Ngayon na ang simula ng akin pagtatrabaho sa The Diabolical, wala masyadong tao kaya 'di ko masasabi na nakakapagod 'tong trabaho ko.
"Kamusta naman?"Napatingin ako kay hank. Sya ang bartender dito.
"Okay naman. Ang tumal ng customer."Sabi ko sakanya at umupo sa couch.
"Tignan mo maya maya, madami ng customer."Sabi ni hank kaya tumango na lang ako sakanya.
"Isa ngang alak."Napatingin ako sa nagsalita. Si ma'am alexandra 'to ah.
"Okay wait po."Sabi ko at dali dali pumunta sa counter. "Alak daw kay ma'am alex."Sabi ko kay hank.
Maya maya ay inabot ko na 'to kay mam alex. "Ito na po mam."Sabi ko sakanya.
"Sabi ko naman sayo, alex na lang."Sabi nya sakin.
"Sorry na po, nasanay lang."Sabi ko sakanya tinanguhan naman nya ako. Napakaganda talaga nito ni mis alex. No wonder kung bakit whipped sakanya si maliksi.
Nalaman ko kasi na nililigawan ata ni maliksi itong si boss alex, syempre chika nung dalawa kong kaibigan sakin yan.
"Uy, ikaw muna dito sa counter. Ako muna magtetake ng orders nila. May instruction naman paano gawin yung mga alak dyan."Sabi ni hank sakin. Tumango naman ako sakanya.
Lumipat na ako sa counter. Ito yung unang beses na itatry ko yung ganitong uri ng isang trabaho.
"Uy ikaw pala bartender ngayon."Napaangat ako sa nagsalita.
Basilio.
"Yes ako nga, may i take your order sir?"Tanong ko sakanya.
"Can i take you?"Nagulat ako sa sinabi nya. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko, ikaw ba naman sabihan nyan tas sa gwapo pa mangagaling. Tangina. Kikiligin ka talaga.
"Siraulo ka basilio!"Binatukan sya ng kuya nyang si crispin. "Puro ka ka-gaguhan."Dugtong nito.
Napahimas si basilio sa ulo nya. "Nagjojoke lang naman ako kuya eh."Sabi ni basilio sa kapatid
"Kahit na.. nga pala order kami ng kahit anong alak dyan."Sabi sakin ni crispin.
"May dagdag ba?" I asked.
Umiling naman sya. Kaya kumuha na ako ng kahit anong alak dito at binigay sakanya.
"Thank you."Sabi niya sakin at umalis na. Sumunod naman sakanya si basilio.
"Uy ayie kita ko 'yun nagkakamabutihan ba kayo ni crispin?"Nagulat ako dahil sumulpot si amie at hannah sa harap ko.
"Siraulo ka, hindi."Sabi ko sakanila.
"Naku. Don't lie to me. Halata naman sa mata mo na crush mo si crispin."Sabi ni hannah sakin.
Pinandilatan ko sya ng mata. "Gaga ka hindi! Ito kung ano-ano iniisip nito."Sabi ko sakanya, mamaya may makarinig.
"Pero i can clearly say na bet ka ni basilio! Kasi look oh. Kanina pa sya nakatingin sayo."Sabi ni amie. Kaya napatingin kami sa pwesto nila basilio and yeah. He's looking at us."Confirm. He's cheking on youuuu! aaaaa kinikilig ako."Dagdag ni amie.
"Uy. Mamaya makahalata pa yan nakakahiya kayo."Sabi ko sakanila.
"Pero ikaw ano bet mo? espada ni basilio o espada ni crispin?"Namula ako sa tanong ni hannah. Kahit kailan talaga walang filter bibig nitong babaeng 'to
"Uy gaga ka. Ano ba yang sinasabi mo? Mag-tigil ka nga hannah!"Suway ko sakanya.
Tumawa naman ang gaga. "Joke lang eh. Pero text mo sakin kanino bet mo ha?"Tumawa ulit sya kaya napairap ako napaka gaga nang isang 'to.
"Sige tama na nga. Haharot lang ako sige sis! Kita kits sa bahay!"Sabi nya sakin at umalis na. Kahit kailan talaga 'to.
"Ako rin. May nakita akong papi dun. Iwan muna kita ha?"Sabi ni amie sakin tinanughan ko na lang sya.
Jusko, nakakaloka talaga 'tong dalawang 'to, pero kaninong espada nga ba? Ay jusko jusko. Ano ba yan self? Magtrabaho ka magtrabaho ka!!
"Uy."
"Ay espada ni basilio!" Anong espada?!!
Napatingin ako sa kumalabit sakin si hank...
"Ano kamo?"Tanong nya
"H-huh, w-wala. Bakit nga pala hank?"Tanong ko sakanya.
"Ay ayon. Palit na tayo ikaw na magwaiter ako na muna dito."Sabi niya sakin.
Tumango na lang ako at sinimulan ang trabaho ko.
Jusko ka! Nakakahiya ka self!!
YOU ARE READING
who are you? / basilio x reader fanfiction.
FanfictionNormal na tao ka lamang, papasok ka sa eskwelahan sa umaga at magtatrabaho sa gabi. but your normal life will be changed after meeting someone that who will changed and ruined your peaceful life. THIRTEEN SERIES #1.