hindi ako sanay na tahimik ka eh! Please naman mababaliw na ako kakaisip!"Tanong nya sayo.

"Ano ba basilio?! Pwede ba bumalik ka na dun?! Walang problema okay? Okay lang ako, gusto ko lang umuwi."Sabi mo sakanya bubuksan mo sana ang kotse nang bigla nyang sinara ito.

"Hindi ka pwede umuwi ng lasing na lasing."Sabi niya sayo.

"Hindi ako lasing!"Sagot mo sakanya.

"Kung hindi ka lasing hayaan mo akong ihatid ka."Sabi niya sayo di ka na lang sumagot at tumalikod ka na lang.

"Tangina naman!"

Naramdaman mo na parang may humuhukay sa sikmura mo at nagsimula ka ng magsuka.

"Akala ko ba 'di ka lasing?"Ayun ang huling salita na narinig mo bago ka mawalan ng malay.

who are you? / basilio x reader fanfiction.Where stories live. Discover now