Ikalimang Kabanata

1.6K 121 180
                                    

Hindi pa rin talaga mawala sa isip ko yung sinabi saakin ni basilio kagabi, parang araw-araw na ata ako gagambalahin nito.

"Uy, sigurado ka bang okay ka lang?"Napalingon ako sa nagsalita si hannah pala, nandito kami sa The Diabolical, may duty ako ngayon pero nagpaalam ako kay hank na baka hanggang 11 lang ako since sinisipon ako.

"Oo naman, hannah wag ka na mag aalala."Sabi ko sakanya. "Ano nga pala gusto mo inumin?"Tanong ko sakanya, ako ang nakatoka ngayon sa counter at si hank naman sa pagwwaiter.

"Hmm, gusto ko i-try yung alfonso, isang baso lang."Sabi niya sakin tumango naman ako at ibinigay yun sakanya. "Tignan mo 'tong si amie, iba na naman kalampungan."Sabi nya saakin kaya napatingin ako kay amie na may iba na namang kaakbayan.

"Totoo. Pero hayaan mo sya, dyan sya masaya eh."Sabi ko sakanya at natawa kami parehas.

"Alam mo bang sinubukang pormahan ni basilio si amie?"Nagulat ako sa sinabi nya. "Pero hindi pumayag si amie, frinendzone nya si basilio. Tropa tropa lang daw."Dagdag nya pa.

"Huh? Bakit naman? Gwapo naman si basilio, malaki katawan, mabait and may sense of humor."Tanong ko.

"Aba'y ewan ko, pero sabi ni amie friends na lang daw sila."Sabi ni hannah. "Based kung paano mo idescribe si basilio, crush mo ba?"Tanong nya saakin.

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko, kaya tumalikod ako at kunwari kukuha ng alak. "Nope, gwapo sya, mabait, and funny pero that's not enough para magustuhan ko sya."I said.

Sinungaling.

"Sabi mo eh, naku baka pag nakilala mo na yan si basilio, mahulog ka at kainin mo lang yang sinabi mo."Pang aasar ni hannah.

"Alam mo ikaw, bahala ka isipin mo na kung ano gusto mo isipin."Sabi ko sakanya, maya maya naman ay biglang pumasok si boss alex. Mukhang badtrip, dirediretso lang kasi syang umupo sa harap ng counter.

"Hard please."Sabi niya saakin. Kaya kinuhaan ko na lang sya ng kung anong hard na alak dito.

"Mukhang badtrip ka bossing ah."Sabi ko sakanya, pero hindi na lang sya kumibo.

"Alex, alex magusap tayo."Napalingon ako sa nagsalita si maliksi. Omg mukhang LQ ah!

Dali-daling tumayo si alex lalapitan sana sya ni maliksi kaso humarang si basilio at crispin.

"Wag muna ngayon, pare. Hayaan mo muna lumamig ulo ni bossing kung ayaw mo madagdagan galit nya sayo."Sabi ni crispin kaya lumambot ang expression ni maliksi at umupo na lang kung saan umupo si boss alex kanina.

"Bigyan mo nga din ako ng kahit anong alak. Tsaka itong dalawang itlog sa likod ko,"Sabi niya, kaya binigyan ko silang dalawa ng empi sabi kahit ano daw e.

"LQ kayo?"Tanong ni hannah.

"Oo, nagaway sila paano ba naman nahuli ni bossing na may kaakbayang babae kanina."Sabat ni crispin.

"Nako lagot ka."Sabi ni hannah. "Matinding suyuan to."Dagdag nya pa.

"Mukha nga."Sabi ni Maliksi. "Hindi ko alam paano susuyuin 'yon. Ngayon lang ako pumasok sa seryosong relationship. Nasanay lang ako na. Ako 'yung hinahabol."Sabi niya kaya natawa kami. "Bakit kayo natatawa?! Nagsasabi ako ng totoo"Sabi niya ulit saamin.

"Ang gwapo ah."Sabi ni hannah.

"Pero paano nga? Tulungan nyo kaya ako, ikaw ba?"Nagulat ako nang biglang tignan ako ni maliksi.

"Huh? Anong ako?"Tanong ko.

"Ano ba gusto mo pag sinusuyo ka? Wait nagkaboyfriend ka na ba?"Tanong ni maliksi, aba! Nangaasar ba 'tong tikbalang na 'to?!

"Hoy! Iniinsulto mo ba ako? Malamang!"Sagot ko kaya natawa sila.

"Kalmahan mo lang, nagtatanong lang ako, so ano nga?"Tanong nya sakin.

"Depende, hindi naman kasi ako nagpapasuyo dati, tsaka matagal na din yun 'di ko na maalala, pero usually bulaklak lang ganern, 'di ko na tanda 2 years na din kasi."Sabi ko, totoo naman 2 years na rin huling jowa ko kaya sinasapot na ako! Emeh!

"2 years? Tagal ah, padilig ka na sis."Sabi ni hannah, kaya hinampas ko sya loka loka!

"Mahirap ka ba ligawan?"Napatingin kami sa tanong ni crispin.

"Ikaw ah! Interesado ka sakanya no?"Pangaasar ni maliksi.

"Nagtatanong lang ako, based kasi sa nakikita ko sya yung babaeng hindi hindi mo basta makukuha."Sabi ni crispin dahilan para matameme ako.

"Bakit may plano ka ba ligawan sya kuya?"Tanong ni basilio.

"Depende."

who are you? / basilio x reader fanfiction.Where stories live. Discover now